13 - Secret

44 10 0
                                    

Yara

"ATE ATE!" sigaw ni Yeshua mula sa kusina.

Nagmadali naman ako agad dahil baka napapaano na iyon doon pero naabutan ko siyang hawak ang telepono.

Inabot niya sa akin ang telepono at umalis na siya.

"Hello" sabi ko at si Eli pala iyon.

"Ate kakausapin ka ni Ate Ezra" sabi niya at narinig ko naman na inabot niya kay Ezra iyon.

"Bakit kayo napatawag?" Tanong ko.

"May nakita si Eli. Litrato galing kay Nathan." Sabi ni Ezra.

Ayun ba yung dapat na sasabihin sa akin ni Eli kanina?

"Dito na muna kayo hanggang linggo, wala rito si Mommy" sabi ko at umoo na lang si Ezra at binaba ang tawag.

Hinayaan ko sa sala si Yeshua habang nagluluto ako nang hapunan.

"May bisita Ate?" Tanong niya sa akin habang nagluluto.

"Hanggang linggo sila Ate Ezra mo rito para may kasama tayo" sabi ko at ginulo ang buhok niya habang hawak ko sa kabilang kamay ang sandok.

"Anong ulam ate?" Tanong niya sa akin.

"Adobong manok" sabi ko at tumakbo na ulit siya sa sala.

***

Nang matapos ako magluto, naghanda na ako sa kainan at saktong kumatok na sila Ezra kaya agad ko silang pinagbuksan.

Sinalubong sila ni Yeshua at inutusan naman ni Ezra si Eli na makipaglaro muna kay Yeshua dahil mag uusap kami.

"Siya talaga Yara" sabi ni Ezra at naupo sa couch rito sa sala. Inilapag niya ang backpack at nilabas ang notebook.

"It's really her" sabi niya ulit at inabot sa akin ang notebook.

Binuklat ko ang notebook, at bumungad muna ang litrato nang bahay na nasusunog.

Sumunod ay medyo blurred na.

Tapos ang huli ay. Si Bliss. Nakahoodie siya at may hawak na maliit na galon na sa tingin ko ay gas.

Isinara ko ang notebook at inilapag sa center table.

"Bakit?" Tanong ko.

Bakit niya ginagawa to?

"Hindi ko rin alam" sabi ni Ezra.

"Ate!" Tawag ni Yeshua kaya napaayos kami ni Ezra.

"Nagugutom na ko Ate" sabi ni Yeshua.

"Kumain na tayo" sabi ko at tumayo.

Habang kumakain kami, pare pareho kaming tahimik.
Baka pareho lang rin ang tumatakbo sa utak namin.

Bakit?

***

Ezra

May extrang foam sa kwarto ni Yara kaya sabi ko doon ako sa lapag. Si Eli naman ay sa sala raw matutulog dahil hindi naman sila kasya sa kwarto ni Yeshua dahil maliit ang kwarto nung bata.

"Hindi ako makatulog. Anong oras na ba?" tanong ko.

"Same. Alas kwatro na nga eh" sabi ni Yara.

Umupo ako at humarap sa kanya. Nakakumot siya at nakatagilid.

"May na aalala ka ba five years ago?" biglang tanong ko dahil pumasok sa isip ko ulit yung Reese na sinasabi ni Magnus.

"Yun nga rin Ezee eh. Wala rin ako maalala masyado" sabi ni Yara at humarap sa akin.

"Tawagan natin sila Magnus tapos padala natin yung box" suggest ko.

"Oo, tama tama" sabi ni Yara.

***

"Sino sinama mo?" tanong ni Yara habang nakasilip sa pintuan habang may awang nang onti.

Para kaming drug addict na takot sa tao.

"Si Raelle lang" sabi ni Magnus.

"Ano ba sis? Para kayong drug dealer na nagtatago sa police" sabi ni Raelle at pumasok na.

"Ang kalat. Ano yan?" turo ni Raelle sa mga printed news na nahanap namin sa net about sa school.

"Apparently may naerased na news about sa school natin five years ago" sabi ni Yara at naupo sa sahig habang si Magnus naman ay nilapag ang box sa center table.

"Ano pa nalaman niyo?" tanong ni Raelle.

"Ito yung mga files" sabi ni Magnus at kinuha ang files sa box at inabot sa amin.

Si Eli naman ay pinakita ulit ang notebook at picture sa dalawa.

Name: Reese (Surname Erased)

Birth date: March 20 2012

Blood Type: AB-

Cause of Death: Fractured Skull and Multiple Broken Bones (Smudged)

Biological Mother's Name: (Erased)

Biological Father's Name: (Erased)

Sibling's Name: (Erased)

Names of Doctor's who handled the patient:

Dr. Aris Buenaventura - Pediatrician

Dr. Candice Dela Rosa - Surgeon

"Ang raming bura" sabi ko at kinuha ang iba pang papeles na naroon pero wala naman importanteng na roon.

"Pwede ba tayo magpromise na lima sa isa't isa?" sabi ni Yara.

"Let's keep it a secret muna" dugtong niya at nag tanguan kami.

"Dr. Aris Buenaventura? " banggit ni Yara at napatingin kay Magnus.

Magnus Buenaventura...

"Tatay ko" sabi ni Magnus.

"Where is he now?" tanong ko.

"Ewan. Iniwan kami nun bigla, f-five years ago"

Ano ba ang nangyari five years ago?

----

:))


WHO  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon