CHAPTER [18]

212 10 0
                                    

Who the hell is that beautiful girl? Pinagtritripan ata nila kami eh! Pano namin mababantayan kung magandang babae lang binigay nilang information?

"May lahi ba silang siraulo?!" Iritadong tanong nitong katabi ko. Ilang oras na kaming paikot ikot sa pesteng Dowell na Ito pero wala naman kaming makitang magandang babae! Pati address hindi manlang nila sinabi?!

"May nakita akong magandang babae!" Napaangat ako ng tingin kay Sun at nabuhayan ang loob.

"Saan?" Tanong ko at sinundan ko siyang nakaturo sa may pader? Nasa loob ba ng bahay na yon? Seryoso ko siyang sinundan pero bandang huli eh huminto siya sa may harap ng salamin!

"Ay akala ko kung sinong maganda, salamin lang pala." Agad ko siyang inambaan pero hinarangangan niya lang ang ulo niya.

"Puro ka kalokohan!" Inis na sigaw ko at naglakad na paalis sa street na iyon.

"May nakita ulit akong maganda!!!"

"Tigilan mo na nga ako!!!!"

"Pero may nakita talaga akong maganda!"

"Oo na maganda ka na! Wag ka ng makulit!" Nagwalkout na ako pero sinundan parin ako ng gaga para ipilit yung nakita niya.

"May nakita talaga akong maganda!"

"Nasaan?" I asked with my eyebrows up.

"Pero feeling ko tayo ang binabantayan niya." Bulong niya habang tumitingin tingin sa paligid.

"At paano mo nasabing binabantayan niya tayo?" Taka kong tanong.

"Kung nasaan tayo ay andoon din siya."

"Kung ganoon, bakit hindi ko siya napapansin?"

"Kasi namemental block ka sa sobrang ganda ko."

"Ang benta ng joke mo ah." Sarkastikong sambit ko at naglakad na.

"Ayun siya!" Tinignan ko ang tinuturo niya at agad na nanlaki ang mga Mata ko dahil si Atasha lang naman ang tinutukoy niya! Anong iisipin ng girlfriend ko kapag nakita kaming magkasama ng babaeng to?!

Agad kong binaba ang kamay ni Sun, tinakpan ang bibig niya at hinila para magtago, sinilip ko si Atasha na nakatingin na ngayon sa kung nasaan kami kanina! Mabuti at nakapagtago ako!

"Bakit ka nagtatago?" Takang baling sakin ni Sun pagtapos tignan si Atasha.

"Kinakabahan ako na baka mag-away kami kapag nakita niya akong may kasamang babae."

"Girlfriend mo ba yon?"

"Magtatago ba ako kung hindi?"

Parang hindi nagiisip ang isang to!

"Maiintindihan naman siguro ng girlfriend mo ang trabaho mo."

"Hindi yun ganon, alam kong maiintindihan niya, pero ayokong kapag nagkita kami ay ayon ang pagusapan namin." Bat ba ako nagpapaliwanag dito? Eh hindi niya rin naman ako maiintindihan?

"Pero mas okay nayon kesa maglihim ka sakanya, hindi niyo yun maiintindihan kasi manloloko talaga kayo."

"Hoy! Kung niloko ka ng ex mo, wala akong pake." Sinilip ko si Atasha. Pero wala na siya doon! Agad siyang hinanap ng mga Mata ko.

"Ako ba ang hinahanap mo?" Sabay kaming napatalon ni Sun dahil may biglang nagsalita , agad ko iyong hinarap at andoon si Atasha! Ang galing niya! Pano niya nalamang andito kami? hindi dapat ito ang iniisip ko! Shems why she suddenly look like a killer in a horror story? Erase!

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now