Magnus
Weekend na at nandito kami ulit. Nasa burol ni Isaiah. Napuno nang tunog na umiiyak at hagulgol ang buong lugar. Ang magulang ni Isaiah ay ayos naman at hindi ganoon kalala ang nangyari. Si Isaiah ang napuruhan, kaya pina- cremate siya.
"Dapat ay sinama ko na siya sa akin nung gabing iyon" sabi ko.
"Kasalanan ko ito" sabi ko ulit.
"Wag mo sisihin ang sarili mo. Hindi mo naman alam na ganto ang mangyayari" sabi ni Raelle.
"Sinabi niya sa akin na siya na ang susunod pero iniwan ko siya roon" sabi ko at isinubsob ko ang mukha ko sa aking kamay at napahilamos.
"Labas lang ako" tumayo ako at lumabas na.
***
Yara
Paparating pa lang ako sa lugar kung saan ang burol nang makita ko sa labas si Magnus. Nakaupo siya sa gilid habang may hawak na softdrinks at nakatingin sa malayo.
"Magnus" tawag ko sa kanya pero hindi siya tumingin.
Naglakad ako papunta sa kanya pero lutang pa rin siya. Tumabi ako sa kanya at naupo na rin. Buti na lang at naka itim na slacks kaya hindi ganoon kahalata kung madumihan.
"Oy" sabi ko kaya napatingin na siya.
"Kanina ka pa diyan?" tanong niya sa akin na parang gulat.
"Oo. Lutang na lutang ka nga eh" sabi ko sa kanya.
"Ano ginagawa mo rito sa labas?" tanong ko.
"Nagpahangin" sagot niya at tumango tango lang ako.
"Kasalana ko ata ito" sabi niya bigla.
"Hindi ko dapat siya iniwan mag-isa" dugtong niya.
"Bakit ang hilig mong sisihin ang sarili mo sa bagay na wala ka namang kasalanan?" tanong ko.
"Kay Ian, ganyan ka rin noon." sabi ko.
"Kasi sa akin sila nagsasabi nang ganoon pero tatanga tanga pa rin ako" sagot niya sa akin.
"Nandyan ka na pala Yara" napatingin ako nang dumating bigla si Ezra at Raelle.
"Tropa wag ka nang ganyan, sabihin mo sa amin kung ano ang problema mo" sabi ni Raelle kay Magnus.
Tumingin ako kay Magnus kung sasabihin ba namin ang sinabi ni Isaiah sa kanya pero nagsalita siya agad.
"May sinabi sa akin si Isaiah bago siya mamatay" panimula ni Magnus.
"Sinabi niya kung sino ang gumagawa nito" dugtong niya.
"Sino?" tanong ni Ezra.
"Si -------------"
***
Raelle
"Bakit naman niya gagawin iyon?" tanong ko.
Paano niya nagawa lahat nang to?
"Ang tanong dito ay bakit. Bakit niya to ginagawa" sabi ni Ezra.
"Legit ba talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Hindi ko alam pero si Isaiah ang nagsabi sa akin non kaya hindi ako sigurado." sabi ni Magnus.
Bakit?
"Binigay sa akin ni Isaiah yung box na may laman na fish bowl. Binigay daw sa kanya iyon ni Ian before the day that he died. Maraming files yung box actually" sabi ni Magnus.
"Let's check it" sabi ni Ezra.
"Not now. Umakto tayo na wala tayong alam" sabi ni Magnus.
"Pag humupa na muna ang tensyon rito saka tayo mag imbestiga" sabi niya pa.
"Tama nga naman iyon" sabi ni Yara.
"Pumasok na tayo, baka nag tataka na sila" sabi ko.
Lumakad kami papasok sa loob.
"Kunwari malungkot ka" sabi ko Magnus pero natatawa lang siya.
"Pag tayo namatay ikaw una kong mumultuhin" sabi ko at tumantan naman siya.
"Hindi ko kailangan magkunwaring malungkot dahi totoong malungkot ako" sabi ni Magnus.
"Oh wag kang iiyak" sabi ko.
"Ang tagal niyo naman" bungad sa amin ni Bliss.
"Si Nate, nasaan na ba?" tanong ni Iris.
"Parating na raw" sabi naman ni Magnus habang nakatingin sa phone niya.
"Sorry na late ako. Nagpaprint pa kasi ako nung pictures" sabi ni Nate at naupo na sa tabi namin.
***
Ezra
Finals na ngayon at half day lang kami pero mostly lahat ay may ginagawa ngayon dahil dito gaganapin ang intramurals kaya hindi makapunta sa burol ang iba pero buti na lang at naintindihan nila Tita iyon.
Si Magnus, Raelle, ako at Yara ay wala naman ginagawa kaya makakadalaw kami. Si Eli ay quiz bee contestant, Si Nate at Bliss as usual ay ang maghahandle nang organizing at iba pa. Si Iris ay sa Gymnastics.
"May napapansin ba kayo kay Nate?" tanong ni Yara.
"Oo. Parang aligaga siya noong mga nakaraang araw" sabi ko.
"Saka parang iwas na iwas siya" sabi naman ni Magnus.
"Teka, paano yung sinabi ni Isaiah noon?" tanong ni Raelle.
"Paano kung siya talaga?" tanong niya ulit.
"I know Bliss, hindi niya kayang gawin iyon. Baka nagkakamali lang siya" sabi ni Yara.
"Paano kung si Bliss iyon?" tanong ko
"Chineck ko yung box. May kapatid ba si Bliss?" tanong ni Magnus.
"Ang alam ko wala" sagot ni Yara.
"According doon sa file na nakita ko sa box. Basta pangalan nung girl is Reese" sabi ni Magnus.
"Girl or boy?" tanong ko.
"Girl. Tapos caused of death ano"
"Ano?"
"Skull fracture and multiple broken bones" sabi niya.
"Ilang taon?" tanong namin.
"12 tapos same age lang tayo sa kanya nung nangyari yon"
"Wala akong maalala. Five years na nakalipas" sabi ko.
Bakit wala ako masyadong maalala?
"Ako rin wala. Parang wala naman nangyaring something" sabi naman ni Raelle.
"Walang surname?" tanong ni Yara.
"Erased" sabi ni Magnus.
"Ano pa nakalagay doon sa file?" tanong ko
"Dito rin nag-aaral yun lang" sabi ni Magnus.
"Walang picture?" tanong ni Yara.
"Wala" sagot ni Magnus.
Sino ka Reese?
BINABASA MO ANG
WHO ✔
Mystery / ThrillerCOMPLETED. A group of friends lived a quiet and peaceful life, but their lives were turned upside down when one of them died. Ghosts of a past that's forgotten keeps haunting them. The killer is among them, but the question is.. Who?