CHAPTER [06]

555 16 0
                                    

Nasan na si mama?

Nasan na si mama?

Nasan na si mama?

Nanatiling pikit ang Mata ko kahit na may naririnig akong batang kumakanta,Hindi ko alam kung didilat ba ako o mananatiling nakapikit,matapang ako pero Don tayo sa katotohanang nakakatakot talaga ang mga multo.

Kahit ilang minuto na akong nakapikit pero Hindi pa din tumitigil ang tunog na iyon,Hindi ko alam kung may nagpapakanta ba non or may bata talagang kumakanta.

Sa huli ay pinili kong tumayo at maglakas ng loob para tignan kung ano yon,sinundan ko ang tunog at napansin kong sa loob ng cabinet Ito nagmumula.

Kinakabahan ako at ilang beses kong pinag-isipan kung bubuksan ko ba iyon o Hindi,dahil natatakot ako na Baka pagbukas ko may bata bigla na lumabas,pero sa huli ay binuksan ko yon at bumungad sakin ang Relong umiilaw.

Ito yung Relong binigay nung matandang lalaking kasambahay namin sakin,bakit iyon tumunog? At ang weird nung tunog sa totoo lang.

Pinatay ko yon pero nagulat ako dahil bigla iyong umilaw at may 1 na lumabas. Anong ibig sabihin nito? Bakit to tumunog ng ganitong oras? Seriously? 10 pm?

Muli akong humiga sa kama ko at nag-isip. Hindi ko talaga alam kung anong meaning nung 1,at si Lolo pagtapos niyang mabigay sakin to ay nagresign na siya bilang Driver namin. May kinalaman ba to don? At bakit ba ang OA ko? Pumikit ako at nagpahinga na,masyado pagod ako para isipin pa ang bagay na yon.

Nagising ako ng 3 AM dahil may kung sinong tumag sa phone ko! Seriously 3 AM?!

[Nasaan ka?] Si Astraea,ang isa sa mga kaibigan ko na kagrupo namin dati.

"Obviously nasa bahay,sinong manonood ng porn ng ganitong oras?"

[Ako!!!] Nalayo ko ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa sigaw ni Dwight.

"Anong ginagawa ng bobong yan diyan? At bakit magkasama kayo ng ganitong oras?"

[Wag kang isyu diyan! Andito kami sa Roxwell.] Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Astraea,anong ginagawa nila sa University na pagaari nila Aero ng ganito kaaga?

"A-Anong ginagawa niyo diyan?"

Please sabihin niyong Group activity!

Bonak! Summer Vacation ngayon!

Please sabihin niyong may party!

Bonak! Sinong matinong tao ang magpapaparty ng ganito kaaga?

[May namatay dito,pero ayaw paimbestigahan nung pamilya.]

"B-Bakit daw?" Tanong ko.

[Hindi ko alam,pero sabi nung Witness, Madaming Saksak at yung Relong suot ay tumutugtog.]

"Anong kanta daw?"

[Hindi ko natanong.] Hays! Magsasalita pa to bitin naman! Pano ko malalaman kung konektado nga ang Relong bigay sakin,sa Relo ng biktima ngayon.

Pero 3 days nga ang nakalipas? Nasabi na to sakin nung lalaking bihag namin? May kinalaman ba siya dito? Or boss niya?

"Papunta na ako diyan."

******************

Pagdating ko don ay maraming police na andon,marahil ay nagiimbestiga sa kung ano talaga ang nangyari. Pumasok ako sa music Room dahil Doon daw ang Crime Scene.

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now