01 (Intro)

249 23 10
                                    

01 - INTRO

Tumunog ang bell na ibig sabihin ay break time na. Nang magpaalam ang ang teacher nag unahan ang mga studyante na lumabas nang kanilang silid aralan at ang dahilan ay magiging siksikan sa cafeteria dahil ito ang araw ng klase. Pero ang ibang studyante ay nanatili lamang kalmado kahit alam nilang mahihirapan silang bumili nang pagkain, katulad nila Ezra.

Si Ezra Aragon ay kilala bilang tahimik sa grupo nila. Makikita mo lamang siyang nakatambay sa library o kaya natutulog sa kanilang room. Matalino rin siya at halos sa lahat nang taon niyang nag aaral sa eskwelahan nila ay puro matataas ang grado niya at minsan ay may memdalya pa pero hindi iyon dahilan para lumaki ang ulo niya.

Sakto lang ang tangkad niya at kulay itim ang buhok niya straight na hinahayaan niya lang na nakabagsak.

"Ezra tara na, andyan na sila Ian sa labas" sabi ni Raelle o mas kilala sa palayaw niyang Elle.

Si Raelle Montes ay kilala sa grupo na pinaka matured mag isip. Lahat nang sitwasyon para sa kanya ay kaya niyang intindihin. Pero kung alam niyang ikaw ay may mali ay hindi niya ito kukunsintihin. Sila ni Magnus ang pinaka close dahil bata pa lamang ay magkaibigan na sila.

Matangkad si Elle, kulay brown ang buhok niyang medyo kulot na hanggang balikat lamang. Palagi rin siyang naka pusod at kung ano man ang ikina babae nang pangalan niya, kabaliktaran naman siya non.

Pareho si Elle at Ezra na STEM strand ang kinuha dahil si Elle ay gusto maging surgeon at si Ezra ay gusto naman maging psychiatrist upang matulungan ang mga may sakit katulad nang kanyang ina.

"May ibabagal pa ba iyan?" sarkastikong tanong ni Isaiah na may halong inis sa kaniyang boses sa kanila nang makalabas sila sa kanilang room.

"Napaka init naman nang ulo mo Siah" saway ni Ian sa kanya.

Si Ian Clemente at Isaiah Clemente ay magkambal, Si Ian ay kilala naman bilang Kuya nang kanilang grupo dahil ito ay palagi mong natatakbuhan kung may problema ka, suportado niya rin ang lahat sa kanilang mga desisyon. Si Isaiah ay ang kabaliktaran ni Ian, mainitin ang ulo nito at mahilig rin mang inis.

Mas matangkad si Ian kay Isaiah kaya alam mo ang pagkakaiba nila, hindi rin naman sila magkamuha.

Si Ian ay Sport and Arts ang strand dahil siya ang captain nang basketball team nang school nila. Si Isaiah ay sa ABM dahil gusto raw nitong mag accounting.

"Smile Guys!" sabi ni Nathaniel o mas kilalang Nate.

Iniayos niya ang camerang nakasabit sa kanyang leeg at kinuhan ang iba nang litrato. Si Nathaniel Sarmiento ay kilala bilang photographer nang lahat, TVL ang strand niya dahil gusto niyang mag aral nang multimedia arts. Matalino rin siya at sila ni Ezra ang palging nagkakaintindihan. Siya rin ang photographer para sa school newspaper.

Medyo maliit si Nate at palagi naman siyang nakasuot nang cap kaya madali siyang mahagilap kung hahanapin mo siya sa school.

"Nakasimangot kaagad si Bliss, first day na first day pa lang" komento ni Nate nang tignan niya ang picture na kaka kuha pa lamang.

"Palagi naman yan naka basungot" komento ni Isaiah at agad naman siyang tinignan nang masama ni Bliss pero nanatili lang itong tahimik.

Si Bliss Ortega ang pinaka tahimik sa kanila, hindi ito masyadong nagkokomento sa mga bagay bagay at hinahayaan niya na lang ang iba kung ano man ang gusto nilang gawin.

Medyo maliit si Bliss, hanggang bewang ang haba nang kanyang kulot na kulay itim na buhok. Magkaklase sila ni Isaiah dahil pareho silang ABM strand, gusto kasi niya nang banking and finance.

"Tantanan mo na Isaiah" saway ni Yara sa kanya.

Si Yara Del Prado, siya ang pinaka mother material. Siya ang tiga pigil pag alam niyang medyo nagkakaseryosohan na ang nangyayari. Siya rin ang pinaka supportive sa kanilang lahat.

Katamtaman ang tangkad niya at palaging naka ayos ang kanyang itim na buhok. Siya naman ay sa HUMMS na strand dahil gusto niyang maging abogado pag laki niya.

"Nasaan na si Eli?" tanong ni Iris.

"Nagtext siya sa akin kanina, nasa cafeteria na raw siya" sabi ni Ezra.

Si Iris Cabrera ay ang pinaka sensitive at pinaka mahilig tuksohin nila Isaiah at Magnus dahil nga madali rin itong mapikon. ABM rin siya at accounting rin ang gusto niyang kunin pagtanda. Maliit lamang si Iris at palagi naman inaayusan ni Yara ang kanyang itim na buhok na diretsong diretso na ani mo ay plinantsa.

Si Eli Aragon, ang kapatid ni Ezra na Grade Eleven naman at TVL strand rin. Gusto niya maging chef pag tanda niya. Siya rin ay parang batang kapatid nang lahat.

Kahit mas bata pa si Eli, mas matangkad na siya sa kanyang Ate.

"Wassup" salubong bigla ni Magnus sa kanila habang may hawak pa itong softdrinks na naka plastic at naka sabit sa balikat niya ang kaniyang bag.

Si Magnus Buenaventura ay ang typical na studyante na makikita mo sa tabi tabi. Mapang asar ito at medyo may pagka loko sila ni Elle ang palaging tandem. Parang si B1 at B2, lahat nang kalokohan magkasama.

"Magnum late ka na naman" komento ni Ezra sa kanya.

"Tradisyon na yon Ezra, tuwing first day ay late yan" sabi ni Elle at nagtawanan sila.

"Bakit Magnum?" tanong ni Iris.

"Alam mo yung ice cream?" panimula ni Elle at todo pigil naman si Magnus sa kanya.

"Bumili siya non, sixty pesos isa. Tapos."

"Nung binuksan niya yung plastic nalaglag pati yung mismong ice cream HAHAHAHAAHA" tawa nila Ezra at masama silang tiningan ni Magnus.

"Ayos lang talaga ako. Hindi ako nahurt na nilaglag niyo ko" sabi ni Magnus habang nakahawak sa kanyang dibdib na ani mo ay nasaktan siya sa sinabi nang kanyang mga kaibigan.

"ATE!" natanaw nila na tumatakbo palapit sa kanila si Eli na may dalang mag pagkain.

"Binilan ko na kayo, apaka haba nang pila. Parang sardinas yung mga tao" sabi niya at binigay ang mga pagkain sa kanila. Nagpasalamat ang lahat at binayaran si Eli kung magkano man ang ginastos niya.

Nag punta sila kung saan sila palagi nakatambay at doon sila kumain.

Kung titignan mo sila, akala mo ay silang normal na magkakaibigan na ani mo ay walang problema sa isa't isa.

Pero..

May isa pa lang traydor sa kanila.

WHO  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon