Yara
"Ilang araw nang hindi pumapasok si Bliss" sabi ni Magnus.
"Baka nakonsensya" dugtong niya pa.
"Hindi tayo basta pwedeng magbintang" sabi ko.
"May pruweba na pagtatakpan pa ba natin" diin ni Magnus.
"Kailangan natin makuha ang ibang gamit ni Nate. Maybe there's more pictures or notes" sabi ni Ezra.
"Kung si Bliss nga iyon, ano tatanga tayo hanggang mamatay tayong lahat" sabi ni Magnus.
"We need more proof" sabi ko.
Mas lalong mainitin ang ulo ni Magnus ngayon dahil kamamatay pa lang nang bestfriend namin si Raelle.
Pero hindi namin dapat pinagbibintangan kung sino sino.Kailangan lang namin makuha ang gamit ni Nate.
---
Eli
"Nag aalala na ko kay Bliss" sabi ni Ate Ezra.
"Same" sabi ni Ate Yara.
"Edi puntahan" sabi ni Kuya Magnus.
"Tama tama" sabi ni Ate Ezra.
"Mamayang uwian pumunta tayo" sabi ni Ate Yara.
"Kasama na ba niya ulit si Tito sa bahay?" tanong ko.
"Siguro. Alangan naman iwan niya yung anak niya mag-isa habang namamatay isa isa yung mga kaibigan niya" sabi ni Kuya Magnus.
Sabihin niyo yan sa magulang namin.
"Basta mamaya" pag iiba nang topic ni Ate Yara.
***
Magnus
"Tao po" katok ni Yara pero wala pa ring sumasagot.
"Bukas naman" sabi ko at tinulak ang gate.
"Hindi tayo basta basta pwedeng pumasok" sabi ni Ezra.
"Yung pinto naka bukas rin" sabi ni Eli kaya napatingin kami.
Naka awang nang kaonti ang pinto kaya pumasok na kami. Dahan dahan kong itinulak ang pinto, malinis naman ang sala kaya pumunta kami nang kusina at malinis rin doon.
"Bliss" tawag namin pero walang sumagot.
"Umakyat na tayo" suhestiyon ni Yara kaya umakyat kami sa pangalawang palapag nang bahay nila Bliss.
Dumiretso kami sa kwarto niya at ...
"BLISS!" Umiiyak na sabi nila Yara at Ezra.
---
Yara
"Kayo na naman" sabi sa amin ni Kuya Silas.
"Ano naman ang nangyari ngayon?" tanong niya sa amin.
Flashback
Umakyat kami nila Magnus at nakita naming bukas ang pintuan nang kwarto ni Bliss at nagkalat ang ibang papel sa sahig. Bukas ang bintana.
Agad kaming pumasok sa kwarto ni Bliss.
"BLISS!"
Nag iyakan kami ni Ezra at doon bumigay ang tuhod ko at napasalampak sa sahig.
Nakabigti siya.
Did she kill herself because of guilt?
Present
"Tinanggal namin ang pagkakabigti niya kanina dahil baka maisalba namin ang buhay niya pero.." nagtuloy tuloy ang bagsakan nang luha.
"Kumalma kayo mga bata" sabi niya sa amin.
"May dadaanan pang test ang bangkay ni Ms. Ortega." dugtong niya.
"But for now i think they will rule this as suicide"
---
Ezra
Nandito na naman kami. Sa burol ni Bliss. Umuwi ang mommy niya at hanggang ngayon ay humahagulgol pa rin siya kaya andito kami.
Is this the end?
"May nakita kaming mga sulat ni Bliss" garalgal na sabi ni Tito.
"Para sa inyong apat" dugtong niya at inabot ang mga sulat sa amin.
Binasa ko ito.
---
Dear Ezra,
I'm sorry for giving you all a hard time. I'm going to be with Isaiah now :)
I killed Isaiah. Because. I was ordered to.
Please believe me. I know i don't have much time because I know I'm next.
-----
"Hindi tapos" sabi ko.
"I was ordered to?" tanong ni Magnus.
"I told you it's not her" bulong ni Yara sa amin para hindi marinig nila Tito at Tita.
"Who is it then?"
"T-tayo na lang apat" nauutal na sabi ni Yara at nagkatinginan kaming lahat.
"So we're gonna blame each other, nice" sarkastikong sabi ni Magnus.
"Hindi ako iyon, nakulong na nga ako nang isang beses at wala akong planong maulit iyon" sabi ko.
"Mas lalong hindi si Eli" dugtong ko.
"What if"
"What if?" tanong ni Magnus.
"What if, one of them is still alive?" sabi ni Yara.
"Them?" tanong ko.
"Silang anim" sabi ni Yara.
"Who is it then?" tanong ni Magnus.
---
:))
BINABASA MO ANG
WHO ✔
Mystery / ThrillerCOMPLETED. A group of friends lived a quiet and peaceful life, but their lives were turned upside down when one of them died. Ghosts of a past that's forgotten keeps haunting them. The killer is among them, but the question is.. Who?