15

35 7 3
                                    

Ezra

Nandito na naman kami. Sa burol ulit.

"Wala talaga sila Tita?" tanong ni Raelle na kakarating lang at umiling kami bilang sagot.

"Namatay yung anak nila pero hindi sila pupunta. Ayos ah" sabi ni Magnus.

Kaonti lang kami na naririto. Yung ibang kaibigan ni Nate sa TVL tapos kami nila Magnus, Yara at Iris lang.

Wala si Bliss.

"Why is this happening?" tanong ni Iris.

***

Yara

"Hindi natin pwedeng sabihin kay Iris" sabi ni Raelle.

"Bakit kasi hindi na lang natin ipakita yung proof sa police?!" Sabi ni Ezra.

"Hindi ngayon. Kailangan natin malaman kung bakit" sabi ni Magnus.

"Edi mamatay tayong lahat" sabi ni Ezra.

"This is our problem. Sa ating magkakaibigan ito nagsimula kaya dapat natin tapusin ito" sabi ni Magnus.

"For now, dapat magsama sama tayo" sabi naman ni Raelle.

Bakit feeling ko hindi pa rin si Bliss ang pumapatay?

***
Iris

"Sa bahay ka muna namin tumira. Nakausap ko na si Tita" sabi ni Ezra.

Naiintindihan ko naman kung bakit kaya tumango ako.

Mahirap ng maghiwa-hiwalay ngayon dahil baka kami ang isunod.

"Akala ko talaga magiging maganda tong last year natin." Sabi ni Magnus.

"Mali pala ako" dugtong niya pa.

***
Raelle

"Namatayan na naman sila? Tsk. Sa tingin ko talaga isa sa kanila yung gumagawa non"

"True feeling ko rin"

"Ano ba ang ginawa nila at bakit sila pinupuntirya nung pumapatay?"

"Patayin na silang lahat para matapos na"

Doon nag panting ang tenga ko, nasa canteen kami ngayon at ang katabi naming table ay kanina pa nag bubulungan.

"Why don't you just shut your mouth huh?" Nababadtrip na sabi ko doon sa kabilang table kaya pinagtinginan kami nang tao lalo.

"Wag mo nang patulan Rae" sabi ni Ezra.

"Itahimik niyo na lang ang bibig niyo kung wala kayong masabing maganda" sabi ko at nagbulungan pa lalo ang mga bobo.

I'm so sick of this! Gusto ko nang matapos to!

Padabog akong tumayo at hinampas ang table.

"Pag may narinig pa akong masamang salitang tungkol sa amin at nang galing sa inyo. Puputulin ko yang mga dila niyo" Nang sabihin ko iyon ay nag alisan ang nasa kabilang table.

Mga tsismosa, bobo naman.

"Rae! Tama na yan" saway ni Magnus kaya tumigil na ako.

"Alis lang ako. Kailangan ko nang hangin" sabi ko at umalis sa canteen.

***

Magnus

Sinundan na lang namin nang tingin si Raelle.

"Hayaan niyo muna si Rae. May karapatan naman siyang magalit doon sa mga bobitang mga iyon" sabi ni Iris.

"Pero sana hindi niya na lang pinagbantaan" sabi ko.

"She's angry Magnus. Hindi niya napigilan ang sarili niya. Masyado nang maraming nangyari ngayong taon na to" sabi ni Iris.

"If I make it out alive this year..."

"I'll definitely leave"

***

Yara

Dahil mag isa lang ako sa strand ko, hindi ako nakaligtas sa mga mata nang mga tao na nang huhusga.

"Masama siguro ang ugali nila"

"--------"

Hindi ko sila pinansin at tumingin na lang sa kawalan.

"Pupusta ako nang tatlong libo, May namatay ulit sa kanila"

Doon narin nagsitaasan ang dugo ko sa ulo ko at tuluyang nagdilim ang paningin ko.

***

Ezra

"Yara wag!" Pigil namin kay Yara.

Kinaladkad niya yung lalaki paakyat rito sa rooftop at akma niyang itutulak.

"Pupusta ka nang tatlong libo?" Tanong ni Yara sa lalaki habang hawak pa rin niya ang kwelyo.

"Sa tingin mo ba laro ang buhay namin?"

"If I ever hear someone say something about us or make fun of us."

"Hindi ako magdadalawang isip na ihulog kayo lahat rito sa rooftop. Wala akong paki kung mabasag ang bungo niyo. Get it?"

Tumango naman yung lalaki at kumaripas agad nang takbo paalis nang bitawan ni Yara.

Tumingin sa amin si Yara, walang kabuhay buhay ang mata niya. Lumapit kami sa kanya pero siya ang umaatras hanggang sa halos makarating na siya sa edge nang rooftop.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Raelle kay Yara.

Tumayo si Yara sa gilid nang rooftop at....

***
Yara

"Yara! You're my bestfriend. Wag mo sa akin gawin ito" sabi nang babae na hindi ko maaninag ang itsura.

Nasa fifth floor kami.

"Push her" sabi ni Bliss kay Isaiah.

Nakatayo lang ako roon at wala akong ginawa.

"REESE!"

"Ano ang nangyari?" Tanong ko.

Nasa rooftop kami at hingal na hingal sila Ezra.

"Triny mong tumalon sa rooftop at muntik ka na buti at nahawakan kita agad sa kamay" sabi ni Magnus.

Blackout na naman....

"Tapos pinagbantaan mo yung kaklase mo. Itutulak mo siya rito" pag eexplain ni Ezra.

What have I done?

What if ako ang gumagawa nang lahat nang hindi ko namamalayan?



WHO  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon