CHAPTER FORTY-SIX

25.7K 335 103
                                    







CHAPTER FORTY SIX


A guess to a guest



Inabot na kami ni Alessia ng hapunan sa Salon, bukod kasi sa kuko ay napag pasiyahan na din namin na magpa hand at foot spa. Kaya ng makabayad ay ganoon na lamang ang saya ni Julia. Pasalamat nalang ako na may NatGeo Channel ang Salon na ito dahilan upang hindi siya mainip.

Nakatanggap ako ng mensahe kanina galing kay David, tinanong ang aming lokasyon. Maybe he's checking on us or what, hindi ko naman itatakas ang anak niya.

"Daddy!" may masayang ikinukuwento sa akin si Alessia ng maglililikot si Julia sa aking pagkakahawak.

Parehas kaming napalingon sa direksyon na tinitingnan ng anak at agad napakunot ang aking noo ng makitang lumabas si David mula sa kaniyang Roll Royce.

Suot ang kaniyang medyo hapit na itim na tshirts at itim na maong pants ay naglakad siya patungo sa amin. Agaw pansin ang kaniyang suot na puting sapatos, ang buhok ay bahagyang sinuklay palikod, leaving some strands on his forehead.

Sumulyap sa kaniyang pangkamay na relo ay tumigil sa aming harap.

"Tapos na kayo?" he asked when he found my eyes.

Kung magaan lang ang hangin sa pagitan naming dalawa ay inisip ko ng, he's clingy but then I realize, I have his daughter on me, that's why.

Binukas ni Julia ang mga braso ng magpakarga naman siya sa ama. Kinuha niya mula sa akin si Julia ay tahimik akong tumango.

"Hi David! Pa-dinner ka naman!" si Alessia sa aking gilid. "Ikaw naman taya ngayon, palagi nalang akong nagdadala sainyo ng lunch."

Bumaling sa kaniya si David bago umismid.

"Hindi ko naman sinabing dalhan mo ako," ganti niya. "At isa pa, kulang pa iyan. Binusog kita ng impormasyon noong nasa ibang bansa ka pa paunang bayad pa lang 'to,"

Humalakhak si Alessia. "Kita mo naman ikakasal na ako!"

Sa huli ay napagpasiyahan na 'rin namin na mag early dinner sa isang steak house. Sinabi na 'rin sa akin ni David na pinauwi niya na ng maaga si Kuya Elmer, tango lamang at isang 'salamat' ang aking itinugon.

I feel blue all of a sudden. This must be the feeling of some people kapag sa mga pagkakataon ay hindi natupad ang kanilang pangarap. 'Yung gustong-gusto mo pero hindi mo makuha, at kahit anong gawin mo ay hindi mapapasayo.

When you need to adjust and settle yourself into something na hanggang doon nalang, na dapat nalang tanggapin at makasanayan. Kasi kahit kailan hindi mo magiging pag aari.

Maybe it is for you, it belongs to you, but not now, or maybe not in this life time.

"I thought Mommy would lose her fingers, Daddy!" kuwento ni Julia habang naka kandong sa ama.

Kanina kasi ng ipasok ang aking daliri sa Nail Art machine ay umiyak siya dahil akala niya ay mapuputol ang aking mga daliri. Nang makitang wala naman nabawas sa daliri ko ay agad naman siyang umalo.

The dinner was filled with Julia's story, dagdagan pa ni Alessia sharing to David on how fine my taste was on planning her wedding.

Tanging ngiti ang ibinigay ko, I gave side comments too when it is necessary. I can feel David eyeing me the whole dinner, kapag tinatagpo ko naman ang kaniyang titig ay tataasan niya ako ng kilay. I don't know what he's up to.

Natapos ang dinner na iyon ng tumawag na si Apollo kay Alessia. Her soon to be husband was looking for her so we decided to return her on her castle.

Chasing Wild RedamancyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon