PROLOGUE

45K 634 117
                                    

"How was Philippines, Ganda?" ang aking pinsan na si Jumi sa kabilang linya ng sagutin ko ang tawag.

"My arrival was fine, but the weather here makes my skin dry!"

Dinig ko ang kaniyang tawa sa kabilang linya.

"Are you going to stay there for good?" she asked.

"No, I'll just sign my contract here, papaunlakan ko 'din ang ibang shoots na alok ng iilang magazines,"

"You should inform our friends too, it's been what? I lost my count."

"Five years..." sambit ko.

Huminga siya ng malalim bago bahagyang matahimik sa kabilang linya.

"Years had passed 'noh?" aniya.  "Nangangamoy halimuyak ng closure,"

I bit my lip. Itinuon ko ang tingin sa nagtataasang gusali na nakapalibot sa Makati.

"Hindi ko kasi alam kung may babalikan pa ako, Jumi..." sambit ko. "I don't want to chase someone, who never been wanted to be chase,"

I'm in a state of in between, gusto kong angkinin ang nararapat para sa akin, ngunit ang mga bagay na inaangkin ay tanging mga pag aari lamang, you can't just say na 'akin 'to,' without relaying to the facts that 'sayo ba talaga?'

I did not left him, I just disappeared...for a while. But that doesn't mean that nothing change, I left or not, I lost him.

"Okay, ikaw ang bahala. It depends on you if you relay on my advices." Aniya. "Pride won't save you from hell, kaya nguyain mo na, masarap lumonok ng pride paminsan minsan."

"Surely, Maria Jumilyn," Pang aasar ko binalewala ang kaniyang sinabi.

I heard her groaned full of disapproval when I enunciated her full name.

"Make sure you have your guards with you. Mahirap na at nasa Pilipinas kana."

"Yes, I have them with me."

Makalipas ang ilang minuto ay ibinaba niya na ang tawag, tuluyan na din akong lumabas sa aking condo unit at sinalubong ang apat na body guards na minamanduhan ni Maldo. Wearing my red velvet Gucci pantsuit and white stilettos, I was ready for today's event.

Naging alerto sina Maldo ng marating namin ang lobby ng aking condo. Ang puting lexus ay naghihintay na sa akin sa entrada ng gusali. Sabay ng tunog ng aking takong ay ang pag ingay ng paligid.

"Ms. Camila!"

"Ms. Camila! Isang tanong lang po!"

My men cage me when paparazzi started to come towards us. Hirap man ay tuloy tuloy pa 'rin ang aking lakad patungo sa nakaparadang eksibisyon.

"What are you wearing today? Can you at least give us a second?"

Ang kanilang video cam ay patuloy na isinisingit sa akin, ngunit ang tanging nagawa ko lamang ay ngumiti at kumaway sa kanila. Ang kanilang umaasang mga mata ay nakatuon sa akin, naghihintay ng basbas ng aking atensyon. My men's body were bulky enough to protect me. Tumulong na 'din ang security ng building at ang iba ay natigilan pa sa kanilang ginagawa.

Ngumiti ako sa kanila at kumaway.

"I am wearing the latest Gucci pantsuit!" Sagot ko, hirap man. "And... oh! This is Fendi!" Sabay pakita ng aking maliit na bag.

When you are enough popular, people are curious on your what-nots. Ano ang suot mo, ano ang ginagawa mo, ano ang opinyon mo at marami pang iba. Mamimili ka sa pagitan ng sarili mong buhay at kasikatan. Their eyes were full of reverence when they looked at you, but when you commit a mistake just at once, they'll accursed you as if you are the walking angel of death.

Chasing Wild RedamancyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon