Yara
"Bakit wala ang kay Bliss?" tanong ni Raelle.
"Bakit ididikit nang killer ang picture niya as a target ha? Edi baka si--"
"Malay niyo baka siya ang isusunod. Let's not jump to conclusions" sabi ko.
"Kung si Bliss ang isusunod. Dapat ay balaan natin siya" sabi ni Ezra.
"Paano kung wala sa ating magkakaibigan ang pumapatay?" tanong ni Magnus.
"Edi back to zero tayo." sabi ko.
Nagulat kami nang biglang mag ring ang phone ni Raelle.
"Si Bliss" sabi niya at sinagot.
"Hello" sabi ni Raelle.
"Loud speak mo" bulong ni Magnus.
Niloudspeak naman iyon ni Raelle at hininaan pero sapat na iyon para marinig namin.
Si Eli naman ay nagbabantay sa pinto.
"Nasaan kayo? Kala ko magsleesleep over kayo kila Ezra?" tanong niya sa amin.
"Paano nila nalaman iyon?" tanong ni Ezra.
Nagkibit balikat si Raelle at sumagot.
"Ha? Sleepover?" maang- maangan na sabi niya kaya napa iling kami.
Obvious naman nito...
"Sabi ni Nate" sabi ni Bliss.
"Nasaan ba kayo? Patay lahat nang ilaw rito" sabi ni Bliss.
"Nandyan kayo?" takang tanong ni Raelle.
"Teka pauwi na kami. Nag gala lang kami" sabi ni Raelle.
"Bilisan niyo! Malamok na eh" Rinig namin na sabi ni Iris at pinatay ang tawag.
"Well shit"
***
Nasa second floor na kami ngayon.
"Shit duck" bulong ni Raelle nang bigla namin makita ang flashlight nung guard.
"Papalapit na siya. Saan tayo pupunta?" nagpapanic na tanong ni Eli.
Tumingin si Ezra sa may open side nang building.
"Tatalon tayo" sabi niya kaya napatingin kami sa kanya.
"Garden ang baba non" sabi ni Magnus.
"Puro bush. Trust me, natry ko na yun pag nag gugunting" dugtong niya.
Cutting.
Nagtakbuhan na kami at...
***
"Anong gala ba ang ginawa niyo at puro dahon kayo at sira sira ang damit niyo?" tanong ni Nate.
"Sa park kasi, natakbuhan kami. Hinabol kami nang aso" palusot namin.
"Oo grabe yon" sabi ni Magnus.
Tinignan kami nila na parang di sila naniniwala.
"Maliligo ako" sabi ni Ezra at umalis sa sala.
Nagtitipon tipon kasi kami lahat sa sala. May foam na nakalatag dito at ang mga lalaki ang nandito sa sala habang ang kaming mga babae ay sa kwarto matutulog. Hindi sumama si Isaiah dahil kailangan daw ay nandoon siya nang maaga.
***
"Tulong..."
Napadilat ako at nakaramdam ako nang sobrang init.
BINABASA MO ANG
WHO ✔
Mystery / ThrillerCOMPLETED. A group of friends lived a quiet and peaceful life, but their lives were turned upside down when one of them died. Ghosts of a past that's forgotten keeps haunting them. The killer is among them, but the question is.. Who?