CHAPTER SEVENTEENDay one
I want to talk to Mom when I got home that day, pero ng makapasok sa aming mansyon ay agad sinalubong ni Inday na wala ang Mommy at nasa Batangas, inaasikaso ang pinapatayong restaurant doon. I don't get her point, bakit kailangang may Darius ang sumulpot kung nakaparada lang naman si Kuya Elmer sa labas, umiinom ng softdrinks habang naglalaro ng candy crush?
I let it pass, baka nagkataon lang naman iyon. Maybe she was making sure if I really have a boyfriend, kung ganito lang naman ang mangyayari ay marahil linawin ko na sa kanila ang lahat. Kasi sa totoo lang, I was disgust being with Darius, hindi ako komportable.
Nakangiti akong sinalubong ni Kevin ng matapos ako sa aking workout sa isang malapit na gym dito sa Alabang. Dumiretso kami sa isang malapit na café upang maipagpatuloy ang kaniyang importanteng sasabihin. I ordered a smoothie while Kevin have a salad.
"What nga?" tanong ko dahil naiinip na. Kanina pa ang kaniyang walang tigil na ngiti at hagikhik.
"Naipasa ko na ang portfolio mo,"
He managed to shrieked silently as enthusiasm filled his system. My lips stretched to form a smile.
"Really?"
He nodded.
"Ang sabi ay tatawagan daw tayo para sa casting,"
Kumunot ang aking noo dahil bahagyang nagulohan.
"How? Via online 'yung casting?" tanong ko at kinuha ang cherry sa kaniyang salad.
His lips curled downward and rolled his eyes at me. Ang kaninang saya ay napalitan na ng pagiging seryoso.
"Hindi gaga!" asik niya. "Sino ka? Si Tita Tyra Banks para dayuhin? Syempre tayo ang pupunta sa New York!"
"So if they give us a call, we'll go to New York and have the casting in there?"
Tumango ang kausap. "Mismo! Pag nakuha kana sa casting ay didiretso kanang pumirma sa kontrata,"
"At katulad ng matagal na nating plano, doon kana magsisimulang gumawa ng pangalan." Dagdag niya pa habang pinapaliguan ang sarili ng excitement.
"Kailan ang casting?" I asked.
Maarteng hinilot ni Kevin ang sintido, tila pagod ng turuan ang isang batang paslit sa one plus one.
"Alam mo Camila, ganda ka lang talaga. 'Yun lang ganda lang. Naging busy ata ang panginoon nung gagawan ka na ng utak,"
Umirap ako at sumimsim sa aking smoothie.
"Malamang girl pag tinawagan na tayo!" umiling siya at walang habas na kinain ang letus sa kaniyang plato.
"Pero ang alam ko ay early next month baka magsimula na sila," maya-maya niyang untag. "Kaya pray ka lang, gising ka ng maaga simba ka sa Baclaran,"
I shook my head and sipped on my smoothie.
As Kevin announces my sudden departure I can't help but to think about David. I am not assuming things that I would pass on the casting, pero paano kung oo? Is our little fairytale would meet its end? Kasi wala naman kasiguraduhan ang bukas, it's all about hope, ngayon masaya ka bukas naman ay umiiyak, things aren't predictable. Kaya anong mangyayari sa amin? Kung may 'amin' man na pag uusapan.
Kasi diba hindi naman puwedeng itigil ang pareho naming mundo para sa isa't isa, we have our own responsibilities to ourselves and to our parents, but I don't want to let go of him too. I want to pull two strings while reaching my dreams and his too, I want him to be there.
BINABASA MO ANG
Chasing Wild Redamancy
RomanceCamila is a girl with plans on her palms. Her life was regimented. After College, work, accomplish her personal list, to walk in the most prestigious runway show, and to build a life she dream of. But life has full of surprises. A kind of game no...