CHAPTER THIRTY-NINE

23.1K 299 46
                                    






CHAPTER THIRTY-NINE


Touché





Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas ng tuluyan akong kumalma, inayos ang mga nagkalat na gamit ay pinalis ang mga luhang nagkalat sa aking pisngi. I even retouch my nude lipstick, mabuti na lang at water proof itong suot kong mascara, I should rate five stars the next time they have their survey.

Tuluyan ng lumabas ay naabutan ko silang nasa kalahati na ang kinakain, the maids already served the red wine and other drinks. Ramdam ko ang paglingon sa akin ni David ng ako'y maupo.

Julia on the other hand was on Alessia's lap, abala sa kaniyang hindi maubos ubos na kuwento. Hindi na ako kumuha ng paghimagas, I can't defy my diet. Ganoon din ng wine, kakainom ko palang ng gamot.

Nanatili akong nakaupo roon, nakikinig ng masayang kuwento ni Victoria, tila isang batang tinaboy at hindi pinasali sa isang laro. Si David naman ay abala sa kung anong pinag uusapan nila ni Apollo patungkol ata sa isang pasyente.

Pinaglaruan ko na lamang ang icing at kinausap ito sa aking isip. Hindi ko alam pero nanliliit ako, I felt unsecured, tila pati hangin na pumapalibot sa amin ay iniinsulto ako.

Iniwasan ang matunog na buntong hininga sa karausan ng mag alok si Mrs. Cojuangco sa kanilang common area may nais daw itong ipakita kay Victoria.

"Mommy, We'll play!" si Julia.

Tumango ako bago mapangiti. Pinunasan ang gilid ng kaniyang labi dahil sa icing na kumalat dito.

"Punas ka ng pawis ha," bilin ko.

Tumango siya bago masayang tumakbo patungo sa sala marahil ay kukunin si Orion.

"Don't drink too much, mag da-drive ka pa," sambit ni Alessia kay Apollo ng tumayo siya.

Namumungay ang mata nitong tumango sa kaniya. Ngumiti sa akin si Alessia ng masalubong ang aming tingin.

"Sama ka sa amin!" anyaya niya. "Maglalaro kami ni Julia sa pool side,"

"What are you? A kindergarten?" sabat ni David. "Ikakasal ka na't lahat napaka isip bata mo pa din,"

Tumawa si Alessia. "Ikaw? may anak ka na't lahat bugnutin ka pa din,"

I snorted, mas masungit pa 'nga iyan sa akin eh. Agad napalabi ng ramdam ko ang kaniyang marahas na paglingon sa akin. Tumatawa tawang umalis si Alessia sa hapag habang nailing naman si Apollo.

David and Apollo remained on their seat, ang namamawis at malamig na beer ay inihanda na din, kasabay ng kanilang usapan tungkol sa trabaho.

Humilig ako papalapit kay David.

"Restroom lang, I'll retouch my make-up," lies.

Nilingon niya ako bago bahagyang titigan. His expression was impenetrable. I shifted my gaze when I can't bear the intensity of his ebony eyes.

I completely excused myself when I felt him nodded.

Tumungo ako sa labas ng bahay mismo. Ayaw kong pumunta sa pool side o sa kanilang garden, it just felt not so right, albeit wala naman akong gagawing masama, but the indignation of Mrs. Cojuangco limit me to move freely on the place.

Sa kaniyang maintensidad na titig ay inilapag niya na ang mga bagay na hindi ko puwedeng gawin, kulang na lang ay iparamdam niya sa aking bawal akong huminga.

Huminga ng malalim ay mariing dinama ang hangin, ang kaninang bigat sa dibdib ay tuluyang inilabas sa pagitan ng malalim na mga buntong hininga.

Lumangitngit ang Roll Royce ni David ng maupo ako sa hood nito. Hinubad ang suot na stiletto bago sulyapan ang oras, it's quarter to nine.

Chasing Wild RedamancyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon