CHAPTER [14]

260 12 0
                                    

Hindi na ako makatulog ng Maayos dahil sa mga nangyayari,malalim na yung eyebags ko pero maganda parin ako,char.

Andito ako ngayon sa kwarto ko at hinihintay ang tamang oras para pumunta sa dapat kong puntahan,tinignan at inaral ko ang mga nangyayari nito lang sa mga biktima,kung sinasakal ng lubid mula sa likod,so nasa likod ang killer? Bakit itong mga babaeng to ang tinatarget?

*KRING!!!*

Bakit tuwing palaging ginagamit ko isip ko palaging may umeepal? Ayaw ba nilang gamitin ko utak ko paminsan minsan?

"Hello?"

[Where the hell are you?!] Bigla ay sigaw ni Three, tinignan ko yung call at nakitang hindi naman niya number yon.

"Kaninong phone ang gamit mo?"

[H-Hindi n-na m-mahalaga yon.]

"Why are you stuttering Three? Tatahimik lang naman ako."

[Eh Hindi mo na nga kailangang malaman!]

"Eh gusto kong maknows!!!"

[Kay Sandoval.]

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya, what the fuck? Sandoval? The con-artist? What's the score between them?

[Wag kang isyu diyan, lowbat ako, napadaan siya kaya nanghiram ako.]

"Sa tingin mo ay bebenta sakin yang kasinungalingan mo? For sure magkasama kayo ng partner mo kaya bakit sakanya ka nanghiram?"

[You already answered your nonsense Question, Sun] sarkastikong tugon niya.

Naghugis 'O' ang mga bibig ko dahil narealize ko na ang tamang sagot,bat ba talagang ang bobo ko?

"Papunta na ako diyan."

Hays kaasar naman,Kung kelan gusto kong magpahinga tsaka binigay samin ni Mr Lee yung Misyon na kilalanin yung dalawang biktima,at bukod sa edad ano pa ang pagkakapareho nila.

Pumasok kami nila Xander, Russdale at Three sa Roxwell University para kumuha pa ng information,pwede naman sana kay Tito kaya lang kasi masama ata ang magbigay ng personal information ng students pag walang permit kaya kailangan pumunta talaga kami dito.

Pumunta kami sa Grade 12 ABM Building para magtanong tanong, tatanungin namin kung anong mga hilig nila at para malaman kung may pagkakapareho nga ba sila.

Kumatok kami sa unang Room pero Hindi nila kilala ang kahit isa sakanila. Halos napaos na kami dahil sa dami ng classroom sa ABM,grade 12 palang yan! Umakyat na kami sa 6th floor,Ito na ang last,at nandito ang mga sampung higher section.

"Maghiwa-hiwalay tayo para mabilis." Suggest ni Russdale na sinang-ayonan naming lahat.

"Kilala niyo po ba to." Tanong ko at pinakita ang Tatlong pic.

"Si Mikka lang ang kilala ko." Sambit nung isa kaya napatingin ako sakanya.

"Pwede ka bang magsabi sakin ng tungkol sakanya?" Tanong ko.

"Mabait si Mikka pero madalas ay tahimik at gusto ang nag-iisa,Isa lang yung kinakausap niya,yung boybestfriend niya." Ayun ang pumukaw ng atensiyon ko.

"Kilala mo ba ang boybestfriend niya?"

"Hindi eh." Napatango na lang ako at Hindi maitago ang disappointment.

"Anong hilig niya?" Tanong ko.

"Mahilig siyang makinig sa music,naging ganon siya simula ng mamatay ang magulang niya."

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now