16 - Clues

36 8 3
                                    

Raelle

Sabado ngayon at naririto na naman kami sa bahay nila Yara. Tinutuloy ang paghahanap pa nang mga clue.

Dito kami matutulog hanggang linggo para mag imbistiga.

"Sinearch ko yung logo nung hospital" sabi ni Ezra.

"Ano pangalan?" tanong ni Magnus.

"Westside General Hospital" sabi ni Ezra.

"Let's go" sabi ni Magnus.

I know he's hoping to see his father again...

***

Ezra

Nandito na kami sa ospital ngayon at wala naman masyadong tao. Si Eli ay naiwan sa bahay kasama si Iris.

Pumunta kami sa front desk at si Magnus ang kumausap.

"Hello Good morning, i just want to ask. Where is the office of Dr. Buenaventura?" Pormal na tanong ni Magnus.

"May appointment po ba kayo sir?" Tanong nung nurse.

"Tell him that his son is here" sabi ni Magnus at tumango ang nurse at nagdial sa telepono.

"English spokening ka na pala" asar ni Raelle.

"Ngayon lang to. Sulitin niyo na" sabi ni Magnus.

"This way po" sabi bigla nung nurse at tinuro ang daan.

---

"I can't dig this again" sabi ni Tito.

"Bakit?" Tanong ni Magnus pero umiwas lang si Tito.

Ano ba kasi ang nangyayari?

"Matagal na ang file na iyan" simpleng sagot ni Tito at isinaoli sa amin ang file.

"Don't ask me to do that again" dugtong niya pa.

"Now if you may excuse me. May trabaho pa ako" sabi ni Tito at kinuha ang lab gown at lumabas.

"Unbelievable! Wala man lang kamusta ganon?!" Galit na sabi ni Magnus.

"Wala man lang 'Anak pasensya na iniwan kita' diretsong pinaalis na naman ako agad. Tss!"

"Ikalma mo ang sarili mo" sabi ko.

"May isa pang doctor na nakalagay sa file. Maybe she can help us" dugtong ko.

"What's her name?" Tanong ni Yara.

"Candice Dela Rosa" sagot ko at lumabas na kaming lahat sa office.

Pumunta ulit kami sa front desk and ako naman ang nagtanong.

"Miss, may Dra. Candice Dela Rosa po ba rito?" Paninigurado ko.

"Yes po." Sagot sa akin habang tumatango.

"Nasaan po office niya?" Tanong ko.

"Sa Third floor po mam bungad na bungad pag kabukas nang elevator. Break time po ata nila ngayon so baka andoon na siya" sabi nung nurse.

"Sige po, maraming salamat" sabi ko at nag intay na kami makasakay sa elevator.

"Sana ay matulungan niya tayo" sabi ni Yara.

"Sana"

***

Raelle

Nang makasakay kami sa elevator biglang may humabol pa na dalawang lalaki kaya inopen ulit namin. Isang naka pang piloto at isang nakalab gown.

"Salamat" sabi nung naka lab gown.

"Saan floor kayo?" Seryosong tanong nung naka pang piloto dahil siya ang malapit sa pindutan.

Kailangan ba seryoso pag nagtatanong?

"You're scaring the kids Cedric" saway nung doctor.

"Third floor po" sagot ni Ezra at pinindot naman nung lalaki iyon.

Habang nasa elevator hindi namin mapigilan na mag eavesdrop sa usapan nung dalawang lalaki.

"Asher I'm sure masasapak ka ni Savannah pag nakita ka niya ngayon" sabi nung lalaking naka pilot uniform.

"Shut your mouth Cedric. May mga bata" sabi naman nung Doctor.

Buti na lang at bumukas na ang elevator at nakalabas na kami.

"Parang ang bata nila tignan para sa piloto at doktor" sabi ko.

"Sana maka abot ako sa ganon katanda" sabi ni Magnus.

I hope we can make it out alive

***

Yara

Katulad nang sabi nung nurse bungad na bungad ang office kaya kumatok kami agad.

"Pasok" rinig naming sabi kaya pumasok na kami.

"Anong ginagawa rito mga bata?" Tanong sa amin ni Doktora.

"Doc gusto lang po sana namin magtanong about this file" sabi ni Ezra at inabot ang file.

"Napaka komplikado nitong file na ito. I remember" sabi ni Doc.

"Ano po ba meron diyan sa file na iyan? Saka yung mga smudges po?" Tanong ko.

"Maupo kayo sa couch. Gusto niyo ba nang tsaa?" Alok niya pero tumanggi kami.

"You are all so grown up " komento niya.

So she know us?

"Sigurado kayo ayaw niyo nang tsaa? Mahaba haba itong usapan na to" sabi niya sa amin.

"Tubig na lang po hehe" sabi ni Magnus.

Kumuha naman si Doc nang tubig at binigyan kaming lahat.

---

"What happened po five years ago?" Tanong ko.

"You don't remember this girl?" Tanong niya pabalik sa amin.

"Hindi po" sagot namin.

"Really? She's your friend ah" sabi sa amin.

"Too bad, she died" dugtong niya.

"Mabait at matalino pa naman iyong batang iyon"

***

Ezra

"Mabait at matalino pa naman iyong batang iyon"

And for a second, i felt a familiar feeling.

Jealousy...



WHO  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon