CHAPTER TWENTY-TWOCome
Nakadapa sa aking kama ng maramdaman ang walang tigil na pag alog sa aking balikat. Sinabayan 'rin ito ng nakakarinding ingay.
"Huy!" boses ng pinsan ang pagkakakilanlan.
"Cami!" aniya at walang habas pa din sa pag yugyog sa aking balikat.
I groaned and positioned my head on the other side. Gising na ngunit tila nakadikit ang talukap at hindi maimulat ang mata.
"Ano ba!" reklamo ko. "Jumi you'll break my bones!"
"Batangas tayo!"
Otomatikong bumukas ang aking mata at sindak siyang tiningnan. May malawak na ngisi sa kaniyang mukha bago itaas baba ang kilay.
"Baliw ka?" I asked.
Mahina niyang hinampas ang aking braso bago ngumuso.
"Nawala ka ng isang buwan at 'yan lang ibubungad mo sa akin?" aniya. "Bilis na tayo lang nina Kin at Liam!"
Hindi nagdadalawang isip akong umiling. Kung may Liam, may David Angelus. It was like in the bible, when king David is in, there's Jonathan—the saul's son at his back.
Sa halos isang buwan kong pananatili sa New York ay ni isang Segundo ay hindi siya nawaglit sa isip ko. Hindi 'rin naging sapat ang panahon na iyon upang mas makapag isip ng magiging dahilan sa kaniya, o kung kailangan pa 'bang may dahilan.
"Ayoko, Jumi...alam mo naman diba," magaspang kong sabi.
Kadarating ko lamang kagabi galing New York, pagkatapos kasi ng contract signing ay wala pa naman masiyadong gagawin, since may mga kailangan pa akong asikasuhin dito sa Pilipinas ay dito na muna ako...pansamantala.
"Walang David 'don!" aniya bago ako ismiran. "Panigurado, tayo tayo lang at ibang kaibigan ko 'din."
Blanko ko siyang tinitigan hindi binibili ang kaniyang sinabi.
"Oo 'nga! Ito napaka segurista!" anito. "Wala talaga! Sa tagal mong nawala, sembreak na nila! Nasa cruise ship 'yon, kinakausap ang mga Dolphin!"
"Hindi ako papayagan ni Mommy,"
Hindi 'nga ako pinapayagan ni Mommy sa Mall hangga't wala si Kuya Elmer, sa Batangas pa kaya. I am fully aware that when you reach your legal age it's your time to decide for your own, but that doesn't apply to Mommy, gusto niya palaging maging parte sa gagawin kong desisyon, hinahayaan ko na 'rin lang, because I too, can't decide on my own. I'm kind of impulsive on decision making, that I need guide and advices.
"Ay sister! Nakapagpaalam na ako kay Tita B!" maligaya niyang anunsyo.
Pumalakpak ang aking tainga at agad napaupo. "What?!"
She proudly nodded at me. Darating na ba ang sinasabing The Big one? Bakit bigla yata akong pinayagan ni Mommy? Kailangan ko na talaga siguro mag alay ng misa.
"Oo! Kaya alam kong may bagong bili kang bikini sa New York! Akin na at binyagan natin!"
Ang tatlong luggage na aking dala ay nakahiga sa sahig; bukas at nagkalat ang laman. Ang mga pasalubong na nabili ay nagkalat sa apat na sulok ng kwarto.
"At siya 'nga pala! Nasaan ang pasalubong ko ineng?! Kung wala ay nagpahigop kana lang sana sa Bermuda triangle,"
Umirap ako at inabot ang baso ng tubig sa aking gilid, baka inilagay ito kanina ni Inday.

BINABASA MO ANG
Chasing Wild Redamancy
Roman d'amourCamila is a girl with plans on her palms. Her life was regimented. After College, work, accomplish her personal list, to walk in the most prestigious runway show, and to build a life she dream of. But life has full of surprises. A kind of game no...