Magnus
Bumalik na lahat sa dati at ngayon ay nakakatulog na kami nang mahimbing. Ako ay bumalik sa dati kong bahay, ganoon rin ang ginawi ni Ezra at ngayon nga lang ay mag isa lang rin siya. Si Yara naman ay kasama na niya ang nanay niya at si Yeshua.
Pero may tanong pa rin kaming tatlo sa isipan namin...
Ano ba talaga ang nangyari five years ago?
Nauwi kami rito sa prisinto at dinalaw si Iris.
"Ililipat daw nila ako sa Psychiatric Ward, since alam niyo na"
"Sira ang tuktok ko" sabi ni Iris at tumawa nang mahina.
"What brings you here?" tanong niya sa amin.
Kaharap niya kaming tatlo at nandito kami sa visitors area. Nakaposas ang kamay niya na nakapatong sa table.
"What happened five years ago?"
Ngumiti siya at..
"It started..."
---Third Person---
Ang sabi nila ang high school years ang pinakamasayang taon para sa isang estudyante. Marami kang matutunan at maraming masasayang ala ala ang mabubuo.
Totoo nga ba ito?
"Ezraaa! Classmate tayo!" salubong ni Raelle at yumakap sa kaibigan.
"Class 03?" tanong ni Ian at tumango ang dalawa.
"What's up classmates!" bati niya.
"Yung kakambal mo?" tanong ni Raelle.
"Dito rin!" masayang sabi ni Ian.
"Si Banana 2?" tanong ni Raelle.
Ang tinutukoy niya ay si Magnus.
"Class 03 rin ako!" biglang sulpot nito habang may hawak pang vita milk sa kabilang kamay.
"Umagang umaga kumakain ka" sabi ni Ezra.
"Nagugutom ako eh" reklamo ni Magnus.
Sabay namang dumating si Yara at Iris, na may kasama pang isang babae.
"Class 03!" sabi ni Yara at nagtatalon ang lahat nang malaman na sa iisang section lang sila.
"Nga pala. Si Reese ang kakambal ko." pakilala ni Iris sa kasama niyang babae na kamukhang kamukha niya.
"Twin?" tanong ni Raelle at tumango ang dalawa.
"Welcome sa A Team!"
"Paano namin malalamin na ikaw si Iris o Reese?" tanong ni Magnus.
"Pag masyadong mahinhin o mabait, Iris iyon"
"Pag medyo loko loko at makulit, Reese iyon"
Nagtanguan lahat at pumasok na sa loob nang classroom.
Habang tumatagal ang taon mas lalo silang naging mas close sa isa't isa hanggang isang beses ay...
"With an average of 95, our top 1 is Reese Cabrera" sabi nang teacher nila.
Napatingin sila kay Ezra dahil ang expected nila ay siya ang top one dahil matalino ito.
"With an average of 94, our top 2 is Ezra Aragon"
"What top 2 siya?" gulat na sabi ni Raelle.
"Sana all nga nasa top eh" sabi ni Magnus.
Nang kuhanin ni Ezra ang certificate, takang taka siya.
BINABASA MO ANG
WHO ✔
Mystery / ThrillerCOMPLETED. A group of friends lived a quiet and peaceful life, but their lives were turned upside down when one of them died. Ghosts of a past that's forgotten keeps haunting them. The killer is among them, but the question is.. Who?