CHAPTER THIRTY-SEVENChasing
"S-Susundan ko lang po," wala sa sarili kong sabi.
Matapos sabihin ni David ang masasakit na parirala ay agad siyang umakyat sa taas, marahil ay titingnan ang anak.
Akmang hahakbang ay agad pumigil sa akin ang kulubot ng kamay ni Manang Judit. Nilingon ko siya at naroon ang malungkot na ngiti at pag iintindi sa kaniyang ekspresyon.
"Hayaan mo muna, hija..." aniya. "Walang maidudulot sainyo ang init ng kaniyang ulo,"
"Tubig Ma'am," alok ni Sheerly habang hawak ang isang basong tubig.
Wala akong nagawa kundi sundin ang matanda. Sa panginginig ng tuhod ay naupo ako sa stool ng kitchen island, habang maingat naman ang ginagawad na tingin sa akin nina Sheerly.
I can't think properly right now, naghalo ang isipin at emosyon na nagresulta sa akin ng kabigatan sa dibdib. I don't know she has an allergy, and for heaven sake, hindi ko ginusto ang nangyari. I want to be a mother to her, pero paano? I looked like a kindergarten kid being lost and I don't know what to do.
Hindi ko alam saan magsisimula o kung may kailangan pa bang simulan, ang hinihingi ko lang naman ay kaunti pang panahon at pasensya, kasi sa oras na 'to, ginagawa ko ang lahat ng makakaya upang tumayong ina sa bata.
Huminga ako ng malalim at inilapag na ang baso ng tubig sa katabing mesa. Sa aking pagkilos ay nagi silang atentibo, like I am a Nagasaki bomb they are afraid to explode.
"Tingnan ko lang po si Julia, she might be awake right now," sa namamalat kong boses na sabi.
Natigil sa pag punas ng baso si Manang Judit at si Sheerly naman ay nasa ere ang hawak na hotdog, tila nag isip pa sila kung papayagan nila ako hindi. Isang tipid na tango ang ibinigay sa akin ni Manang Judit habang thumbs up naman kay Sheerly.
Hinawi ang dumikit na buhok sa mukha dahil sa luha ay umakyat na ako ng hagdan. Sa hindi inaasahan ay napasulyap ako sa kanang bahaging pasilyo, kahit nasa malayo at hindi ko nakikita ay ramdam ko ang kaniyang nag iinit na galit.
Ang bigat sa dibdib ay ibinuga sa paghinga ng malalim. Dumiretso muna ako sa aking kwarto upang mag hilamos at ayusin ang aking sarili.
Sa pagtungo sa kwarto ni Julia ay ramdam ko ang katahimikan sa buong paligid, tila hindi alam ng lugar ang salitang masaya dahil tanging mga yapak ko lamang ang maririnig, at ang mga ingay na malilikha ay tila kasalanan.
Sa pagbukas ng pinto ay sumalubong sa akin ang mukha ng isang maamong babae, may suot na puting lab coat habang marahan ang lapat ng kamay sa pag check-up kay Julia. Tulog siya at bumalik na ang kulay ng kaniyang mukha, hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaginhawahan.
Sa dulong bahagi ng kama ni Julia ay nakaupo si David, hindi niya ako nilingon ngunit namataan ko ang pag igting ng kaniyang panga. Sa kaniyang gilid naman ay si Victoria, na narito pa pala, she raised her brow and smirked at me.
"Dr. and Mrs. Cojuangco..." maamong sambit ng babae sabay baling kayna Victoria.
Malagkit na humalakhak si Victoria, bahagya pa niyang tinapik ang balikat ni David.
"Dra. Castillo you predicted, but I'm not yet a Mrs. Cojuangco," maarte niyang sambit bago sumulyap sa akin. "Hindi pa."
My jaw clam. May kung anong pumilantik sa aking sintido dahilan upang uminit ito.
"I am Ms. Camila Cervantes, the mother of your patient," turo ko na sa sarili ng makitang walang balak si David na magsalita. "What is it?"
Rumehistro ang pagkabigla sa kaniyang mukha bago idaan ang paumanhin sa ngiti.
BINABASA MO ANG
Chasing Wild Redamancy
RomansaCamila is a girl with plans on her palms. Her life was regimented. After College, work, accomplish her personal list, to walk in the most prestigious runway show, and to build a life she dream of. But life has full of surprises. A kind of game no...