CHAPTER THIRTY-EIGHT

22.4K 326 90
                                    










CHAPTER THIRTY-EIGHT





One step





They say don't chase for the wrong one, the right one won't run. But David, he's running from me, and even he's the wrong one, I am prepared to hold onto pain just to chase him. Because I believe, I have faith, that he'll do the same thing, too.

I have never confronted the problem, magkaiba ang hinarap sa tinakasan. Nasanay kasi ako na kapag may problema ay tatakbuhan ko at pagbalik ay lutas na, like what happened in the past, palagi kong tinatakbuhan si David kapag dinadalaw ako ng nararamdaman at pagbalik ay naghihintay siya sa akin, bukas ang dalawang braso at handa ulit akong tanggapin na parang walang nangyari.

I am not used on Chasing someone, because in the very first place, I am the one who used to be chased.

Pagod akong bumuntong hininga. Pagkatapos ang nag aalab na nangyayari sa baba ay nais ko sanang bisitahin si Mrs. Cojuangco upang tingnan ang kaniyang kalagayan. Not to prove a point pero para siguraduhin kung ayos lang siya, I don't want to have a take two on what happened to Daddy.

Ngunit agad akong pinigilan ni Manang Judit ng maramdamang hindi pa daw ito ang tamang oras. Ang sabi niya'y babalitaan niya na lamang ako, oras na maghatid siya ng pagkain sa kwarto. Kaya wala akong nagawa.

Kinagabihan ay nauwi ako sa mahabang meditation, nakaupo sa kama, nakapikit ang mata habang binabantayan ang aking paghinga akong naabutan ni Jumi.

"Nasa kwarto niya na si Chulia, tulog." Aniya at seryosong bumaling sa akin.

"Did you take one?" Standing in front of my bed hands in Akimbo, she looks stressed.

I had a random panic attacked earlier, marahil dulot ng stressed nitong mga nakaraang araw.

Umiling ako. "No. I was tempted pero pinigilan ko," nakayuko at nararamdaman na ang pamamawis ng likod.

"I am going to get addicted, Jumi. My body will depend on the pills and I don't want to be the slave of it,"

Bumuntong hininga siya at umupo sa aking paanan. Pinaypayan niya ang sarili bago pumalatak sa inis at hubarin ang kaniyang suot na denim jacket.

"Ano 'to? Seryoso ba 'to?" inis niyang turo sa electric fan. "Wow! Napaka mature David!"

I shushed her when she intentionally risen her voice.

"Paanong hindi ka mastress eh tingnan mo naman ang ayos mo!" bulyaw niya. "Komportable ka man lang ba natutulog sa gabi?!"

"I was sleeping in Julia's, may aircon doon,"

Inis niyang inilibot ang tingin at ngumiwi ng makita ang mga nagkalat kong gamit. 

"Anesthesiologist na't lahat hindi ka manlang mabilhan ng cabinet!" aniya. "Kahit 'yung sa five-six na naglilibot manlang!"

Hindi ako kumibo at ngumuso. Tinali ang kaniyang pulang buhok sa messy bun ay nahulog ang kapipiranggot niyang bangs.

"Dapat kasi kausapin mo eh! Kung ayaw mag usap eh, sulatan mo!" aniya. "Stories always has two side, masiyado niyang inangkin ang point of view at ayaw ka ng pakinggan,"

Hindi ako kumibo at pinunasan ang pawis sa aking braso. Free sauna 'ata trip ni David Angelus.

"Kung ako sayo ay sasabihin ko na ang pinag daanan ko sa nakalipas na limang taon! Aba! Bakit? Namatayan ka Camila, hindi lang ng isang anak kundi ama! You got depressed and scammed by your so called management! Magalit siya ng ganyan kung nagpakasasa ka lang sa Boston!"

Chasing Wild RedamancyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon