EPILOGUE PART ONE

23.5K 327 114
                                    

"Here's the DNA results, the birth certificate," she handed me some papers. Ngunit nakatuon lamang ang aking atensyon sa baby basket carrier na inilapag niya sa lamesa.

Puot, galit, lubos na kagalakan ay naghalo sa aking dibdib. Kinagat ko ang pang ibabang labi upang mapigilan ang mga luhang umambang aalpas sa aking mata. How can she get pregnant that night? I did the pull out method, hindi maari na mabuntis siya.

I did the precautions, hindi dahil sa ayaw ko siyang mabuntis, kung hindi dahil sa alam kong marami pa siyang pangarap. Heck, kung si Camila lang naman ang usapan ay handa ako sa ano mang bagay ngunit ang tanong ay siya din ba?

Gusto kong tumalon sa tuwa ng pagmasdan ang sanggol sa aking harap, ngunit hindi maipagkakaila ang pagtataka at galit sa akin. I am ready for such a responsibility, even it takes to destroy me, I have a family now with Cami, so I should stand and be a man.

"Where's Camila?" I asked to the woman in front of me.

Hinubad ang suot na malaking sunglasses at maingat itong inilapag sa lamesa. Ang kaniyang berdeng mata ay nagbibigay pagkakakilanlan sa akin. Her face, especially her eyes, gives resemblance to my favorite woman.

Ngunit sa iba't ibang klase ng berdeng mata, sa nagkalat na mga modelo, sa dinami-dami ng mga babae, I'd still look and find you, Cami. Ikaw pa 'rin ang paborito ko.

Bumuntong hininga si Mrs. Cervantes, ang kaniyang may gloves na kamay ay inabot ang tasa ng tsaa.

"What is my daughter for you? Gaano mo ba siya pinapahalagahan?" tanong niya na wala sa akin ang tingin. Ang hintuturo ay pinahawak sa apo bago ito bahagyang laruin.

Natigilan ako sa kaniyang tanong. I can't explain. Hindi ko mahanap ang tamang salita. Camila Asteria, she is something in me. She owned the huge portion of me, she is my strength, she strengthens me, on her pair green orbs she gave me calmness.

"She's too supernatural, Madam. Her worth is more than I can define." Huminga ako ng malalim at sinipat ng tingin ang sanggol. "She's like a diamond, but her worth is more than a gem to me,"

"I'll stand as a man, Madam. Papanindigan ko po si Camila." Magalang kong sambit.

Ngunit ang kaniyang kilay ay umarko tila hindi nagustuhan ang aking sinabi. Umiling siya at pagak na tumawa dahilan upang kumunot ang aking noo.

"Your relationship with my daughter didn't impress me..." aniya. "It is kind of toxic,"

"Masiyado pa kayong mga bata, and building a family isn't a way of playing around,"

"I can handle, Madam." I firmly said.

Her expression become sour, ang kaninang kalmadong ekspresyon ay nabahiran ng inis. Bahagya kong inalo ang bata ng umiyak ito, but my expression remain firm.

"She can't, Camila was too, too eager to have her dreams. Sa tingin mo ba pipiliin niya kayo?" pagak siyang humalakhak.

Nagtiim ang aking bagang.

"She's building her name abroad, Cojuangco. Nababagay siya doon, sa mundong dapat naman talaga sa kaniya," humilig siya lamesa.

Ang abalang café sa paligid ay walang kaide-ideya sa namumuong tensyon sa aming lamesa. Ang galit ay sumibol sa aking dibdib. How can she abandoned us? We are her family. I have her daughter. Paanong hindi niya kami pipiliin?

"Does she know?" I said while gritting my teeth.

Sumibol ang ngisi sa mukha ng matanda.

"Hindi."

Naguluhan ako sa kaniyang sinabi. How can Camila give birth to our child without the knowledge? Ano ba ang nangyayari? Is she suffering from something? Bakit hindi siya ang humarap sa akin ngayon?

Chasing Wild RedamancyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon