Eli
"Kuya Nate!" tawag ko.
Huminto siya sa paglalakad at tumingin sa akin pero umakto lang na parang wala at nagsimula na naman maglakad kaya hinabol ko siya at hinawakan sa balikat para humarap sa akin.
"Anong kailangan mo Eli?" tanong niya sa akin at tinanggal ang kamay kong nakahawak pa sa balikat niya.
Kumunot ang noo ko. Hindi naman siya ganto noon, palagi ko nga siyang kasama sa kalokohan.
"Anong problema Kuya?" tanong ko at sinabayan siya maglakad.
"Wala" sagot niya at nagmadali na maglakad.
Nalaglag naman niya ang isang notebook pero bago ko pa iyon maisoli, nawala na agad siya.
Tinakbuhan ako, ano bang problema non?
Napakibit balikat na lang ako at dinampot ang notebook nang biglang may maglaglagang mga litrato.
Isa isa ko iyong pinulot at nagulat ako nang makita ko iyon nang maayos.
***
Yara
"Makakauwi ka na raw sabi nang doktor" sabi namin kay Iris.
Medyo nawawala na ang mga pasa niya at nakakalakad na siya, may cast nga lang dahil nabali iyon nung binugbog siya.
"Ayan sis, ako na nagsulat nang lecture para sayo" sabi ni Bliss at nilapag ang isang notebook.
"Kumain ka na Iris?" tanong ni Ezra na kakarating lang habang may dalang plastic bag na galing grocery. Kinuha ni Eli ang plastic bag sa ate niya at inilapag sa table na maliit sa tabi nang TV.
Nagulat ako nang tumabi sa akin si Eli at bumulong.
"Ate, may nakita akong litrato galing kay Kuya Nate" bulong ni Eli kaya napatingin ako sa kanya.
"Ano iyon?" pabulong kong tanong.
"Tungkol sa pagkamatay ni Kuya Isaiah" sabi niya at sumagot ako na mamaya namin pag uusapan. Wag rito sa loob.
"Ako gutom" sabi ni Magnus at kumuha nang pagkain sa plastic bag.
"Patay gutom talaga" sabi ni Raelle.
"Si Nate?" tanong ni Iris.
"Hindi pa rin kami pinapansin" sagot ni Ezra.
"Ano ba problema ni Kuya Nate? Kanina rin hindi ako pinansin eh" sabi ni Eli.
"Hindi rin namin alam eh" sabi ko.
Pero ngayon mukhang dahil iyon sa nakuha ni Eli.
***
Eli
Naka uwi na kami ni Ate Ezra at hindi kami nagkausap ni Ate Yara tungkol sa nakita ko.
Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama at kinuha ang litrato at notebook sa bag ko. Naupo ako sa kama at inilatag ang mga litrato. Binuklat ko ang notebook pero malinis pa iyon.
Wala pang kahit anong sulat.
Nilaktawan ko ang pang unang pahina at sa likod ako nagsimula. Doon may nakasulat.
Why?
Tapos mga posibleng rason.
The killer was ordered to kill? The killer just wants to make us pay? The killer wants revenge?
"Eli" tawag sa akin ni Ate kaya agad kong tinago lahat nang litrato at inipit sa notebook.
"Ano yan?" tanong ni Ate.
"W-wala to Ate" sabi ko at tinago sa likod ko ang notebook.
"Eli" mapagbantang sabi ni Ate at inilahad ang kamay niya.
"Diary ko lang to Ate" sabi ko.
"Kanina pa ko nakatayo sa likod mo, nakita ko" sabi niya sa akin.
Inabot ko kay Ate ang notebook at binuklat niya iyon at naupo sa kama ko.
"Ate" tawag ko pero ang sagot niya lang sa akin ay.
"Tawagan mo si Yara, pupunta tayo kamo sa kanila"
***
Ezra
"Dito na muna kayo hanggang linggo, wala rito si Mommy" sabi ni Yara sa akin sa kabilang linya.
"Sige sige" sabi ko at binaba ang tawag.
Wala namang pasok bukas dahil Sabado. Pumunta ako sa kwarto ko at kumuha nang backpack para magpaki nang damit. Ganoon rin naman ang ginawa ni Eli.
"Hanggang kailan tayo doon Ate?" tanong ni Eli.
"Linggo" sagot ko.
Kinuha ko na rin ang laptop ko dahil malamang magagamit namin iyon.
"Tara na" sabi ko kay Eli at lumabas na kami nang bahay. Nilock ko iyon at naglakad kami papuntang sakayan nang jeep.
Alas syete pa lang naman nang gabi kaya medyo marami rami pang tao. Nang makasakay kami nang jeep, nagbayad na kami.
Mga trenta minutos rin ang biyahe dahil medyo traffic dahil uwian na rin.
"Manong para po" sabi ko at inihinto naman agad iyon.
Bumaba kami ni Eli at sumakay nang tricycle papasok sa subdivison nila Yara.
Tatlo o limang minuto lang ay nakarating na kami. Nagbayad ako nang bente at umalis na si manong.
Kumatok ako sa gate at agad binuksan iyon ni Yara at pumasok na kami sa bahay. Sinalubong rin kami ni Yeshua at sinabihan ko na makipaglaro muna si Eli kay Yeshua.
"Siya talaga Yara" sabi ko at naupo kami sa couch at inilapag ko ang backpack ko.
"It's really her"
BINABASA MO ANG
WHO ✔
Misterio / SuspensoCOMPLETED. A group of friends lived a quiet and peaceful life, but their lives were turned upside down when one of them died. Ghosts of a past that's forgotten keeps haunting them. The killer is among them, but the question is.. Who?