CHAPTER TWENTY-THREE

11.7K 253 111
                                    







CHAPTER TWENTY-THREE


Oath


Naging tahimik ang buong paligid, even the song on the videoke was paused. Walang habas akong hinigit ni David paalis sa lugar.

"David ano ba!" I protested ng pababa na kami ng hagdan dahil muntik na akong madapa.

"David!" buong lakas ko ng sambit at kumawala sa kaniyang hawak.

Tumigil kami sa paglalakad at mabigat ang paghinga niya akong nilingon. Kasabay ng pag ihip ng hangin ay ang paglukob ng kaniyang samyo sa aking pang amoy. Katiting lamang ng liwanag ang nakukuha kaya bigo akong pagmasdan ang kaniyang mukha.

"You can't just drag me out there!" I said. "Hindi mo ako pag aari!"

Napasinghap siya at humakbang palapit sa akin.

"So you would just let that guy touch you? That's the deal?" he asked, fuming mad.

"Yes! I can even kiss that guy! Ano ikaw lang? That's unfair!"

Huminga siya ng malalim at matunog na pinakawalan ang labi mula sa pagkakagat.

"Sa kakarampot mong suot Camila? Really?"

Padabog niyang hinubad ang kaniyang suot na leather jacket bago iyon ilahad sa akin.

"Alangan naman mag pants ako! I'm on the beach kaya! Ano pauso?"

"Suotin mo," he commanded.

"Why would I follow you?" hindi niya ako sinagot at mas lalong pinilit ang jacket sa akin.

"We're on the beach nga! It's dark here! Why are you always made me wear jackets?!" ani ko. "Try mo ipauso 'yung mag jacket habang nasa beach!"

"I thought models are trendsetter?" he said mocking on what I said on our dinner while there's a hint of anger on his voice.

"You really are a damn...Damn buzzkill David Angelus! I hate you!"

I stamped my feet. Napipikon kong kinuha ang kaniyang jacket at padabog na binato iyon kung saan.

"Mag jacket ka mag isa mo!"

Mabibigat akong nagmartsa at mabilis siyang nilagpasan. Ngunit hindi pa man nakakadalawang hakbang sa hagdan ay napatili ako ng bigla niya akong hinigit at isampa sa kaniyang balikat.

"Oh my gosh!" I shrieked. "David!"

Mabilis ang kaniyang hakbang sa hagdan kasabay ng pag alog ng aking buong katawan sa kaniyang balikat.

"You really are a damn...damn hard headed, Camila Asteria..." he said and slapped my butt.

Nanlaki ang mata ko at kinalampag ang paa. "I hate you!"

"Sweetie the feelings aren't mutual..."

Nasa pinakataas ang kaniyang kwarto, hilong hilo na ako ng makarating kami sa tamang pinto, agad niyang ni-lock ang pinto bago ako ilapag. Ang kwarto niya ay hindi katulad sa amin ni Jumi, it looks like the deluxe room of the resort.

Masama ko siyang tiningnan, agad kong napansin ang kaniyang bagong gupit na buhok, manipis iyon sa gilid ngunit may kakapalan sa bandang gitna. He's wearing a white shirt, faded maong pants, and his never gets old brown boots.

"Are you done now flirting with your girls?" I asked.

Nanatili akong nakatayo malapit sa pinto habang siya ay prenteng inilagay ang jacket sa arm rest ng isang upuan.

Chasing Wild RedamancyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon