CHAPTER FORTY-TWOEnd
Kinabukasan ay nagising akong wala na si Julia sa aking tabi marahil ay nasa baba na at nanonood ng TV. Na-late akong magising ngayon kaya naman hindi na ako makakatakbo, maybe this is the time that I should try the gym on this building.
Ginawa ang aking routine bago tuluyan ng tumungo sa baba. Agad kumunot ang aking noo ng maabutan nakapatay ang TV at walang Julia ang tumambad sa akin sa sofa.
Nang tumungo sa kitchen ay naabutan ko si David na may kung anong inaabot sa cupboard sa taas.
"Where's Julia?" humalukipkip ako bago ihilig ang gilid ng katawan sa hamba ng kitchen.
"Kasama ni Mama, pinasyal sa Ocean Park," anito hindi manlang ako nilingon.
Sinulyapan ang dining ay may nakahanda na roong almusal ngunit may kung anong hinihiwa pa siya malapit sa lababo. Patuloy ko lang pinagmasdan ang kaniyang likod. Counting how many times the muscles of his back flex.
Napalabi ako ng maisip kung gaano kalapad ang kaniyang balikat mula sa aking kinatatayuan, hindi naman iyan ganyan dati, maybe his routine in pound and pound was the hardcore one.
Natigilan lamang ako ng humarap siya sa akin. Dala ang chopping board na may laman na pipino ay taka niya akong pinagmasdan.
His hair was disheveled, ang kaniyang mata ay namumungay marahil ay antok pa. Tinaasan niya ako ng isang kilay bago bumaling sa bowl upang isalin ang nahiwang pipino.
"So tayong dalawa lang?" tanong ko habang ang mata ay nasa pipinong nag uunahan sa bowl.
"Nandiyan sina Manang Judit," he said on his hoarse voice.
My lips curled downward bago tumango-tango. Tumalikod siya sa akin upang hugasan ang ginamit at kamay.
"No work?"
"Obviously," aniya bago pinunas ang basang kamay sa suot na sweat shorts.
Tinukod ang isang kamay sa kitchen Island bago sumubo ng isang pipino.
"Tara Netflix and chill," alok ko.
Natigilan siya habang kagat-kagat na ang isang pirasong pipino. I grinned. Inismiran niya ako bago umiling at tumungo na sa dining.
"I'm busy,"
"Nood lang," maktol ko.
He firmly shook his head.
"Nood lang 'nga!" sambit ko pa.
Kumalas sa halukipkip ay sumunod na ako sa kaniya sa dinning at naupo na. Inirapan niya ako ng binigyan ko siya ng naghihintay na ekspresyon.
"Kumain ka na lang," aniya.
"Wala akong gagawin sa maghapon," sambit ko bago ngumuso.
"Palitan mo 'yung kurtina at bed sheets, maglaba ka." Aniya bago sinubo ang buong slice bread.
"What?! No! Maglalaro nalang ako ng dollhouse ni Julia!"
Inilingan niya lang ako bago binuhat ang tasa ng kaniyang kape. Kumunot ang kaniyang noo at naningkit ang mata sa ginawang pag ihip dito. Sa pag higop ay gumawa ito ng tunog bago pino ang kilos na ibalik ito sa mesa.
"Netflix and chill lang..." bulong ko bago bumaling sa letus sa aking plato.
"No," he firmly said and continue his fast.
BINABASA MO ANG
Chasing Wild Redamancy
RomanceCamila is a girl with plans on her palms. Her life was regimented. After College, work, accomplish her personal list, to walk in the most prestigious runway show, and to build a life she dream of. But life has full of surprises. A kind of game no...