Yara
"They found traces of rat poison in her blood" sabi ni Kuya.
Nagpasalamat si Magnus at ibinaba ang tawag.
"Iris is alive?" tanong ni Ezra.
"I think so" sabi ko at napaupo na lang kami sa couch.
"Kaya ba close casket ang burol ni Iris?" tanong ni Magnus.
Oo nga no.
"Pero di ba may nagembalsamo?" tanong ni Eli.
"Oo nga no" sabi ko.
"Yung utak ko nasisira na" dugtong ko.
"Pero paano kung buhay pa siya" sabi ni Ezra.
"Kailangan na natin nang pulis" sabi ko.
"Pero they won't believe us. Alam nila patay na si Iris" sabi ni Ezra.
"Let's give it a shot" sabi ko.
"Ano ba ang kinain niyo mga bata?" tanong nung isang pulis nang ikwento namin ang nalaman namin.
Tatlo lang kami na nandirito sa police station dahil sinamahan naman ni Eli si Yeshua sa bahay dahil dumalaw ito.
"Nasaan po si Sergeant Hidalgo?" tanong namin.
"Wala siya ngayong linggo dahil may personal na problema iyon" sabi sa amin at tumango tango na lang kami.
At syempre dahil alam namin na wala kaming mapapala rito, umalis na kami.
"Salamat na lang po" sabi namin bago umalis.
"Bawas bawasan niyo ang panonood nang mga movie. Nakaka apekto na iyan sa utak niyo" paalala sa amin.
I wish that this is just a movie.
----
Ezra
"Ano ang balita?' tanong ni Eli nang makauwi kami kila Yara.
"ATE!" rinig naming sigaw ni Yeshua at yumakap sa Ate niya.
Dumiretso kami sa sala at naupo sa couch.
"Ano na nangyari?" tanong ni Eli.
Huminga ako nang malalim at sinandal muna ang ulo ko sa sandalan.
Sumasakit ang ulo ko jusko.
"Syempre hindi na niwala ang mga pulis" sabi ni Magnus.
"Nasaan si Kuya Silas?" tanong ni Eli.
"Wala raw. May personal problems, hayaan niyo muna siya marami naman na siyang naitulong sa atin" sabi ko at tumango naman sila.
"So walang nangyari nung pumunta kayo?" tanong ni Eli.
"Oo" sagot ko at napangiwi naman siya.
Tumayo naman si Magnus at pumunta sa kusina.
"Ano gagawin mo?" tanong ko.
"Magluluto kasi gutom na ko. Kayo ba?" tanong niya.
"Gutom rin" sagot ko at tumayo ako para tulungan siya roon.
"Ano ba ang lulutuin mo? Pang tanghalian naman na" sabi ko.
"Ano ba gusto mo?" tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Abala siyang mag saing kaya hindi niya napansin na nakatingin sa kanya.
Bakit ako?
"Bakit ako tinatanong mo?" tanong ko.
"Ayaw mo ba?" tanong niya pabalik at natawa nang mahina.
Naramdaman ko naman ang pag init nang pisngi ko kaya agad akong tumalikod sa kanya.
Ano ba ang pinag iisip mo Ezra?!
"Ano nga gusto mo?" ulit niya nang tanong.
"K-kahit ano"
Bakit ako nauutal?! SI MAGNUS LANG NAMAN ANG KAUSAP KO?!
Agad kong tinanggal sa isip ko iyon at humarap sa kanya pero nagulat ako nang tumawa siya bigla.
"Bakit ka tumatawa?" tanong ko at pumunta sa cupboard para kunin ang sibuyas at naghiwa na ako.
"Bakit ka naghihiwa nang sibuyas?" natatawang tanong niya.
Eh?
"W-wala, kasama yan sa iluluto mo" sabi ko at natawa naman siya lalo.
"Magpopork chop lang ako HAHAHAHAHA"
Nang sabihin niya iyon lalo akong namula.
Nakakahiya ka self!
"Bahala ka na diyan" sabi ko at bumalik sa sala habang naiwan siya roon na tumatawa.
"You're blushing" Puna ni Yara kaya kinapa ko ang pisngi ko at mainit nga iyon.
"Hehe" yun na lang ang lumabas sa bibig ko at natawa naman si Yara.
"Kinilig nang todo"
Ano ba to?
---
:))
BINABASA MO ANG
WHO ✔
Mystery / ThrillerCOMPLETED. A group of friends lived a quiet and peaceful life, but their lives were turned upside down when one of them died. Ghosts of a past that's forgotten keeps haunting them. The killer is among them, but the question is.. Who?