27 - Seventh

53 6 3
                                    

Magnus

"Sunduin na lang si Eli mamaya" sabi ni Ezra.

"Nagtext sa akin si Iris" sabi bigla ni Yara at pinakita ang text sa amin.

"Sinong kasama ni Eli mamaya?" tanong ko.

"Si Dexter. Sabi ko sa kanya isa lang sa atin ang susundo" sabi ni Ezra at tumango ako.

Atleast ay may kasama siya.

"Wag mong ibloblock" sabi ni Ezra kay Yara.

"Why?" tanong ko.

"Patrace natin kay Kuya Silas" sabi niya.

Tama...

"Mamayang uwian pumunta tayo roon sa police station" sabi ni Ezra.

"Sige sige" sabi ni Yara.

"Huy may nasearch ako about sa medicine or drugs na kayang magpatigil magpatibok nang puso" sabi ni Yara.

"Kailan mo sinearch?" tanong ko.

"Wala kaming teacher kanina kaya nagpunta ako nang computer lab at nagsearch." sabi ni Yara.

"Ano pangalan nung gamot?" tanong ni Ezra.

"Adenosine."

---

"Now medyo nakokonekta ko na" sabi ko.

"So wait"

"Si Iris rin siguro yung nagsesend nang death threat sa atin nung start?" tanong ko.

"Highly possible" sabi ni Yara.

Holy crap!

***

Eli

Kakarating ko lang kila Dexter at naghanda kami para makapaglaro na.

"Sino nagturo sayo magbball pre?" tanong ni Dex habang pinaglalaruan ang bola.

"Si Kuya Ian" sagot ko.

"Luge ako don. Captain nang bball team sa school yon eh" tawa ni Dex at inabot sa akin ang bola kaya nagsimula na kami.

Nakadalawang oras kami maglaro at ngayon ay pinaligo niya na ako dito sa bahay nila.

Buti na lang ay may dala akong damit.

Pagkatapos ay nagtext ako kay Ate na sunduin na ako at dito na rin ako pinaghapunan.

Pagkatapos kong kumain sakto naman at nag door bell ang pinto.

"Nandyan na ata si Ate. Mauuna na ako" paalam ko kay Dexter na busy sa pag huhugas nang pinggan.

"SIge ingat kayo. Pasara na lang nang pinto pre" sabi niya kay umoo na lang ako.

Lumabas ako at sinara ang pinto at nagulat na lang ako nang...

"Hi Eli boy!"

"Ate Iris"

---

Ezra

Nakarating na kami sa police station at buti ay nandoon si Kuya Silas at napatrace namin ang number.

"Saan yan?" tanong ni Yara nang makita ang address.

"Sa convenience store namin" sabi ko.

At saktong pagbukas ko nang cellphone ko ay narecieve ko ang text ni Eli.

"Salamat Kuya Silas!" paalam namin sa kanya at namasahe na papunta sa bahay ni Dexter.

Medyo natagalan kami dahil traffic na rin at buti nalang ay medyo malapit lang ang bahay ni Dexter sa convenience store.

Pinindot ko ang doorbell at agad lumabas si Dex.

"Dex, si Eli?' tanong ko.

"Sinundo niyo na po kanina" takang sabi niya.

"Ha?"

Ano?!

"Kanina pa po umalis." sabi niya.

"Sige salamat" yun na lang ang lumabas sa bibig ko.

Napasabunot ako sa buhok ko at napaupo sa kalsada.

Paano kung may mangyaring masama sa kanya? SHIT!

Nagulat ako nang tumunog ang phone ko at nagtext si Eli.

pero...

Masyado kayong mainit. Palamig muna kayo rito...

---

Nagmadali kaming pumunta nang convenience store at nagulat kami na makitang bukas ang padlock.

Pumasok kami agad at ang malamig na hangin na mula sa aircon ang sumalubong sa amin.

"Ang dilim" sabi ni Magnus at binuksan ang flashlight nang cellphone niya kaya ganoon ang ginawa namin ni Yara.

"Eli" tawag nila.

"Iris!" sigaw ko.

"E-ezra" tawag ni Yara sa akin kaya napatingin ako kung saan sila nakatingin.

Nakapadlock ang freezer na pinaglalagyan nang ice cream, pero nagkalat lahat nang ice cream rito sa labas.

Kinalampag ko ang freezer at tinawag ang pangalan ni Eli.

Wag ang kapatid ko...

"M-magnus basagin mo iyon" turo ko sa fire extinguisher na nakalagay sa salamin.

Ginawa niya naman iyon at pinagsira nang padlock ang fire extinguisher.

Agad kong binuksan ang freezer at doon na lang bumigay ang tuhod ko.

---

Yara

Nang mabuksan ni Ezra ang freezer nagulat kami nang bumagsak bigla siya sa sahig at nag iiyak.

"Eli Oh my God!"

Tinulungan kong si Magnus ilabas si Eli nang freezer at nagawa namin iyon.

"Hindi na siya humihinga Ezra" sabi ni Magnus at doon nag tuloy tuloy ang hagulgol niya.

Yumakap siya kay Eli at nag iiyak.

"Kasalanan ko to. Hindi ko na siya dapat pinayagan" rinig naming sabi niya sa pagitan nang mga iyak.

Niyakap namin si Ezra at nagulat kami nang may marinig kami.

"I'm so sorry Ezra"

---

:))

---

:)))

WHO  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon