Ezra
Nakabalik na sila Yara mula sa burol ni Raelle.
"Pwede naman kayo umuwi" sabi ko.
"Kaya ko naman rito" dugtonh ko.
"Nasaan ba ang magulang niyo Eli?" tanong ni Yara.
"Wala" sagot ni Eli.
"Hindi nga namin alam kung nasaan sila" sabi ko.
"Kaya nga dito muna kami" sabi ni Magnus at nahiga sa tabi nang rehas.
"Di ba bawal rito nang ganyan?" tanong ko.
"Pumayag si Kuya Silas" sabi ni Yara.
"Kuya?" tanong ko.
"Oo. Sabi niya nagagaraan raw siya sa Sergeant kay kuya na lang" sabi ni Yara.
"Kaya pala may pafoam na" sabi ko.
"Sana nagpakulong na lang rin kayo no" asar ko.
"Mas ligtas pa ata rito." Sabi ni Magnus.
---
Kinabukasan dumating sila Bliss at ang tatay niya.
"Maagang dumating ang test" sabi sa akin at tumango tango ako.
"Ano po ang kinalabasan?" tanong ko.
"Hindi mo fingerprint ang nakalagay" sabi sa akin kaya napangiti ako.
Malaya na ako.
"Kanino po yung fingerprint?" tanong ko.
"Kay Iris"
***
Bumalik kami sa school and guess what...
Pinag uusapan kami nang mga studyante. Mag isa na lang pala ako rito sa STEM.
"Sila na lang lima ang natira?"
"Ano kaya ang nangyari? Balita ko ay nakulong yan ah"
Napatingin ako sa kanila.
Naalala ko si Raelle.
Kung naririto lang siya malamang ay nasigawan na niya yan.
Naramdaman ko na lang na lumuluha ako.
Isa sa pinaka close kong tao si Raelle. Kaming apat nila Yara, Magnu at Raelle ay magkakaibigan simula nung Kinder kaya ganoon kami kaclose.
Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya.
My soulmate. My Best friend. My Sister, not by blood but by heart.
"Ezee" rinig kong tawag sa akin ni Yara.
Iniligpit ko ang gamit ko at lumabas.
"Mugto mata mo" Puna ni Magnus.
"Naiyak ka na naman" sabi ni Yara.
"Natatakot na ako" sabi ko.
"Si Bliss?" pag iiba ko nang topic.
"Hindi pumasok" sabi ni Magnus.
"What if she's right?" tanong ko.
"Right about what?" tanong ni Yara.
"Na si Iris iyon" sabi ko.
"Paanong si Iris eh patay na siya" sabi ni Magnus.
"We didn't saw her nung inilibing siya" sabi ko.
"So are you insisting that she's alive?" tanong ni Magnus.
"I'm not sure" sabi ko.
"Paano yung picture ni Bliss?" tanong ni Magnus.
"Paano kung inutusan lang siya? Like nung nakalagay sa notebook" sabi ko.
"Ito" sabi ni Yara at inilabas ang notebook sa bag niya.
"The killer was ordered to kill" basa ni Yara.
"The killer just wants to make us pay" sunod na basa niya.
"The killer wants revenge" inilipat niya sa kabilang page.
"The killer is jealous or envy of something that it leads to this"
"Nakaligtaan natin iyon" sabi ko.
"Which one is the reason if ever na si Iris iyon." tanong ni Magnus.
"What if she's the twin sister of Reese?" sabi ko.
"Paano yung chineck ko siya pero hindi siya humihinga?" tanong ni Magnus.
"Alam ko may poison na ganoon"
"Hindi ko matandaan kung ano"
---
:)))
BINABASA MO ANG
WHO ✔
Mystery / ThrillerCOMPLETED. A group of friends lived a quiet and peaceful life, but their lives were turned upside down when one of them died. Ghosts of a past that's forgotten keeps haunting them. The killer is among them, but the question is.. Who?