5 - First

59 13 4
                                    

Raelle

"Hoy mamaya dito na lang ulit sa tambayan magkita kita" sabi ni Isaiah.

"Una na rin ako" sabi ni Ian dahil may practice rin siya ngayon.

"Pupunta na kami ni Kuya Isaiah sa Faculty. mag prapractice na rin kami" sabi naman ni Eli.

May practice sila ngayon ni Isaiah para sa quiz bee. Grade 12 representative kasi si Isaiah at Grade 11 naman representative naman si Eli.

Sana all matalino di ba..

"Bliss!Nate! tawag na kayo ni sir" sigaw nung editor nila para sa school newspaper.

"Una na kami" sabi ni Nate at kinuha ang camera niya.

"Pupunta na ko library" sabi ni Ezra at nag paalam.

"Uy samahan niyo naman ako sa gymnasium" sabi ni Iris.

"Magbabali buto ka na ulit?" tanong ni Magnus.

"Bali buto?" tanong ni Yara.

"Gymnastics sis" sabi ko at naglakad na kaming apat papunta sa gymnasium.

"Saan na tayo pupunta?" tanong ni Yara.

"Bili muna tayo fishball sa labas" sabi ni Magnus at sumunod na lang kami.

Lumabas kaming apat nang school at bumili nang pagkain.

"Tatlong isaw po" sabi ni Magnus at habang iniintay maluto yung isaw pumunta siya sa tindahan. Nakasunod lang kaming dalawa ni Yara at nag iisip rin kami kung ano bibilhin.

"Coke po" sabi ni Magnus at tinignan kaming dalawa ni Yara.

"Hindi kayo bibili?" tanong niya at kinuha ang coke.

"Bibili" sagot ko.

"Edi bumili na kayo" sabi niya naman at pumunta kami sa stand ng pancake.

"Ang tagal!" reklamo ni Magnus sa aming dalawa.

"Kumain ka na lang diyan, patay gutom na to porket may pagkain na mag gagaganyan ka na" sabi ko at kinuha ang binili namin.

"Nye nye nye" sabi niya kaya nabatukan ni Yara.

Naupo kami sa bench sa harap nang school at kumain.

"UY UY!" sigaw ni Nate nang makita kami sa labas.

"Sorry pre pero hindi ako nagpapashare nang food" sabi ni Magnus.

"SI IAN!" sigaw niya sa amin kaya napatayo kami.

"Ano nangyari kay Ian?" tanong ni Yara.

"TATALON NANG BUILDING BILIS!" Sabi ni Nate kaya nag takbuhan kami agad.

Nang makarating kami sa grade twelve building, maraming nagkukumpulang tao na. Tumingala kami at nakita namin si Ian na nakatayo sa gilid nang rooftop.

"IAN BUMABA KA DIYAN!" Sigaw ko.

"Wala tayong mapapala rito sa ibaba, umakyat na tayo. Bilis!" sabi ni Magnus kaya tumakbo kami paakyat.

"BAKIT BA KASI WALANG ELEVATOR ITONG SCHOOL!" Inis kong sabi.

Maya-maya lang ay nakasabay na namin sila Isaiah at Eli.

"Ate, baka mapapaano si Kuya Ian doon" sabi ni Eli kay Ezra.

Napatigil nang pagtakbo si Magnus kaya huminto kami at nakita namin na.... nahuhulog siya.

"IAN!" Sigaw ni Isaiah at bumaba agad.

"Nasaan si Iris?" tanong ni Bliss.

"G-guys" napatingin kami sa kabilang side at nandoon si Iris.

WHO  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon