Ezra
I shrugged to get that thought out of my head.
"Paano po siya namatay?" Pagiiba ko nang topic.
"Sa broken bones po ba and skull?" Tanong naman ni Yara.
"No. Ang weird nga nung pag kamatay niya. Hindi connected sa injuries niya." Pageexplain niya sa amin.
"She died because of suffocation"
Para akong binuhusan na malamig na tubig. Nagulat ako. Sobra. Why did she died of that?
"Hindi ko matandaan ang surname niya, i'll try to check this file again. Ang natatandaan ko lang is my twin sister siya." sabi ni Doktora at tumango na lang kami.
Twin sister? Sino?
"Sige kids, mauuna na ako. May schedule pa ako eh" sabu niya at tumayo na kami at nagpasalamat.
"I'll call you if I find anything" sabi niya sa amin at ibinigay naman ni Magnus ang cellphone number niya.
Nagpasalamat kami ulit bago umalis.
***
Yara
Nang makauwi kami sa bahay, halos lahat kami ay tahimik. Iniisip ang tungkol kanina.
"Bakit hindi ko pa rin maalala?" Tanong ni Ezra.
"Maybe because you're not there when it happened" sabi ko.
"Siguro nga" sabi niya.
"Sino kaya ang twin sister ni Reese?" Sabi ni Magnus.
"Baka si Bliss. Tignan mo yung name magkatunog." Sabi ni Raelle.
"Reese. Bliss" pag uulit ni Magnus.
"Tanga wag mong ulit ulitin baka dalawin tayo nang wala sa oras" sabi ni Raelle.
"Si Eli ano na?" Tanong ko kay Ezra.
"Nasa bahay. Sinasamahan si Iris" sagot ni Ezra.
Iris. Reese. Bliss.
"They all rhyme" sabi ko..
"Ano?" Tanong ni Raelle.
"Iris. Reese and Bliss" sabi ko ulit.
"Imposibleng si Iris yon. Nakidnap nga iyon di ba?" Sabi ni Ezra.
"Yeah saka injuries niya" sabi ni Raelle.
Oo nga no.
"So maybe si Bliss talaga iyon"
"Bakit hindi pa natin sabihin sa police?" Tanong ni Ezra.
"Kasi wala pa tayo masyadong proof" sabi ko.
***
"Uuwi na ko" paalam ni Ezra.
Hindi siya rito matutulog dahil sa bahay nila natutulog si Iris at hindi pwedeng maiwan mag isa dahil baka kung ano na naman ang mangyari.
"Bakit parang feeling ko hindi talaga si Bliss" sabi ni Magnus.
"HIndi ko na rin nga alam ang paniniwalaaan ko eh" sabi ni Raelle.
***
Eli"Ano ba ang ginawa nila kila Yara?" Tanong ni Ate Iris.
Ehe. Yari
"May paproject ata sila Ate tapos nagpatulong kay Ate Yara" palusot ko.
Tumango tango na lang si Ate at nanood na lang sa TV.
Nasa kusina naman ako, nagluluto nang hapunan. Saktong pagkatapos ko ay dumating na si Ate Ezra. Sinalubong siya ni Ate Iris at tinulungan siyang dalin ang backpack at isang paperbag na dala ni Ate.
"Bumili ako nang prutas saka gatas. Kailangan mo iyon Iris Lalo na hindi pa magaling ang braso mo" sabi ni Ate Ezra.
"Mas ma asikaso ka pa kaysa kay mommy" sabi ni Ate Iris habang nakapalumbaba.
---
Pagka tapos naming maghapunan, nauna na si Ate Iris umakyat para matulog. Habang si Ate ay naghuhugas at ako naman ay nakikinig sa mga nalaman nila ngayong araw.
"Naka usap namin ang nag opera kay Reese." sabi ni Ate.
"Ano sabi?" tanong ko.
"Kakambal niya raw isa sa atin" sabi ni Ate.
"Sino sa atin?"
***
Ezra
"Sino sa atin?" tanong ni Eli.
"Hindi pa namin alam" sagot ko.
"Naalala niyo na ba ang nangyari five years ago?" tanong niya ulit.
"Hindi pa" sagot ko.
"Wala nang sabon. Alas nuwebe pa lang naman baka bukas yung sa kanto" utos ko nang makitang wala nang sabon.
"Ok" sagot ni Eli at kumuha nang barya at umalis na..
***
Eli
Napakamot ako nang ulo ng Makita ko na halos lahat nang street light sa amin ay pundido. Inilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang flashlight.
For some reason parang feeling ko ay may nakasunod sa akin.
Tumingin ako sa aking likuran at wala naming tao kaya nakahinga ako nang maluwag. Nagtuloy tuloy lang ako nang lakad.
Malamig ang simoy nang hangin.
***
Yara
"Naiwan ni Ezra" sabi ni Magnus habang hawak ang phone ni Ezra.
"Ako na ang magsasaoli" presenta niya at kinuha ang susi nang motor at umalis na.
"Pag si Ezra talaga ang usapan, g lang siya no" sabi ni Raelle.
"Selos ka?" asar ko at sinamaan niya ko nang tingin.
"Hindi ko na siya gusto ok?" sabi ni Raelle at ipinagkrus ang braso niya sa dibdib.
"Sabi mo eh" sabi ko at humagikgik.
Binato naman niya ako nang unan.
"Joke lang eh" sabi ko.
"Neknek mo joke"
***
Magnus
Saglit lang ang pagmamaneho ko kaya nakarating rin ako sa Bahay nila. Kakatok na sana ako nang makita kong bukas ang gate.
Pumasok ako sa loob pero walang tao rito sa baba kaya umakyat ako.
"Ate!" sigaw ni Eli.
"Eli kanina ka pa diyan tumitil-" naputol ang sasabihin ni Ezra nang makita niya na nakahandusay si Iris sa sahig.
"Anong nangyari kay Iris?" tanong ko at lumapit.
Kinapa ko ang pulsuhan niya pero..
"Hindi na siya humihinga"
BINABASA MO ANG
WHO ✔
Mystery / ThrillerCOMPLETED. A group of friends lived a quiet and peaceful life, but their lives were turned upside down when one of them died. Ghosts of a past that's forgotten keeps haunting them. The killer is among them, but the question is.. Who?