18 - Help

29 5 0
                                    

Raelle

Habang naghuhugas ako ng pinagkainan, si Yara naman ay inaayos ang mga papel na naka kalat sa sahig. Si Yeshua naman ay nasa taas at maagang natulog. Nagulat na lamang ako nang marinig ko na tumutunog ang phone ko.

"Nasaan na iyon?" bulong ko sa sarili ko habang kinakapkap ang aking bulsa.

"Ito" sabi ni Yara nang Makita ang cellphone ko sa couch.

Nagkalat na kasi kanina ang gamit namin.

Pinasagot ko iyon sa kanya at bumalik ako sa paghuhugas ng pinggan.

"Hello, Raelle" rinig kong sabi niya sa kabilang linya dahil niloud speaker pala iyon ni Yara.

"Oh?" sagot ko. Pumwesto naman si Yara kitchen island para malapit sa akin.

"Pumunta kayo nila Yara rito sa Bahay nila Ezra" sabi ni Magnus kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit?" tanong ko at nagpunas nang kamay dahil tapos na ako maghugas.

"Patay na si Iris."

---

"Ano ba ang nangyari? Tumawag na ba kayo nang police?" sunod sunod na tanong ni Yara.

"Papunta na raw ang mga pulis" sagot ni Ezra na naluluha.

"Ano ba ang nangyari?" paguulit ko sa tanong ni Yara.

"Nung inutusan ko si Eli na bumili nang sabon para pang hugas, umakyat na si Iris dahil masama raw ang pakiramdam niya. Tapos nung nakabalik na si Eli kwinento ko sa kanya ang usapan natin kanina pagkatapos kong maghugas, umakyat ako para maligo. Si Eli naman ay nasa kwarto niya naglalaro. Tapos nung nagbibihis ako sa restroom may narinig akong kalabog tapos nagsisigaw si Eli. Tapos ayon na nakita ko " lumuluha pa rin na sabi niya.

"Paano siya namatay?" tanong ko.

"Sa tingin ko ay sinaksak siya, pero wala ang murder weapon" sabi ni Magnus.

***

Ezra

"Ito ang search warrant mam" sabi sa akin nung isang police at ibinigay sa akin.

Pumasok sila at naglibot sa bahay habang kaming lima ay nasa labas. Binabantayan pa nang isang police.

"Nahanap namin ang murder weapon" rinig naming sigaw mula sa loob at pinapasok kaming lima at pinaakyat sa.

kwarto ko.

"Kaninong kwarto ito?" tanong nung police.

"A-akin ho" sabi ko.

Pinakita niya sa amin kung nasaan ang murder weapon.

Nasa study table ko at may litrato.

Nilang lahat.

"Ezra Aragon, you're under arrest. Everything that you say will be used against you"

***

Eli

"HINDI SI ATE IYON! PLEASE WAG!" pagmamaka awa ko habang umiiyak.

Hindi si Ate iyon. I know she's innocent.

"Hangga't hindi napapatunayan... Diyaan muna siya" sabi nung police.

"Ezra ilalabas ka namin rito" sabi nila Ate Raelle.

"Lawyer si Papa. Tatawagan ko siya" sabi ni Ate Bliss.

Nagulat kami nang bigla siyang hawakan ni Ate Raelle sa kwelyuhan.

"BAKIT MO BA GINAGAWA ITO?!" sigaw niya.

"I-it's not me"

"JUST STOP LYING!" sigaw ni Ate Raelle.

"Raelle tama na iyan. Wag rito" sabi ni Kuya Magnus.

"T-tatawagan ko si Papa" sabi ni Ate Bliss at lumapit sa payphone na malapit sa labas.

"Wala akong ginawang masama" Umiiyak na sabi ni Ate.

"Naniniwala kami sayo Ezra. Gagawa kami nang paraan para mailabas ka namin rito" sabi ni Ate Yara.

"Pupunta raw siya bukas. Masyadong gabi na" sabi ni Ate Bliss.

"Mag-usap tayo" sabi ni Ate Raelle at naunang lumabas.

***

Raelle

"Ang kapal naman nang mukha mo" sabi ko.

"Ifraframe up mo si Ezra tapos magpapakita ka rito" dugtong ko.

"I didn't do anything" sabi ni Bliss.

"Stop your bullshit. Sabihin mo sa amin ang totoo" sabi ko habang nakaduro.

"It's not me. It's Iris"

"Nasira na ba ang tuktok mo?! Patay na si Iris kaya wag mo siyang idamay rito" sabi ko.

"Wag kang umakto na parang malinis ka." sabi ni Bliss.

The hell she talking about?!

"INUTUSAN LANG AKO OK?!" sigaw ni Bliss.

"Sino?" tanong ko.

"SI IRIS NGA!"

"PATAY NA SI IRIS! Get some help. You need it" sabi ko at pumasok sa loob.

***

Yara

Nandito kami sa loob nang police station habang si Raelle at Bliss ay nag uusap sa labas.

"Gabi na mga bata" sabi nung isang pulis.

"Dito lang po muna kami" sabi ni Magnus.

"Kape?" tanong sa amin kay tumango na lang kami.

Umalis ulit yung pulis at pumasok naman si Raelle.

"I think she lost her mind" sabi ni Raelle.

"Bakit?" tanong ko.

"Pauulit ulit niyang sinasabi na si Iris iyong may kasalanan nang lahat" sabi ni Raelle.

Naupo sa harap nang rehas si Raelle at tumabi si Eli sa kanya.

"Gusto ko nang umalis rito" sabi ni Ezra.

"Makakalabas ka rito. Wala ka namang kasalanan, alam namin iyon" sabi ni Raelle.

"Kape mga bata" sabi sa amin habang may hawak na tray, nagsikuhanan kami lahat at nagulat kami nang binigyan niya rin si Ezra.

"Pwede pala iyon?" tanong ni Eli.

"Ang alin?" tanong nung pulis.

"Bigyan po nang ganyan yung nakakulong" sabi ni Eli.

"Sa tingin ko naman ay hindi talaga siya magtatagal rito" sabi nung pulis at kumuha nang isang mono block at naupo malapit sa amin.

"Sergeant Hidalgo. Silas" pagpapakilala niya kaya nagpakilala na rin kami.

"Bakit kayo naririto?" tanong niya.

"Falsely accused" sabi ni Ezra.

"What crime?" tanong ulit.

"Murder" sagot ni Ezra.

"Dadaan sa Forensics ang murder weapon. Magtatagal siguro iyan nang isang linggo at may test na gagawin para makita ang fingerprint sa murder weapon" pag eexplain niya sa amin.

"Pag napatunayan na hindi ikaw iyon"

"Makakalabas ka na" sabi niya sa amin.

"Ang weird lang nang kaso niyo." sabi niya ulit.

"According to both of you, wala kayong narinig na sigaw."

Tumango sila Eli at Ezra.

"It's either."

"She was killed by someone she knew"

"Or"

"Or?" tanong namin.

"She killed herself because there is no signs of forced entry"

----

:))




WHO  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon