25

41 7 3
                                    

Magnus

Natawa ako nang biglang maghiwa si Ezra nang sibuyas kahit wala akong sinasabi.

Kinilig...

Sa tagal na naming magkakilala halos lahat na ata nang ugali nila ni Yara ay kabisado ko na.

"Bahala ka na diyan" sabi ni Ezra at umalis sa kusina.

Napanguso ako bigla, akala ko tutulungan niya ako magluto.

Scam.

Napatingin ako sa hiniwa niyang sibuyas at napakamot nang ulo. Kumuha ako ng itlog at hotdog sa ref para magluto na lang nang Ginisang itlog na may hotdog. Naghiwa na rin ako nang kamatis dahil kasama iyon sa ingredients at nang matapos ay tinawag ko na sila.

"KAIN NA!" sigaw ko at nag sipuntahan na sila sa kainan.

"Kala ko magpoporkchop ka?" tanong ni Yara.

"Eh yung isa diyan naghiwa nang sibuyas bigla." sabi ko at tumingin kay Ezra.

"Kinilig ata masyado" asar ko at nakita ko na naman na bigla siya lalong namula.

HAHAHAHAHAHA cute.

---

Ezra

Nang-aasar ba siya?! Argh! Kumain na lang ako nang tahimik pero ramdam ko pa rin ang init nang pisngi ko.

"Ate masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Eli sa akin habang kumakain.

"Hindi naman, bakit?" tanong ko.

"Namumula pisngi mo eh" sabi niya kaya halos mabuga ko ang iniinom kong tubig samantalang si Magnus at Yara ay natawa.

WHAT'S SO FUNNY?!

"Luh" sabi ko.

"Happy masyado" sabi ko at bumalik sa pagkain.

"Aminin na kasi,kinikilig ka eh" sabi ni Yara kaya pinanlakihan ko siya nang mata.

"Kuya Magnus pala ah" asar ni Eli.

"Aba loko kang bata ka ha. Gagatong ka pa" sabi ko at nagpeace sign naman siya.

"May pasok na pala bukas" sabi ni Magnus.

Oo nga pala...

"Dala mo yung camera ni Nate di ba?" tanong sa akin ni Yara at tumango ako.

"Tignan natin yung pics" sabi niya.

---

Pagkatapos kumain dumiretso kami sa sala at plinug ang camera sa laptop. Isa isa namin binuksan ang pictures...

Unang bumungad ay ang picture namin lahat. Yung gala namin.

"Naaalala ko to! Ito yung nalaglag yung ice cream sa shirt ni Magnus HAHAHAHAHAHAHA" tawa ni Yara.

"Naalala ko yon HAHAHAHAHAHA" Tawa ko rin.

Napaka epic kasi nang mukha niya noon.

"Next niyo na nga!" Sabi ni Magnus kaya pinindot ko iyon

Picture nila Magnus at Raelle naman.

"Banana 1 and 2!" Sabi ni Yara.

"Namimiss ko na kalokohan non HAAHAHAHA" tawa ni Magnus.

Ninext namin at....

"Bakit ganon medyo bagay sila" sabi ni Eli.

First day nung grade 11 at picture ni Nate at Bliss. Naka uniform pa kami neto.

Next ay...

"Shiniship ko sila" sabi ni Magnus.

Picture ni Raelle at Isaiah iyon at hindi mo mapagkakailang bagay sila.

Ninext namin at picture ni Yara at Ian.

"ITO TALAGA ANG SHIP KO!" asar ko kay Yara.

"Same" sabi ni Magnus at nag apir kami.

"Buhay pa pala to" sabi ni Yara.

Yung picture buhay pa pero yung kasama niya wala na. Nakakalungkot lang.

Ninext ko at...

"ITO ANG SHIP NAMIN NI ELI" Asar ni Yara sa amin.

Picture namin ni Magnus sa Samgyupsal at kami ang nagluluto.

"Kyot kyot mukhang --"

"Sige subukan mo ituloy Eli yari ka sa akin" banta ko kay Eli at ngumiti na lang siya.

"Tamad kasi yung IBA DIYAN magluto, di ba?" Sabi ni Magnus.

"Oo nga. Palibhasa sinunog yung beef nung unang magsamgyup" parinig ko kay Yara.

"Sorna" sabi niya at ninext ang picture.

Picture ni Iris.

"I miss her too" sabi ko.

"Iris is still Iris. Wala siya sa sarili niya nung ginagawa niya lahat nang to" sabi ni Yara at nag agree kami at ninext ang picture.

Picture ni Eli.

"Totoy na totoy ka pa rito" asar ko.

"Totoy pa rin yan ngayon" sabi ni Magnus.

"Hindi ako totoy no" sabi ni Eli at ninext ang picture.

Picture nilang limang lalaki.

"MGA TOTOY!" asar namin.

"Nayari ako diyan non kasi may kulay buhok ko" sabi ni Magnus at ninext.

Picture naming limang babae.

"Tumakas pa ko diyan eh" sabi ni Yara at ninext.

Picture ni Eli, Isaiah at Nate.

"Namimiss ko na sila Kuya" sabi niya.

"Me too boy. Me too" sabi ni Magnus.

Next naman ay picture ni Nate at Isaiah.

"Ako umubos nung pizza nilang nakatengga diyan" proud na sabi ni Magnus.

"Hindi masyadong masarap" komento niya pa at ninext.

Picture naman nila Ian at Magnus.

"Inagaw lang namin camera ni Nate non eh" tawa niya.

Maybe atleast for the last. We saw this pictures. The pictures with our very cherished memories.

-

WHO  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon