CHAPTER TWENTY-ONE

9.9K 178 34
                                    






CHAPTER TWENTY-ONE


My Dream


"Tama na iyan Pearl!" si Kevin habang kami ay nasa dressing room.

Models from different continents were gathered today here, this is one of the preparation in fashion week. Kahit ang mga bigating artista ay pakahihintay ang grand event na ito. Ngayon ang nakatakdang casting, the management requires the models to be natural, para mas mapag-igihan ang pagsusuri sa bawat modelo.

Pinagsuot ng Staff sa amin kanina ang isang black two piece, ito ang isusuot namin para sa casting. Tumawag na 'din kanina si Madam Gigi, she sends me her good luck's and advices, sinabi niya pa na kung gaano niya ako ipagmamalaki sa sang-kabaklaan sa Maynila, dahil umabot sa New York ang kaniyang trainee.

Talagang pinanindigan ni Pearl ang no-make-up-look. Tanging mascara at lip gloss lamang ang kaniyang inilagay sa akin, the rest were just a little touches and enhancing.

"Cami," si Kevin ng maupo sa aking gilid.

Sumunod sa kaniyang likod si Pearl, Ate Nikki, at Eve, na nakapinta ang determinasyon sa mukha. Hindi ko maipagkakaila na kanina pa binubundol ng kaba ang aking dibdib. Ni hindi nga ako makainom ng tubig at wala din gana sa pagkain.

"Mamaya," si Kevin, "The judges will ask you common and simple question, mga hanash na 'how are you' ganon 'How do you feel' mga tanong na simple lang, but it has a big role on this casting,"

"Correct ka diyan bakekang!" singit ni Pearl. "Hindi lang beauty mo ang gusto nila 'teh! Kung baga parang whole package; stage presence, looks, attitude at marami pang ka-hanash-an!"

"I need you to be yourself," si Kevin at inayos ang hanggang bewang kong buhok.

"Alam ko naman na alam mo ng gandura ka," si Pearl. "Pero ganda ka talaga, oh bet!"

Sinabutan siya ni Ate Nikki ng matigil. Ngumiti ako at tumango.

"Hindi porke't may qualifications Camila eh, doon mo na ibabase ang sarili mo. Don't turn yourself to someone they want you to be. But act natural, and let them see the reason why you should pass on this casting,"

I nodded. Kevin's words boosted my confidence and slightly eased the nervousness on my chest.

"Ikaw lang ang ahon pagdating sa ganda kaya isagad mo na!" si Ate Nikki.

"Sure! I'll raise the flag of the Philippines!" sambit ko.

They gave me a warm hug and uttered they Good luck. This casting was not just about me, but I dedicate this journey to all the Filipina beauties out there.

Pinagsuot kami ng wardrobe at pumanhik na sa Waiting room. Hindi allowed rito sina Kevin kaya naman napagpasiyahan nilang maghintay na lamang sa dressing room. Tanging modelo at upuan lamang ang makikita sa kwartong ito. Naupo ako sa may bandang gilid bago pinagmasdan ang paligid.

Ang iba ay nakapikit habang nakasandal sa backrest tila kinakalma ang sarili, ang iba nama'y itinuon ang pansin sa cellphone at iba pang puwedeng mapagkaabalahan.

I started to relax myself and have a heavy sighed. Mom and Dad would be here later, para mangamusta at siguro ay makapasyal na din. Alam na din ni Jumi at Kin dahil kanina lamang ay kausap ko sila sa Facetime.

Week had passed, after that talk with David, wala na akong narinig mula sa kaniya. Even Jumi didn't ask about it, hindi 'rin ako nag kuwento. I felt guilty for Liam and Mason, excited pa naman sila sa dinner na iyon, but since I let my emotions drives me ay nahantong sa ganito...And David, he didn't know a thing about this, wala na akong naging tyansa pa na sabihin sa kaniya. I even deactivated my accounts and prevent myself on using social media, the idea of David will haunt me.

Chasing Wild RedamancyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon