Yara
Naglalakad na ako papunta sa room nang makita kong nagkakagulo sa tapat nang room nila Iris. Ibinaba ko ang bag ko at sumingit sa mga tao.
"MAGNUS TAMA NA IYAN!" pagpipigil ni Ezra pero tuloy pa rin ang pananapak niya doon sa lalaki. Tumulong ako kila Iris at Ezra na pigilan si Magnus at buti na lang at napaghiwalay namin silang dalawa at dumating ang mga teacher.
***
Nang magrecess, tumambay kami lahat sa fire exit dahil wala masyadong tao rito.
"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ko kay Raelle.
"Sabi kasi nung lalaki, tayong magkakaibigan yung pumatay kila Isaiah" sabi ni Raelle.
Nakaupo sa stairs si Magnus habang may hawak na cold compress sa mukha niya.
"Dapat hindi na kasi kayo pumatol" sabi ni Bliss.
"Ano gusto mong gawin namin? Tumanga roon?" galit na sabi ni Magnus.
"Bakit ba kasi nangyayari lahat nang to?" naguguluhang tanong ni Iris.
"Tanongin niyo ang sarili niyo kung kanino kayo may kasalanan" sabi ni Magnus at tumingin kay Bliss.
"Bakit ka sa akin nakatingin?" sabi ni Bliss at pumamewang.
"Magnus, not now" saway ni Ezra.
"Anong not now ha?" sabi ni Bliss kaya napaiwas kami nang tingin.
"Well Bliss, kailangan naming malaman kung may kilala ka bang Reese" sabi ni Magnus kaya pinandilatan ko siya nang mata.
"Wag mo siyang pansinin Bliss" sabi ko.
"And bakit halos lahat kami ay walang maalala five years ago" sabi ulit ni Magnus.
"Five years ago?" tanong ni Iris.
"Five years ago, may namatay raw na studyante rito sa school na kasame age natin. Basag ang bungo at bali ang mga buto. Pero. Wala kaming maalalang ganoon" sabi ni Magnus.
"Kanino niyo naman narinig yan?" tanong ni Bliss.
"Kwinento" sabi ni Magnus.
"W-wala rin ako maalala" sabi ni Bliss.
"Anong name ulit?" tanong ni Nate.
"Reese" sabi ni Magnus.
"Hindi ba iyon yung dinalaw natin noon sa sementeryo?" tanong ni Iris kay Bliss.
So kilala niya.
"Ikaw ba?" tanong ni Iris.
"Ikaw ba ang pumatay kila Ian?" naiiyak na tanong ni Iris.
"Hindi. Hindi ako" sabi ni Bliss.
"Itigil niyo to. Masyado niyong sineryoso yung sabi kanina nung lalaki" sabi ni Nate.
"Napaka chill mo naman" sabi Raelle.
Ah shit.
"So ako naman pagbibintangan niyo ganon" sabi ni Nate.
"Saan ka galing bago ka pumunta sa burol?" tanong ni Magnus.
"Sa paprintan" sagot ni Nate at sumandal sa pader.
"Stop it. Lahat tayo ay magkakaibigan rito" sabi ni Iris.
"This is not the time na magsisihan tayo. Dapat ay nag iingat tayo ngayon" sabi ni Iris.
"Tama si Iris. Tanggalin niyo sa mga kokote niyo iyang mga doubts niyo sa isa't isa." sabi ni Ezra
"Yeah yeah. Sorry" sabi ni Raelle at Magnus.
***
KILLER
Gusto ko na sanang tumawa sa mga kabobohon niyong lahat kaso baka mabuking ako. Nakakatuwa rin na alam na ni Magnus ang tungkol kay Reese. Ikaw na kaya isunod ko?Kaso there's no fun. Mas maganda ay pagisipin ko pa silang lahat.
Nagtataka silang lahat kung bakit wala silang matandaan...
Kasi pinili nilang kalimutan. Pinili nilang kalimutan na nakapatay sila. Kinalimutan nila na pinatay nila ang kapatid ko.
Si Eli kaya ang isunod ko? Kawawang bata madadamay pa. Wag muna.
Ah alam ko na!
Siya
----
Sorry apaka ikli lang! pero sa susunod ay mahaba na.
:))
BINABASA MO ANG
WHO ✔
Mystery / ThrillerCOMPLETED. A group of friends lived a quiet and peaceful life, but their lives were turned upside down when one of them died. Ghosts of a past that's forgotten keeps haunting them. The killer is among them, but the question is.. Who?