CHAPTER SEVENDemand
"Akin na 'to ah?" si Jumi habang binubuksan ang bubble wrap ng isang lip tint.
Walang buhay akong tumango sa kaniya dahil inaabala ang sarili sa panonood. Siya na mismo ang nagbukas ng mga padalang liptint ng isang local make up brands.
"Ba't ang tamlay mo ata?" tanong niya sa aking likod. "May nangyari ba?"
Pumanhik siya sa aking harap at kita ko ang mga swatches ng liptint sa kaniyang kamay. Nakapalumbaba akong umiling bago ngumuso. Ramdam ko ang kaniyang titig ngunit hindi na 'rin naman na nagtanong.
Sinulyapan ang cellphone ay walang malay itong nakapatong sa center table.
Pagkatapos ng dinner na nangyari sa Tagaytay ay hindi na kami ulit nagkita ni David. Also, that night he did texted me na magiging abala siya at magbabasa ng libro, ngunit apat na araw na ang nakakalipas ay hindi na nagparamdam pa, baka naman natabunan na siya ng mga letra?
Though at the back of my mind, I want to ask, pero napaka wala sa lugar ko naman yata? Kakikilala palang namin sa isa't isa at makapag demand naman ako ng oras, I don't want to be unbearable kasi unang una, magkaibigan lang naman kami.
Perhaps I was attracted to David or I have a crush on him? And that simple feelings and his gestures these past few days lead me into concluding things. Sino ba naman ang hindi? Girl's nature was to easily expect. Lalo na kung pinakitaan ka ng sinseridad at pag aalaga, pinakitaan ka ng bagay na hindi ordinaryo sa'yo, pinaramdam na espesyal ka, at higit sa lahat binigyan ka ng oras. Tapos bigla na lang mawawala.
O baka naman na misinterpret ko lang? Maybe he was just too friendly and I as an inexperience girl I turned his action into sweet issues. Maybe I made my own fairytale and expectations.
Hindi na nasundan ang pinapanood ay inalok ko na lamang si Jumi na kumain sa isang food hub malapit sa aming Village. These thoughts were really confusing me bigtime, baka naman mabaliw na ako dito.
"Jumi," tawag ko. Nakaupo sa front seat habang siya ay nagmamaneho.
"Hmm?" aniya dahil nasa daan ang mata.
"What is the call nga if the guy did not text you back?" I ask. "Vampire? What is it?"
Humalakhak siya bago ako madaliang sulyapan.
"Vampire amp. Ghosted! Ghoster! Minulto ganon,"
Tumango ako at napalabi.
"Bakit sino nanaman ang ni-ghost mo? Iba talaga ang Camila Asteria! Mabagsik!"
"Ako 'ata ang ghosted Jumi..." bulong ko.
"Ha anong sabi mo?"
Hindi ako nagkaroon ng tyansang sagutin siya dahil sa pagtunog ng kaniyang telepono.
If my situation was indeed defined the word 'Ghosted' and so be it! When a man ghosts you, let him stay dead!
Nang tumigil sa isang crossing ay sinagot ni Jumi ang kaniyang cellphone.
"Ohoy! Liam andiyan na kayo?"
Nanlaki ang mata ko kaya napasulyap siya sa akin.
"Sandali papunta na kami, traffic kasi ng slight."
Nakaantabay ako sa kaniyang sunod na sasabihin. Kung may Liam, may Mason, kapag may Mason...may David. Wonderpets 'yun eh.
"Bakit may Liam?!" I asked when she ended the call.
BINABASA MO ANG
Chasing Wild Redamancy
RomanceCamila is a girl with plans on her palms. Her life was regimented. After College, work, accomplish her personal list, to walk in the most prestigious runway show, and to build a life she dream of. But life has full of surprises. A kind of game no...