Ezra
Nandito sila Yara,Magnus at Raelle sa bahay. Dito sila magtatanghalian bago pumunta sa burol ni Ian.
"Tulala ka na naman sis" sabi ni Raelle kay Yara.
"Oo nga. Ano ba problema?" Tanong ni Magnus.
"May napapanaginipan kasi ako nung mga nakaraang araw" panimula ni Yara pero agad siya huminto.
"Wag na, baka isipin niyo baliw ako eh" sabi ni Yara.
"Kung iisipin namin na baliw ka edi sana nasa mental na tong dalawa na to" sabi ko at tinuro sila Raelle at Magnus.
"Hoy grabe naman. Si Magnus lang yun" sabi ni Raelle.
"Ano ba kasi iyon?" Tanong ni Magnus.
"Ano kasi" sabi ni Yara.
"Ano?" Tanong ni Raelle.
"Ano" sagot ni Yara.
"Sis wag mo kaming bitinin" sabi ni Raelle.
"Napapanaginipin ko yung mga mangyayari" sabi ni Yara.
"Precognition?" Tanong ni Eli.
"Ano yon?" Tanong ni Magnus.
"Google mo" sabi ni Raelle.
"Ito na chill" sabi ni Magnus.
"Ito na. Precognition also called prescience, future vision, future sight is a claimed psychic ability to see events in the future. As with other paranormal phenomena, there is no accepted scientific evidence that precognition is a real effect and it is widely considered to be pseudoscience."
"Alam mo... magsimba na lang tayo later" sabi ko.
"Malay mo ate diba? Baka may demonic shit na nangyayari" sabi ni Eli.
"Oo nga. Baka magulat kami nalutang ka na sa ere habang naglalatin" sabi ni Raelle kaya natawa naman si Yara.
"Oo na. Mamaya magsimba tayo" sabi ni Yara.
"Oh lalamig na yung sinigang mga pre" sabi ni Magnus at naupo na.
"Bilisan na rin natin dahil nagtext na si Nate. Nandoon na raw sila Iris at Bliss" sabi ni Raelle.
"May tanong ako ate Yara" sabi ni Eli.
"Ano yun?" Tanong ni Yara.
"Ano yung napanaginipan mo bago mamatay si Kuya Ian?"
***
Yara
"Ano yung napanaginipan mo bago mamatay si Kuya Ian?" Tanong ni Eli.
Alam ko namang mapagkakatiwalaan ko silang apat kaya sinabi ko sa kanila yung panaginip ko.
Sana lang ay tama ang desisyon ko.
"Nanaginip kasi ako nun na nasa rooftop ako nang school tapos may nakahoodie doon. Hindi ko alam kung lalaki o babae tapos may nakita akong lalake na hawak niya sa likuran nang kwelyo niya tapos ayon nagising na ako" sabi ko.
"Sabi ko na eh, hindi suicide iyon" sabi ni Magnus.
"Tanga hindi pa natin sure iyon" sabi ko.
"Edi puntahan natin yung rooftop" sabi ni Raelle.
"Baliw ka ba? Baka mahuli tayo" sabi ni Ezra.
"Edi gabi tayo pumunta" sabi naman ni Eli.
"Buti pa si Eli boy payag oh" sabi ni Raelle.
BINABASA MO ANG
WHO ✔
Mystery / ThrillerCOMPLETED. A group of friends lived a quiet and peaceful life, but their lives were turned upside down when one of them died. Ghosts of a past that's forgotten keeps haunting them. The killer is among them, but the question is.. Who?