23 - Truth

46 6 1
                                    

Yara

"Sigurado ka ba diyan sa panaginip mo?" tanong ni Magnus.

"Hindi ko alam" sagot ko.

"Para matapos na to"

"Pumunta na tayo sa condo ni Nate. May spare key ako"

---

Magnus

"Ngayon na?" tanong ni Ezra.

"Mamayang alas syete o alas sais. Mag hahanap tayo roon" sabi ko.

"Magpahinga na muna tayo" sabi ni Ezra.

Sinamahan niya si Eli sa sala habang kami ni Yara ay nandito pa sa kusina.

"Ano pa ang nasa panaginip mo?" tanong ko.

"Si Bliss at Isaiah. T-tinulak nila si Reese sa hagdan" nauutal niyang sabi.

"Multiple broken bones and Broken skull"

Kaya ganoon siguro. Pero bakit suffocation ang cause of death?

"Kung si Iris iyon, paano niya nagagawa ito?" tanong ko.

"Hindi ko alam Magnus" sabi ni Yara at napasabunot sa buhok niya.

Napabuntong hininga ako at inalalayan siya na maupo sa couch sa sala.

"Ang tanong ko talaga is"

"Bakit wala tayo na aalala five years ago?" sabi ni Ezra.

"Maybe. Pinili natin iyon kalimutan o"

"Wala tayo roon mismo nung nangyari iyon"

"Why did they push her?" tanong ni Ezra.

"Maraming pwedeng dahilan" sabi ni Yara.

---

Yara

"Hindi na ako makatulog, alas kwatro na" sabi ko.

"Same" sabi ni Ezra.

Nandito kaming apat sa sala natulog. Sa couch kaming dalawang babae at ang dalawang lalaki ay sa sahig.

"Sa nangyayari, araw araw sleepover na rito sa inyo" sabi ni Ezra.

"Mas ayos na iyon para may kasama ako" sagot ko sa kanya.

"Sana ay matapos na to" sabi ni Ezra.

"Sana nga" pag sang ayon ko.

Ipinikit ko ang mata ko pero hindi pa rin ako makatulog. Naka ilang ikot na ata ako rito sa pwesto ko pero wala pa rin.

Idinilat ko ang mata ko at tumingin sa orasan. Alas sinco.

Bumangon ako nagluto na lang nang almusal. Simpleng bacon at egg lang ang niluto ko at pagkatapos ay naligo na ako. Pagkatapos ko maligo at magbihis, bumaba na ako at ginising na sila.

"Ang laki na nang eyebags mo" sabi ni Magnus.

"Sana all kasi nakakatulog ng mahimbing" sabi ko at sumubo sa pagkain ko.

"Maliligo na ko" sabi ni Ezra pagkatapos kumain.

"Bilis mo naman kumain" sabi ko.

"Hindi yan sanay kumain nang almusal" sabi ni Eli.

"Si Magnus every hour kumakain yan" asar ni Ezra.

"Pag natapos talaga to lahat at buhay pa tayo. Everyday mang buburaot ako sayo" banta niya.

"Kung buhay pa tayo"

---

"Buksan mo na" utos namin kay Magnus.

"Ayaw magbukas" sabi niya.

"Sipain mo" sabi ni Ezra.

Napasapo ako sa noo ko at napa iling nang gawin talaga iyon ni Magnus.

"BAKA MAGISING YUNG IBA" madiin na bulong ko.

Pumasok kami sa loob at isinara ang pinto. Nilibot ko nang tingin ang condo ni Nate. Malinis ito at maraming picture frame. Napangiti ako nang makita na puro litrato namin halos lahat.

"Namimiss ko na ang kakulitan non" sabi ni Magnus.

"Pahiram flashlight" sabi ni Ezra kaya agad naman binaba ni Magnus ang backpack niya at kumuha nang flashlight. Binigyan niya kami nang flashlight lahat at nagsimula na kami maglibot.

"Found the camera" sabi ni Ezra at agad lumapit sa amin.

Binuksan namin iyon at buti ay may battery pa. Kinonekta namin iyon sa laptop na dinala ni Ezra at nagsimula maghagilap sa mga litrato.

"Open mo nga iyan" turo ko sa isang file.

Bumungad ang nasusunog na bahay nila Isaiah, pinindot namin ang next at sumunod naman ay nakatalikod na dalawang babae.

Naramdaman ko ang bilis nang tibok nang puso ko nang makita pa ang sumunod na litrato.

Garden sa school at si Iris na may hawak na cutter at sinusugatan ang sarili niya.

Next ay sa Gymnasium. Ang buong pader ay salamin at video iyon.

"Stop this Reese"

Rinig namin sabi niya sa video kaya nagkatinginan kami lahat.

"I'm not gonna stop. Papatayin ko silang lahat"

Sinarado namin ang laptop.

"Buhay pa siya?" tanong ni Ezra.

"Mukha"

Nagtilian kami nang biglang magring ang telepono ni Magnus.

"Si Kuya Silas" sabi niya at sinagot.

"Loudspeak mo" bulong ko at ginawa niya iyon.

"Hello Kuya" bati ni Magnus.

"Lumabas na ang test sa bangkay ni Ms. Ortega" sabi niya.

"Ano po ang resulta?" tanong ni Magnus.

"Hindi siya namatay sa pagkakabigti."

"They found rat poison in her blood"

---

:))

WHO  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon