CHAPTER THIRTY-ONE

11.7K 178 52
                                    









CHAPTER THIRTY-ONE




Little





"Eh boba ka!" sermon ni Kevin habang kami ay nakaupo sa Departure area dito sa Mactan Airport pauwi na ng Manila.

Huminga ako ng malalim matapos mag kuwento sa kanila sa nangyaring pagtatagpo ng landas namin ni David.

"Hija, limang taon kang nawala," Kevin said standing in front of me hands in Akimbo.

Natatawa siyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kong naiinis ba siya o ano.

"Alalahanin mo sister hindi ka nagpaalam at bigla nalang nawala. Anong gusto mong maging reaksyon niya? Magpa cater at maghanda ng banda ganon ba?"

Umirap ako at kinalampag ang paa. "Kung sana ay hinayaan niya akong magpaliwana—"

"Alam mo Camila logic 'to eh," putol ni Pearl sa akin.

Nilingon ko siya sa aking gilid na prenteng kumain ng mani. Hinarap niya ako at hinubad ang neck pillow na suot.

"Kunyari ganito," aniya. "Sinabi namin sayo na hindi ka namin iiwan sa lahat ng shoot mo, pero isang araw ay bigla nalang kaming hindi nagpakita at nakita mo nalang na may iba na kaming raket, anong mararamdaman mo?"

Nanlaki ang mata ko. "So are you planning to leave me?!" asik ko. "Hindi ko ba kayo—"

"Tonta!" si Kevin bago naiiling at pagod akong tiningnan.

Maarteng tumawa si Pearl. "Boka ka bakla! Wag ka na ngang mag isip! Wala ka 'rin namang magagamit!"

Inirapan ko siya bago isiping mabuti ang kaniyang naging tanong kanina.

"Of course, I will be mad...very mad." wala sa sarili kong utas. "I've trusted you guys so much, that I depended half of my life on you,"

Nilingon ko sila at binigyan ng makahulugang tingin. "but more of it, I'll be sad, you're my people. Of course I've trusted your words, yet you left me without proper goodbye or explanations,"

"Exactly!" bulalas ni Pearl sanhi upang magulat ang umiidlip na sina Eve.

"'Yan ang nararamdaman ng boylet mo—ay ex na pala!" aniya at ngumisi sa akin.

Inirapan ko siya. "Hindi ako nakipag break Pearlita—pag aari ko pa 'rin siya!"

Maarte siyang tumawa. "Boba! Break na kayo! Di mo feel?"

Umani iyon ng halakhak kay Kevin bago sila magturuan na dalawa at bumungisngis.

"Kay Darius kana lang! Di ba close mo iyon?" si Kevin.

Umirap ako. "Hinahabol pa ni Darius ang irog niya—so no."

"Kaunting himas at hilot hilot lang Cami, magkakaayos kayo 'nun," si Ate Nikki na ngayon ay kagigising pa lamang.

Sa loob ng limang taon, ni kaniyang nunal sa batok ay detalyado ko pa rin na natatandaan, paano ko nga naman siya makakalimutan, eh sa tuwing pumapatak ang Alas sais ng umaga, alas dose ng Tanghali, at alas sais ng gabi ay Angelus, na kaakibat ng kaniyang pangalan.

They said what the eyes doesn't see, the heart doesn't grieve. Pero sa buong biyahe pabalik ng Manila ay para bang may kung anong pinaglalamayan ang aking dibdib. Wala naman sa aking harapan si David at Victoria ngunit para bang naiwan sa Isla ang aking isipan at paulit ulit na iniisip ang mga senaryo na maari nilang gawin doon.

I have so many questions, ngunit dahil sa intensidad ng nangyari ay tanging pagpapaumnahin lang ang naisatinig ng aking bibig. Alam kong may nagbago...marami. I love David...ngunit dahil sa aking naranasan nitong mga nagdaang taon, I am afraid to suffer...Again.

Chasing Wild RedamancyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon