CHAPTER [26]

192 12 0
                                    

Dumeretso ako sa kwarto kong nakaboxer lang at basang basa pa, makakabawi rin ako sa baklang Adriel na iyon, ang kapal ng face niyang ihulog ako sa pool. Dumeretso ako sa walk in closet ko para kumuha ng twalya, mabilisan akong naligo at nagboxer na lang para deretso tulog.

"Bakit bukas and TV?" Taka kong tanong habang nagpupunas parin ng buhok, wala namang taong andito at hindi naman ugali ng mga pinsan kong mangealam ng gamit, hindi ko na iyon inisip pa, kinuha ko na ang remote at pinatay ito.

Naupo na ako sa kama at pinatay ang lamp shade sa tabi ng kama. Paghigang paghiga ko ay may naramdaman akong presensya, naririnig ko ang hininga ng kung sino man! Shit! Sino tong maligno na to? Dali Dali akong tumayo at dumeresto sa switch upang sindihan ang ilaw.

"S-Sino ka?" Kabadong tanong ko. Inalis niya ang kumot sakanya.

Hinanda ko ang sarili ko dahil baka kalaban iyon ng pamilya namin, pero pag-alis niyon ay umiiyak na Sun ang sumalubong saakin.

Bumagsak ang dalawang balikat ko dahil sa nakikita ko ngayon kung gaano siya nasasaktan dahil sa sarili kong kagagawan!

"A-Anong ginagawa mo di—"

"Xander you have a nice body!!!" Bigla ay sigaw niya kaya nataranta ako at tinakpan ang katawan ko pero nonsense iyon dahil hindi kaya ng dalawang kamay lang na takpan ang buong katawan.

"Ayan ba ang pinunta mo dito???"

"Nagpunta ako dito para magalit pero dahil ang sarap ng katawan mo, marupok na ulit ako." Nababaliw na yata talaga ang isang to.

"Itigil mo na nga to."

"Xander magbihis ka na! Wild akong babae pag galit ako."

"Papano muna yung wild?"

"Gusto mong malaman?"

"Magtatanong ba ako—WAAAH!!!" Napasigaw ako dahil bigla ay hinubad niya ang t-shirt niya! Nababaliw na siya! Nababaliw na siya talaga! Agad akong pumikit at tinakpan ang mata ko, may balak ba siyang akitin ako? Okay! Nagtagumpay na siya! Nakakaakit talaga siya huhuhu.

"A-Ano bang ginagawa mo?!?!"

"Tinatanong mo kung ano yung nakakaakit eh."

"Okay na alam ko na! Magbihis ka na!!!" Dinilat ko ang mata ko at ganon na lang ang kabang naramdaman ko dahil papalapit talaga siya sakin! Muli kong ipinikit ang mata ko at taimtim na nagdasal. Makalipas ang ilang segundo ay may naramdaman akong haplos sa tiyan ko, paakayat sa dibdib ko hanggang sa pisngi ko.

"Hindi mo ba ito gusto?" Kinuyom ko ang dalawang palad ko, hindi daw gusto?! Baliw ba siya?! Hindi niya lang alam kung gaano ako nagpipigil ngayon na angkinin siya.

Niyakap niya sa leeg ko ang dalawang braso niya, shet! Baka mapansin niyang buhay na si ano! WAAAAHHHHHH!!!

"HALA!!!" May bigla ay sumigaw dahil sabay kaming nataranta ay natulak niya ako at nahila ko siya, kaya ang ending nakapatong siya sakin.

"Ano yan?! Live porn?!?!" Rinig kong tanong ni Rhonjay, at napagtanto kong nakabra lang pala ang isang to.

"Labas!!!" Inis na sigaw ko.

"Ayaw niyo ng may audience?" Tanong naman ni Kleivan!

"LABAS!!!" Narinig ko ang pagsara ng pinto kaya agad ko siyang inalis sa ibabaw ko para kuhanin ang damit niya.

*TOKTOKTOK*

Binuksan ko iyon dahil may kumatok at nakita ko ang nakangiting si Mama habang tamang silip kay Sun sa loob.

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now