CHAPTER [02]

1.6K 30 4
                                    

Dahan Dahan kong dinilat ang Mata ko,char nakapiring Pala ako,ano na naman bang kailangan ng mga kidnappers nato? Uubusin na naman ba nila Pera namin? Shet ang lamig naman dito,basa pa naman kami ni Xander,basa kami literal,hindi yung 'baby you're so wet' char ulit.

"Bilisan mo naman magmaneho!!!"

"Peste! Peste! Andami daming huling mukhang makikita bakit kabit pa ng Asawa ko!? What kind of kamalasan is this?!" Napangiwi ako dahil sa hagulgol ni Mama. Parang lalabas ang katulok tulokan ko dahil sakanya.

"Excuse me?! Why is your brain so makitid?! We're just friends,duhhh!!!" Feeling ko ay Todo irap na ngayon si Tita.

"Friends mong mukha mo! Malandi ka! Masaya akong panoorin kang mamatay!"

"In your dreams! Xoder Honey will never allow that to happen!"

"You're so corny! Xoder your honey is jutay!"

"Gusto mo bang mamatay ng maaaga!?"

"Mas mauuna ka!!!"

"Ikaw buhay ka pa pero nabubulok na ang kaluluwa mo sa impyerno!!!"

"Ang ganda naman ng line mo,saan mo nakuha yan?"

"Sa Google." Maiksing sagot ni Tita.

"Okay magsesearch din ako para may pangrebat na ako sa kabit."

"Ang kitid ng utak mo! Wala kang tiwala sa asawa mo!!" Galit ng bulalas ni Tita.

"Hays!!! Ang ingay! Pag hindi kayo tumigil sisipain namin kayo palabas kahit umaandar pa." Natahimik ang dalawang Nanay namin dahil siguro sa takot.

"Bakit kasi sinama niyo pa yan?" Rinig kong sambit nung isa.

"Ewan ko,bata lang dapat ang kinukuha natin kasi kidnappers tayo." Sambit naman ng iba pa. Shet Ilan ba silang andito?!

"SeniorCitizenappers na tayo ngayon."

"BUAHAHAHAHAHAHAHA." Kahit anong pigil ko ay natawa ako dahil sa sinabi niya, syete ang benta ng joke na yon ah!!!

"I'm not Senior Citizen!!!" Sigaw ni Tita.

"I'm just 50 years old! And I have no Taba!"

"Anong nakakatawa?"

"Wala grabe naman kayong mga SeniorCitizenappers,ang taas ng IQ."

"Pwede pakihinahan yung Aircon? Ang lamig eh." Si Xander na epal sa usapan.

"Mas malamig pa dito Relasyon natin dati eh."

"Whoaaahhh!!!" Mga SeniorCitizenappers yan,mga epal na mapagkantyaw.

"Ang tagal tagal na non!"

"Pero kahit matagal na andito pa rin! Pangit ba ako?,pangit ba yung katawan ko,kapalit palit ba ako?"

"Shut up! Anlayo mo kay Liza wag kang feeling diyan!" Sigaw ng isa sa mga Tao don, panira may luha na nga ako eh.

"Mas maganda kasi ako sa kanya."

"Maganda ka pala bakit iniwan ka?"

Pag sinipa ko tong hayop na to mananahimik to eh! Kaya lang andaya bakit ba kami nakagapos? Mga bakla!

"Eh wala tayong magagawa kung natitigang na tapos ayaw mo magpagalaw." Shet ayokong mapahiya eh sarrey na.

"Hoy anong ibig mong sabihing babae ka?!" Rinig kong sigaw ni Tita.

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now