CHAPTER TWENTY-SIXOne shot
David:
What's with the two words communication?David:
Are u busy? Call me when you're not, I missed you.Pagod kong ipinikit ang mata at bumuntong hininga. I opened my eyes and looked myself in front of the mirror. Nakaupo sa aking highchair ay hindi ko maiwasan mapasulyap sa aking tiyan.
I missed you too, David...but things aren't the same like before, changes happen and maybe, it'll be more complicated for us, that could made us suffer or much more than, we'll tear apart.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Ate Nikki na bigla na lamang sumulpot sa aking gilid.
Tumango ako at bahagyang ngumiti.
"Sure? Kanina ka pa matamlay,"
I nodded again and shifted my gaze.
Katatapos lamang ng isang photoshoot kaya abala ang mga staff sa pagligpit ganoon 'rin sina Kevin, na pinagsasabay ang pagkukwento at pag aayos ng hair curler.
I bit my lip and looked at the very detail of the moment, this shoot ended and maybe the last...maybe this is my end? Siguro pinatikim lang sa akin ang tagumpay ngunit hindi talaga iyon para sa akin, maybe this is not for me.
"Ay baks!" si Kevin bago masiglang lumapit sa akin.
"May nakuha akong raket! Ano—'yung bagong bukas na perfume brand!" aniya. "Surela na 'yun!"
Naluluha akong umiling bago yumuko. Kami nalang ang natitira sa dressing room kaya may kakayanan silang maging malakas ang boses. Lumapit na 'rin sa amin sina Pearl upang makiusyuso.
"Anong iling 'yang bata ka?!" tanong niya. "Papasa ka doon! Pag hindi e'di susugurin ko 'yung management! Papakitaan ko ng suso!"
Tumango si Pearl. "Bubukaka kamo akes pag gipit na!"
Tumawa sila at naghilahan ng buhok ngunit nanatili akong nakayuko. I think, this is the time...kung mas lalo kong papatagalin ay lalago ang kanilang ekspektasyon sa akin. Napapikit ako ng kumalat ang likido ng pagkadismaya sa aking sarili.
"H-Hindi ako puwede Kev eh," mahina kong usal.
"Ay bakt sisteret? May lamay?" si Pearl.
Tuluyan ng bumuhos ang aking luha sa pag iling.
"This is my last and final photoshoot..." a soft sob escape from my throat.
"Ay putragis! Nakainom ka ba? Ba't ka umiiyak?" si Kevin na kasama nina Ate Nikki ay nataranta.
"I'm sorry..." sambit ko. "I'm sorry talaga..."
"Camila..." si Ate Nikki.
Pinaglalaban ang aking hintuturo ay panibagong luha ang tumulo. Bumigat ang aking dibdib sanhi ng hindi ako makahinga, nanlamig ang aking kalamnan at tila ayaw bigkasin ang mga salita.
"B-Buntis ako..."
Kasabay ng pagtigil ng oras ay ang pagkaka estatwa nila sa kanilang kinatatayuan. Ayaw kong mag angat ng tingin ngunit kailangan.
"Kev..."
Nakanganga sila sa akin at tila hindi mairehistro ang aking sinabi.
Pinaypayan ni Pearl ang sarili at nagpakawala ng kabadong tawa, umiling siya at pumalakpak sa akin.
"Uso 'to ngayon eh, mga sismars," aniya. "'Yung mga vlog vlog, nasaan na 'yung camera Camila? Kinabahan na kami!"
Si Ate Nikki at Eve naman ay nanatiling mapanuri ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Chasing Wild Redamancy
RomanceCamila is a girl with plans on her palms. Her life was regimented. After College, work, accomplish her personal list, to walk in the most prestigious runway show, and to build a life she dream of. But life has full of surprises. A kind of game no...