4 - Dreams

93 15 14
                                    

Nasa school ako ngayon, madilim pero nasa lobby ako. Sa may locker area tapos...

"I should've done this a long time ago"

Sabi nung naka black cap at hoodie na naglalagay nang red envelope sa locker namin.

"Ikaw uunahin ko, --------"

*****

"ATE YARA! GISING!"

Napabangon ako agad sa higaan, pawis na pawis.

"Binabangungot ka Ate" sabi ni Yeshua sa akin.

"Late na tayo ate" duktong pa niya kaya agad agad na akong naligo at umalis na rin agad.

Pagdating ko sa building namin, nandoon pa sila Ezra. May nakalagay ulit na envelope kaya binuksan ko ang locker ko.

Totoo ba ang napanaginipan ko?

"Omnia mors aequat"

"Death makes all things equal" sabi ni Ian.

"Dalawa rin ba sayo Yara?" Tanong ni Iris kaya kinalkal ko ulit ang locker ko at meron pa ngang isa...

"Abyssus abyssum invocat"

"Hell calls hell; one mistep leads to another" pagtratranslate nila sa akin.

"I think hindi na ito joke" sabi ni Isaiah.

"Sino ba ang gumagawa nito? I report na kaya natin sa principal" suggest ni Iris.

So ayun ang ginawa namin.

"Pang apat na araw na po namin nakatanggap nang ganyan" pag papakita ni Ezra nung mga note.

"Oh sige mga bata kami na maghahanap kung sino ang nagpapadala niyan sa inyo. Wag kayong mag-alala" sabi ni Ma'am.

"Sige na mag sipasok na kayo at mahuhuli kayo sa klase" dugtong niya kaya sinunod na namin.

"Paano kung totohanin yung death threat?" nag aalalang tanong ni Bliss.

"Hindi natin siya hahayaan kung sino man siya." paninigurado ni Ian.

"Saka sabi nang principal hahanapin naman daw nila" sabi ni Iris.

"Pag nalaman na natin kung sino, sasapakin ko siya." sabi ni Raelle.

"Tahimik mo ngayon Yara" puna ni Magnus.

Mas mabuti atang sarilihin ko muna.

"Wala to. Kulang sa tulog" palusot ko.

Nag kanya kanya na kami nang pasok sa room, at doon ko na alala na sa aming magkakaibigan ay ako lang mag-isa ang nag HUMMS.

Wala namang nangyari ngayong araw, maaga na rin kami umuwi lahat. Hindi na kami nag intayan.

---------

Naramdaman ko ang malakas na dampi nang hangin sa mukha ko. Naka pajama pa nga ako. Malamig. Nilibot ko nang tingin ang lugar at doon ko napagtanto na nasa rooftop ako nang school.

Naglibot ako sa rooftop, Malaki kasi ito pero bawal ang estudyante rito.

"Say you're last goodbye"

Napatingin ako kung saan nang galing ang boses, siya ulit. Yung naka cap.

Tinignan ko ang kausap niya, hawak niya iyon sa kwelyo sa likod. Lalaki.

Blurred lahat, pati ang mukha nila.

Pero bago pa ako makalapit, tinulak na niya yung lalaki.

WHO  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon