CHAPTER [30]

229 11 0
                                    

Tahimik akong nakatulala sa kwarto ko, hindi ko na muli pang nakita si Sun pagtapos ng encounter namin sa chapel, kahit anino niya sa school ay hindi ko na nasilayan pa.

Hindi na siya pumapasok at nung nagtanong ako ay nalaman kong nagtransfer na siya ulit sa dati niyang school na hindi ko pwedeng malaman ang pangalan at kung saan iyon.

Ngayon ko lang narealize na ang hirap magfunction ng katawan ko kapag wala ka. Ang cheezy ng ganon pero ngayon ko lang nalaman na totoo pala talaga iyon kapag nawala ang nakakapagpasaya sayo.

Sinagot ko ang tawag kahit na nanghihina ako, nilapit ko iyon sa tenga ko, agad akong napatayo dahil sa hikbing narinig ko.

"Xander..."

"Atasha? A-Anong nangyayari?" Dahan dahang tanong ko, sana hindi niya sinaktan ang sarili niya.

"Xander, I need you here." Pinatay ko na agad ang tawag at pumunta sa Acewell hospital. Pagbukas ko ng pinto ay agad ko siyang niyakap dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Okay ka lang ba?"

"Xander, piliin mo ako." Puno ng pagsusumamo ang tinig niya. Sasabihin ko na ba sakanya ang totoo?

"Atasha..." Nabasa ko sa mata niya na alam na niya ang kung ano mang nasa isip ko. Tumulo ang luha sa mata niya kaya agad ko yong pinunasan.

"Xander please!!!" Bigla ay hinatak niya ako at hiniga sa kama pinatungan niya ako hindi ko siya matulak dahil paniguradong masasaktan siya.

"Atasha... Please, I'm sorry."

"Magsisisi ka Xander." Nagbubulungan lang kaming dalawa na para bang may ibang makakarinig samin na andito sa kwarto.

"Pero masaya ako Atasha, please."

"Gawin natin ulit Xander!" Bigla ay sinigaw niya iyon kaya agad na nangunot ang noo ko.

"Anong gagawin?" Hinawakan niya ang labi ko para patahimikin ako.

"Ginagawa na naman natin to dati hindi ba? Gusto mo bang makatikim ng ibang putahe kaya mo siya nilalapitan?"

"Atasha hindi yon ganon." Binulong ko yon sa tenga niya para mas lalo niyang maintindihan. Naramdaman ko ang paghikbi niya sa leeg ko habang nakapatong siya sakin.

"Xander, hindi ako magdadalawang isip na patayin ang sarili ko." Napaluha ako dahil sa narinig, ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Umikot ako para matanggal siya sa ibabaw ko.

"Atasha please, don't do this."

"Xander Don't do this, bakit niloko mo ako? Alam mong depress ako." Napatahimik ako dahil sa tanong niya, hindi ko rin alam kung bakit ko nga ba iyon ginawa.

"May hihilingin ako pag nabigay mo ay pakakawalan na kita."

"A-Ano yon?"

"Paligayahin mo ako sa kama."

"I can't do this Atasha."

"You can Xander, wala akong pake kahit isipin mong ako siya." Gagawin ko ba to para maging masaya na kami ni Sun? Pero paniguradong masasaktan si Sun kung ito ang gagawin kong paraan. Atasha kissed me torridly. Hindi ko siya ginantihan dahil hindi ko alam kung tama bang gawin ko iyon, paniguradong masasaktan si Sun kung may mangyayari saamin ngayon ni Atasha. Bigla ay pumasok sa isip ko na si Sun ang kahalikan ko, nakapagisip na ako, papayagan naman na kami ni Atasha kung gagawin ko to hindi ba? Palalayain niya na ako kung gagawin ko to. Hinawakan ko ang batok niya at hinalikan siya, kahit labag sa loob ko ay ginawa ko para maging masaya na kami.

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now