CHAPTER EIGHTTruth
David:
Goodmorning.David:
Tagaytay or Trainings?Pababa na sana para sa agahan ng mabasa ko ang kaniyang mensahe. May sumibol na ngiti sa aking labi bago mag tipa ng mensahe pabalik. Ngayong araw ay wala akong pagkakaabalahan, marahil ay mananatili lamang ako ngayon sa mansyon dahil gusto ng Mommy na siya ang mag asikaso sa aming branch sa Tagaytay kahit ngayong araw lang.
And then, I suddenly realized...wala manlang akong alam patungkol kay David. Samantalang siya ay halos alam na paano dumaloy ang araw ko. I only knew basic infos, bukod sa pencil case niyang may corgi na drawing, med student, former La Sallian, nilibot ang course sa college ay wala ng iba.
We weren't formally introduced to each other, isang simpleng pagbati at tango lang ay larga na. Does it require? Kasi diba sa pakikipagkaibigan wala namang resume ang dapat sagutan, or screening to attend...mamalayan mo nalang na masiyado mo nang kilala ang isa tao sa paglipas ng panahon. Because it's all about the bond, it doesn't measure on how you knew things about him or her but the appreciation you felt for each other, so I give the favor to the sands of time.
"Ang anak ng mga Romualdez..." si Mommy sa almusal.
"Kimberly 'My?" I asked while adding sugar on my chocolate drink.
She nodded. "Dapat ay maging kaibigan mo iyon Camila...nakuha siya ng isang malaking brand ng pabango to advertise, you'll build connections."
"Pero Mommy—"
"What happened to your face?" putol niya ng mag angat sa akin ng tingin.
On my instinct, wala sa sarili kong kinapa ang mukha.
"Bakit dry ang balat mo? Have you visited your derma? Gracious Camila! Dapat ay nag iingat ka sa mga kinakain mo, what you eat will reflect on your skin,"
"Barbara there's nothing I can—" pinukol ni Mommy si Daddy ng masamang tingin upang manahimik ito.
"I'll be conscious from now 'my, I'm sorry," sambit ko at kumuha ng isang nuggets.
"That's enough chicken," aniya at nilayo ang lalagyan ng nuggets. "This would make your skin oily, hindi ka dapat nagpapabaya, managements nowadays were demanding!"
Napayuko ako at ngumuso.
"Katulad mo ay wala pa iyon masiyadong experiences si Kimberly pero agad nakuha," umiling siya habang nagpapalaman ng butter sa kaniyang tinapay. "I think we need to work a little more, mas maganda 'rin kung maging kaibigan mo iyon ng sa ganon ay mai-rekomenda ka niya at magkaroon ka ng koneksiyon."
Hindi ako nakasagot ngunit tahimik lamang na nagpatuloy sa pagkain.
I don't want to be friend due to I have motives and I have something to gain, ano nalang ang pinagkaiba ko sa mga taong kinaaayawan ko? I want to be someone who's independent without relying or riding on someone else popularity, that's all their hard works, it's the fruit of their tiring day, their blood and sweat. So why do I need to do that if I can stand on my own feet?
Parang sa research, wala kang karapatang magpunyagi kung pabuhat ka lang at walang nai-ambag, because it's someone's hard work. Dapat ang mga bagay na gusto ay pinaghihirapan, that's how life works.
Since Mommy did cognizance my face, the next day I go to my derma. Dra. Manansala did advise me to always put moisturizer as well as sunscreen, kahit photoshoot lang. The lights used on my shoots recently extremely irritated my skin that resulted for it to dry, masiyado 'rin bugbog ang mukha ko dahil sa mabibigat na make ups na sinusuot.
BINABASA MO ANG
Chasing Wild Redamancy
RomanceCamila is a girl with plans on her palms. Her life was regimented. After College, work, accomplish her personal list, to walk in the most prestigious runway show, and to build a life she dream of. But life has full of surprises. A kind of game no...