CHAPTER THIRTY-SIX

23K 292 88
                                    







CHAPTER THIRTY-SIX



Trials





Flirting?! In Malibu?! What the actual fuck? Nasisiraan na ba sila ng bait? How can they publish such a gibberish article?! We went to Malibu three weeks ago, that was my farewell party, and yes I am with Darius that time but, oh my gosh, we're not flirting! How can we do the flirting they are saying if Darius has his flavor of the week? My gosh! I can't even!

Hindi pa nga ako nakakapag isip patungkol kay Julia ay may problema nanaman na sumibol! They just can't give up the thought that, Darius and I are friends, gaano ba kahirap intindihin 'yun? it's just that, we can't. 'Yun na 'yun. Hanggang 'dun nalang. Final na.

However, I am truly disappointed to these people, they are following their own beliefs, wants, and dogma that tended for them to be fanatics, even they are being far from reality they still hold onto that little hope, because fanaticism is the only way to put an end to that doubts that constantly trouble our minds.

And they are going to put the hate on us, once their wants weren't followed. But we're only human, we are working
for the public, but it is our right naman siguro to choose for our own, my life wasn't depend on them all the time.

Napagdesiyunan na i-off na lamang ang aking cellphone, at kakausapin ko muna ang aking manager na si Kevin kung ano ang magiging aksyon namin, ukol sa issue na ito.

Tumayo na ako upang tumungo sa kanina pa masayang anak, our restaurant wasn't full today, ngunit may panaka-nakang mga kumakain naman.

Sa glass wall na naghihiwalay sa kitchen at mismong restaurant ko naabutan nakatayo si Julia at tuwang tuwa na pinagmamasdan si Chef Bobby na hinahalo ang niluluto gamit ang kawali at may nilalagay siyang alak dahilan upang lumiyab ang apoy.

"Mommy look! He looks like Alfredo!" tuwang tuwa niyang aniya.

Natawa ako at kinarga siya. Pinulupot niya sa aking leeg ang kamay ay mangha niyang pinanood si Chef, habang ako naman ay panaka naka ang halik sa kaniyang namumulang pisngi.

"Love you..." bulong ko.

Nilingon niya ako bago humagikhik, dahilan upang makita ang kaniyang nawawalang ngipin.

"I love you too, Mommy,"

Humigpit ang pagkakayapos sa kaniya ay ngayon bahagya ko na siyang hinihele.

"Ma'am, excuse me po." nilingon ko si Marikris na lumapit sa aking gilid.

"Si Sir David po,"

Nilingon ko ang tinuro ni Marikris. Naabutan si David na kinakalas ang pangalawang butones ng kaniyang dress shirt habang humahakbang palapit sa amin. Ang kaniyang pang itaas ay may kaunting gusot, bakas din sa kaniyang buhok ang pagpasada niya ng daliri dito.

"Daddy!" masayang tawag ni Julia at bahagya pang naglikot mula sa pagkakahawak ko. Tila ba sabik sabik sa ama.

Halos mapapikit ako sa kaniyang pabango, tanda na nasa paligid lamang siya.

Humilig ang katawan ni Julia sa kaniya at pumulupot ang kamay ng anak sa kaniyang batok, tuluyan ko ng pinakawalan si Julia ng tuluyan na niya itong hawakan at siya na mismo ang nagkarga.

"I didn't have our order yet," sambit ko habang patungo sa lamesang napili kanina. "Baka kasi hindi mo magustuhan,"

Isang tango lamang ang kaniyang naging tugon sa akin bago bumaling sa anak na abala sa pag hum ng the wheels on the bus.

Lihim akong napangiti at gustong palakpakan ang sarili ng mamataan siyang natigilan ng makita kung saan kami mauupo ngayon.

You used to be here after your class, to court me, Remember David Angelus?

Chasing Wild RedamancyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon