3 - Notes

121 16 10
                                    

Bliss

Maaga akong nakarating sa school kaya dumiretso ako sa locker ko para kuhanin ang mga modules pero may nakita akong nakaipit na red envelope.

Bubuksan ko na sana iyon nang biglang dumating si Isaiah at sumandal sa tabi nang locker ko.

"Ano yan?" Tanong niya at itinuro ang red envelope.

"Wala to" sabi ko at itinago sa likod ko.

Binuksan niya ang locker niya at....

"What the?" Sabi niya nang makita niya rin ang envelope na red.

Sinira ni Isaiah ang envelope at binuklat ang papel na nasa loob.

"Mors Omnibus?" Tanong niya.

Kinuha ko rin ang akin at binuksan, ganoon rin ang nakasulat.

Kinuha ko rin ang akin at binuksan, ganoon rin ang nakasulat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ano naman ibigsabihin niyan?" Tanong ni Isaiah.

Nagsimula na rin magdatingan ang iba at pare-pareho kaming siyam na meroon natanggap na ganto.

"Anong kalokohan to?" Tanong ni Raelle.

"Ano ibigsabihin nito?" Tanong naman ni Ian.

Nilabas ni Nate ang cellphone niya at tinype ang nakalagay.

"Death to All"

"Anong joke na naman to Magnus?" Tanong ni Iris.

"Late na nga ako eh. Ako na naman. Bobo ako diyan kaya wag ako" sabi ni Magnus.

"Baka prank lang" sabi ko.

"Baliw lang ang magpraprank nang ganto" sabi ni Yara.

"Ang mas maganda itapon na lang natin" sabi ni Ezra.

Katulad nga nang sinabi ni Ezra, tinapon na lang namin iyon at pinagpatuloy ang normal na ginagawa namin.

Pero kinabukasan....

"Ano ba to? Parang tanga" sabi ni Nate.

"Meron ulit?" Tanong ni Ian na kakarating lang dahil kakagaling lang nang practice.

"Mors certa, vita incerta" basa ni Iris.

"What kind of sick joke is this?" Dagdag pa niya.

"Google translator nga" sabi ni Magnus.

"Death is certain, life is uncertain" basa ni Ezra.

"Death threat, death threat pa. Parang tanga lang" sabi ni Raelle.

"Ano kaya problema nito?" Tanong ni Isaiah.

"Sobra siguro galit nito sa atin" sabi ni Ian.

"Wala naman tayong inaagrabyadong tao" sabi ko.

"Oo nga saka na nanahimik na nga lang tayo" sabi ni Yara.

"Si Eli ba may natatanggap rin?" Tanong ni Iris.

WHO  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon