CHAPTER FOUR

14.7K 305 51
                                    




CHAPTER FOUR

Tara

"No, Camila. Tatanggap pa 'din naman tayo ng mga shoots mo, I'll handle them like a beau para hindi kana ma haggard diyan," Si Kevin ng papasok kami sa isang Studio ng isang modeling management.

"So, I'll have my contract now?" Gulong tanong ko habang naglalakad kami sa kahabaan ng pasilyo.

"Hindi pa 'din, we will not settle, freelance ka lang inday!" Aniya. "We need to enhance your walk and presence on stage, marami ka pang kakainin na bigas."

Umirap ako sa kaniya bago kami tuluyang pumasok sa isang pinto. Agarang lumukob sa akin ang lamig ng lugar ngunit ang mas nagpa mangha sa akin ay ang aking kapwa mga modelo na nagkalat doon. With a wide mirror on the wall, there's a pole at the both side, the wooden floor was calling me to walk with my heels on it.

On their heels, models were practicing their walk gracefully. Hindi pa man nakakabawi sa pagkamangha ay sinalubong na kami ng isang lalaki na pumipilantik ang daliri ng iwagayway nito ang may makukulay na balahibo niyang pamaypay.

"Kevin!" His girly voice filled my ears.

"Madam Gigi!" Si Kevin bago maarteng makipag beso.

Hindi nakatakas sa akin ang scarf na nakapuloput sa kaniyang leeg at patuloy pa din sa pagpaypay kahit na malamig naman. Nang bumaling siya sa akin ay agad nanlaki ang kaniyang mata.

"Wala si Madam Vivian, pero ihahanda ko na ba kontrata?" Mangha niyang utas bago bahagyang lumapit sa akin at haplusin ang umaalon kong buhok.

"Gaga! Alaga ko 'to, freelance to no! May pangarap ako sa batang 'yan," Si Kevin.

Ngunit hindi pinansin si Kevin ay ngumiti ito sa akin.

"Anong pangalan mo? Lahi? Ang ganda mong bata ka! Malayo ang mararating mo!"

Ngumiti ako kahit naiilang na. "I'm Camila po, I'm mixed. My dad is Filipino-Moroccan, My Mom is American-Latina, in short I don't know. Do we have qualification of nationality here, Kevin?"

Bumaling ako sa katabi na nakangiti lamang.

"Oh..." Anang ng Madam Gigi. "I like that attitude, tatagal ka 'nga sa industriyang ito,"

Pinaikot niya ako at bahagyang sinuri mula ulo hanggang paa.

"Kutis porselana, mayaman 'to no?" Aniya. "At close pores din..."

Ilang minuto pa ang inabot sa aking pagsuri bago ako pakawalan at hayaan makapag palit. Ayon kay Kevin ay magsisimula na ang aming training ngayon. My plates were being full for some offers of runway shows but we humbly declined them since I don't have proper training yet as a model on stage.

I change in my high waist short shorts and a white crop top fitted shirt, I didn't apply any form of make-up. Itinali ko lamang ang aking buhok at isinuot ang aking five inches' killer heels. My feet would surely quibble later, after.

Madam Gigi told me she's going to be my mentor when it comes to this, her soft expression earlier was murdered and turned into a strict and intimidating one.

"We will start in walking," Aniya. "Eyes fixed in front, stomach in, peaches out." Utos niya.

Sinunod ko iyon kahit medyo kabado. Some models were watching us while having their break at the side part of the studio.

"Camila! Don't pushed down your shoulders!" Halos mawala ako sa balance sa kaniyang sigaw. "Modelo ka! Hindi ka Gangster!"

"From the top!"

Chasing Wild RedamancyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon