CHAPTER EIGHTEEN

9.7K 209 106
                                    





CHAPTER EIGHTEEN


David and Goliath


The smell of foundation and spray nets were all around the place. Hindi magkandaugaga sina Kevin sa pag aasikaso sa akin, ganoon din ang event organizer ng lugar, the chatterings of models were evident, they shared how huge this event would be, or how they would walk later. Sa gitna ng kinakabahan na mga modelo ay nanatili akong kalmado.

Hindi ko masiyadong iniisip ang mangyayari mamaya, kung ano man ang magiging resulta ay magiging masaya pa din ako, this is not bad on a first timer like me, dahil paminsan minsan hindi naman maiiwasan magkamali, kahit nga ang pinaka perpektong pagkakataon ay may kapintasan pa din. Give yourself a try, when you commit mistake, learn and stand up.

Nakapikit ako habang marahan ang pag apply ni Pearl ng eyeshadow sa aking mata.

"Here's your drink, Cami," dinig kong si Eve.

Naramdaman ko ang paggalaw niya sa aking gilid habang patuloy naman si Pearl sa ginagawa.

"Saan boylet mo?" si Kevin. "Hindi pupunta?"

Nang maramdaman na tapos na si Pearl ay marahan kong binuksan ang mata.

"Papunta na," sambit ko. I heard Kevin and Pearl giggled.

Nag padala kanina ng mensahe sa akin si Jumi at ang sabi ay sabay sabay na silang pupunta dito. Ganoon din si David hindi nga lang ako nakapadala ng reply dahil naging abala na.

"Pearl ikaw na nga ang umirap sa kulto ni Victoria, nahihilo na ako," si Kevin.

Gamit ang repleksyon sa salamin ay pinagmasdan ko ang nasa likod. Nang matagpo nila ang aking mata ay sabay sabay silang nag iwas ng tingin. Seriously? Hanggang ngayon ay hindi pa 'rin sila makaalpas sa nangyari? Kasi kung ako? Model at matagal na sa industriyang ito, I would give others the spotlight, kasi diba we have our own chances naman to shine. Hindi nga lang matanggap ni Victoria na tapos na ang kaniya.

And if you want to stay on the spotlight you should prove yourself to others that you deserve that position, kasi hindi porket nakatapak ka sa gitna ng isang beses ay mananatili kana roon, because life didn't work like that, pag gising mo ngayon ay sikat ka pero baka bukas ay isinusuka ka na ng mga tao.

Umiling na lamang ako at pinagmasdan ang sarili. I wouldn't deny that Pearl was really good at these make-ups. Kaya niyang gawing natural ang aking mukha kahit may make up naman talaga.

"I only focus on your eyes and lips Camila," aniya. "Since the gown you're wearing is on a slight radiant colors. Para 'yung kulay na mismo ang magdadala ng itsura mo,"

Nakangiti ako tumango. "You never disappoint Pearl,"

Habang naglalagay si Pearl ng highlight sa aking collar bone at contour naman sa dibdib, ay nagsimula na sa aking buhok si Ate Nikki. Ikakabit niya pa kasi ang kaninang extension hair na sinusuklay ni Kevin. Prente lamang akong nakaupo sa aking high chair habang iniinom ang smoothie na binili ni Eve.

"Magpe-perform daw 'yung sikat na banda!" dinig kong usapan ng dalawang modelo sa aking gilid.

"'Yung Paradox ba?" excited na tugon noong isa. "OMG! Si Darius ang bokalista doon diba?!"

They shared giggled. "Pag nahulog panty ko saluhin mo ha?" sambit pa ng isa.

Umiiling ako sa kanilang pinaguusapan. Little did they know the vocalist they are idolizing was an endeavor. How pity it is, if you have the money and connections, things in this world is kind of easy. Hindi mo maiisip kung gaano ka komplikado ang mga bagay dahil isang lagitik ng daliri ay nasa harapan mo na ang nais. Kaya may mga taong makitid ang utak dahil kulang sa kaisipan at subok ng buhay. Heard that Darius?

Chasing Wild RedamancyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon