CHAPTER THIRTY-FOUR

14.1K 245 104
                                        








CHAPTER THIRTY-FOUR




Our child





Hindi ko alam kung gaano kabilis nangyari ang lahat, kung gaano kabilis binago ang mga bagay na nakasanayan. Ang piraso ng aking pagkatao na binuo ilang taon na ang nakakalipas ay tila nawasak at naging abo sa isang iglap, ang pinaghirapan ay nauwi sa wala at ang mga sakripisyo ay nabalewa.

Napatalon ako sa pagtunog ng elevator, ang kaninang puot ay napalitan ng kaba at pangungulila na sinakop ang aking dibdib dahilan upang ako'y hindi makahinga.

"My daughter..." si David ng makalabas kami ng elevator.

Halo-halong emosyon ang nakarehistro sa kaniyang mga mukha ng ako'y kaniyang hinarap, ngunit hindi nakatakas sa akin ang namumula niyang mata. Ang kaniyang paghinga ay mabibigat at halata ang pagkataranta.

Nangilid ang aking luha sa hindi malaman na rason, namataan ko ang pagkuyom at pagbukas ng kaniyang kamao. He licked his lower lips and drifted away his sight.

"Her...Her name is Julia," hirap niyang aniya.

Napayuko ako't sa nanakit ng lalamunan ay tumakas ang mga hikbi. Napaangat ako ng tingin ng marahas siyang mapasinghap. I saw how he clam his jaw and the tears started to prevent on his bloodshot eyes.

"She has too many questions, and too curious about everything," mariin niyang sambit.

Tumango ako at tinakpan ang bibig, umaasang sa pamamagitan nito ay mapakalma ang sarili.

"Julia Alaine, that's her name," he stated.

Hindi siya gumalaw at nanatiling estatwa sa aking harap. Ang kanina hikbi at pagtangis ay bahagyang naging kalmado. Ang kaniyang itim na leather shoes ay may pag aalinlangang humakbang paatras.

"Please be gentle to my child," he said.

Malabo ang mata akong nag angat sa kaniya ng tingin ng mahimigan ang kaniyang pagsusumamo. Tila isa akong masamang taong ano mang oras ay magdudulot ng sakit sa anak, at siya ay bilang ama'y poprotektahan ito. Mabagal siyang tumalikod at tumungo sa pinakadulong pinto ng pasilyo.

His knuckles turned white as he gripped tightly the door knob, sa huling pagkakataon ay nilingon niya ako.

"Let me talk to her first," aniya na halos bulong na. "Baka mabigla, umiyak..."

Tumango ako at hinayaang siyang tuluyan ng buksan ang pinto. Ang lamig na nakapaloob sa kwarto ay tumakas dahil sa siwang ng pinto. Ang naramdamang lamig ay tumungo sa aking tiyan at nagkalat sa aking buong Sistema.

How excited I am to touch her skin, to look at her eyes, to hold her in my hands...how I wanted to be a mother, but they didn't give me those chances. The happenings I missed.

I am her mother, yet I am a stranger.

Halos mapaluhod ako ng marinig ang kaniyang maliit at matinis na boses. What was her first word, does it 'Mama'? Like how other babies say their first word?

Humakbang ako papasok at nakita na sa bandang gilid ay naroon si David, nakaluhod ang isang tuhod at namataan ang kaniyang pagtango, ang kaniyang kausap ay natatabunan ng pader na nakaharang na namamagitan ng living room at pintuan ng kaniyang penthouse.

Lumingon siya sa aking banda at nakita sa kaniyang mata ang pagdaan ng lungkot, galit, at panghihinayang. Sumisikip ang aking dibdib sa baha ng emosyon na rumaragasa patungo sa aking buong pagkatao, dahilan upang ako'y manghina at wala ng maramdaman.

Chasing Wild RedamancyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon