CHAPTER [32]

226 14 0
                                    

Buntis ba ako? Oh my gosh!!! That's disgusting! Isang beses lang naming ginawa yun ah? Bakit naman kasi hindi ko alam na sharp shooter pala yung bulldog na yon! Pano na ako niyan? Bakit hindi nalaglag yung bata nung sinaksak ako? Bakit ba iniisip ko yon! Erase! Lumabas ako ng banyo at agad na nahiga sa kama.

Dapat pala sinabi ko sakanyang wag niyang iputok sa loob, hays! Ginulo ko ang buhok ko at padapang nahiga sa kama, papalakihin ko bang walang ama ang anak ko?

Sa sobrang pagiisip ko ay hindi ko na namalayan pang nakatulugan ko na iyon. Dahan Dahan kong dinilat ang mata ko dahil may kung sino man ang tumatapik saakin.

"Tatanggalin ko ang dextrose mo." Sambit ni Astraea saakin at tinanggal niya na nga iyon.

"Okay na ba ako? Pwede na ba akong makauwi?" Agad kong tanong habang kinukusot ang mga mata ko.

"Bukas ng umaga ka uuwi."

"Ha?! Bakit bukas pa?!"

"Kasi sabi ng doctor." Kinuha niya ang sinusulatan niya at iniwan na niya ulit akong mag-isa dito sa kwarto. Wala manlang silang iniwan kahit cellphone?! Ano ang tingin nilang gagawin ko dito?! Tutunganga? Napangiti ako dahil sa naisip kong kalokohan sa isip ko. Maggagala na lang ako dito sa hospital!

Binuksan ko ang pintuan at lumabas na, tumatalon talon akong naglakad dahil sa wakas ay nakalabas ako sa kwartong iyon. Kinakawayan at nginingitian ko ang halos lahat ng makasalubong ko. Pumunta rin ako sa cafeteria pero agad ring lumabas dahil sa hindi kaaya-ayang amoy. Umiikot ang sikmura ko pero pinilit kong wag masuka. Napatigil ako dahil nabangga ako sa kung sino, magsasalita na sana ako ng mapatahimik ako dahil nakita ko ang taong nasa harap ko ngayon.

"Joash...." Wala sa sariling nasambit ko at naalala kung paano kaming nagkakilalang dalawa.

"You make me feel like a whore, Xander." Nasambit ko yan dahil sa sakit na nararamdaman ko, dahil ginawa mo akong mababa, pangalawa, sinabing pipiliin pero sa huli ay iiwan mo ng ganon ganon lang sa ere. Tumulo ang luha ko dahil kahit na sinaktan mo ako ay hindi maitatangging mahal parin kita. Ikaw na ang nanakit pero ikaw pa ang may ganang talikuran, iwan at saktan ako ng paulit-ulit.

"Kasalanan niyo yan." Napatingin ako sa lalaking kanina ay nagtanong ng kung ano nga ba ang pangalan ko, sobrang komportable na kasama ko siya ngayon at niligtas niya ako mula sa kahihiyan, na dumating siya nung panahong pinili ni Xander si Atasha.

"Kasalanan ko talagang minahal ko siya! Kasalanan kong nagpakatanga ako sakanya! Kasalanan kong ginusto ko siya kahit alam kong meron siyang Atasha! Kasalanan kong nagmahal ako! Kasalanan kong kahit alam kong mali ay tinuloy ko! Deserve kong masaktan kasi niloko namin si Atasha! Deserve ko to dahil sa mga kasalanan ko!"

"Hindi mo kasalanang nagmahal ka, ang mali rito ay pinagsabay niya kayong dalawa."

"Kasalanan ko dahil hinayaan ko siya! Kasalanan ko dahil nagbulag bulagan ako! Kasalanan ko."

"Wag mong sisihin ang sarili mo! Hindi porket mahal mo siya ay aakuhin mo ang lahat ng pagkakamali, kahit na ang totoo kahit saang parte mo tignan siya ang may kasalanan dito, sinabi niyang gusto ka niya, siya ang unang nagpakita ng motibo, nilayuan mo siya pero dahil mahal mo siya ay nasira yung paglayo mo!" Huminga siya dahil sa lakas ng sigaw niya, pero ako ay napatahimik lang dahil nagtataka ako kung pano niya nalaman ang lahat ng iyon. "Kasalanan niya yon dahil kahit may girlfriend siya ay ginusto ka niya Sun! Kasalanan niya yon dahil naging sweet siya at pinahulog ka ng sobra!"

"Salamat, pero sino ka nga?" Natawa siya dahil sa tanong ko.

"I'm Joash..." Ngumiti siya sakin at inabot ang kamay niya na agad kong tinanggap.

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now