26 - Alive
Yara
"Ano nga ulit pangalan nung squad natin?" tanong ni Magnus habang naglalakad kami papasok sa school.
"A Team" sagot ko.
"Bakit A Team ulit?" tanong ni Eli.
"A Team means a group of elite people basically yung mga pinaka the best people sa mundo ganon" sabi ko.
"So?" tanong ni Magnus.
"Hindi man tayo katulad nang mayayaman o kung sino man. But for us, you all are the best people" sabi ni Ezra.
"Naiiyak naman ako" sabi ni Magnus kaya natawa kami at pinatuloy ang paglalakad.
"Wala naman siguro magkakalimutan pagkatapos nang lahat" sabi ko.
"A Team forever ako" sabi ni Ezra.
"Sana lang ay kumpleto pa rin tayo" sabi ko.
"Sana nga eh" pag sang ayon ni Magnus.
Nang makarating kami sa building nang G12, agad kaming kumuha nang gamit sa locker at nagpuntahan sa sari-sariling strand at room.
---
Magnus
Tahimik akong naglalakad papunta sa room nang ABM, nasa third floor pa naman iyon pero chill na chill lang ako maglakad.
A Team...
Ang tagal ko nang hindi narinig iyon.
Napangiti ako pero may halong lungkot ang aking isipan dahil na alala ko na apat na lang kaming natira.
"Hays"
Napabalik ako sa katinuan nang marinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad kong kinalkal ang backpack ko para masagot iyon.
Dra. Candice Dela Rosa is calling...
Yun ang nakalagay kaya sinagot ko agad.
"Hello po" bati ko.
"Nahanap ko na ulit ang files ni Reese." sabi niya kaya ako naman dali- daling pumunta sa second floor para iexcuse si Yara.
"Dok wait lang po. Tawagin ko lang po ang mga kaibigan ko" sabi ko at sumagot naman siya.
Tumakbo ako agad sa room nila Yara at buti na lang ay wala pa silang teacher.
"Bakit?'tanong ni Yara nang makalabas.
"Si Doktora" sabi ko at agad naman kami nagtakbuhan pababa para sunduin si Ezra.
Napahinto kami nang may makita kaming teacher sa loob.
Kumatok si Yara at...
"Sorry for interupting your class mam. May I excuse Ezra. It's an emergency po" sabi ni Yara at pumayag naman ang teacher.
Lumabas naman si Ezra at tinanong kung bakit.
"Si Doktora" sabi ni Yara at nagpunta kami sa garden para walang tao.
Naupo kami sa bench sa bandang dulo para hindi kami kita at niloudspeak ang tawag.
"Ok na po dok" sabi ko.
"May papel kayo? Some infos might be helpful" paalala niya sa amin kaya agad kong hinugot ang notebook kong di ko ginagamit at ballpen.
"Full name"
Kinuha ni Yara ang notebook at ballpen at siya na ang nagsimulang magsulat.
"Veronica Reese Cabrera"
BINABASA MO ANG
WHO ✔
Mystery / ThrillerCOMPLETED. A group of friends lived a quiet and peaceful life, but their lives were turned upside down when one of them died. Ghosts of a past that's forgotten keeps haunting them. The killer is among them, but the question is.. Who?