CHAPTER [08]

415 14 0
                                    

*BLAG!!!*

Agad akong napayuko dahil sa papalipad na base na papunta sakin. Kaya ang ending tumama iyon sa pader at nasira, paniguradong si Mama yan,G na G na naman dahil sa bihira si Papa na umuwi.

"PAKASALAN MO ANG ANAK KO!!!!"

Halos lumabas mga tulok ko dahil sa sigaw ni Papa,feeling ko ay nagambala non pati pagtulog ng kapitbahay namin. Dahil sa kuryosong naramdaman ko ay pumasok ako sa salas. At Doon ay nakita kong nakaluhod si Xander,at ang gunggong may black eye! Agad akong tumakbo at lumuhod para daluhan siya.

"What are you doing?" Takang tanong ko sa mga magulang ko.

"Gusto kong magpakasal kayo sa simbahan." Agad na nanlaki ang mga mata ko,kaloka! Kaya nga pirma lang Yun para pwede pang magdevorce! Matatali pa ata talaga ako ng totohanan sa unggoy na to!

"Pero Papa! Business lang to! Diba?" Peke akong ngumiti at tumingin kay Xander pero agad na nawala iyon dahil nakita kong galit siya.

"Buntis ka daw?" Kunot noong tanong niya.

"Hindi." Mabilis kong sagot kahit na nagtataka.

"EH BAKIT SINASABI NILANG BUNTIS KA?!"

Nanlaki ang mata ko dahil sa biglaan niyang pagsabog sa galit. Unti Unti akong napangiwi dahil ang OA Nila

"Kung Ganon. Ano to?" Nashookt ako dahil may pregnancy test na binato si Mama sa sahig.

"Pregnancy test yan,Ma. Hindi ka ba gumamit niyan nung nagbubuntis ka?"

"Stop being sarcastic!!!!" Bigla ay sumabog na din si Mama sa galit. Susugurin niya Sana ako pero humarang si Xander kaya nakalmot siya ni Mama.

"Eh bakit kasi tinatanong mo pa sakin eh obvious naman?!"

"Nakita ko to sa kwarto mo! Sabihin mong hindi to sayo?!"

"Hindi yan sakin!"

"Aba't tinatanggi mo pa!"

"Sabi mo sabihin kong hindi sakin, tapos ngayon nagagalit ka?! You're so magulo!!!!"

"Magpapakasal kayo!!!"

"Bakit ko siya papakasalan? Eh wala namang nangyari samin?!" Galit na pagsingit ni Xander.

"Hindi nga ako buntis! Pag may pregnancy test buntis agad?" Sarkastikong tanong ko naman.

"Eh bakit nasa kwarto mo?" Tanong ni Mama.

"Baka sayo yan? Ngayon palang ako umuwi mula kanina Malay ko bang pinaprank lang ako ng kung sino dito sa mansiyon."

"Hindi yan bebenta sakin,aayusin natin ang kasal sa simbahan." Si Papa.

"Ayokong makasama sa isang bahay ang isang taksil! Kasal kami sa papel at oo! Pwedeng magdevorce! Pero tama ba namang magpabuntis siya sa ibang lalaki?!" Galit na namang bulalas ni Xander sabay tingin sakin.

"Ang kapal ng apog mo! Sinabi ng Hindi nga ako buntis!!!" Pinandilatan ko siya ng Mata.

"Tinatanggi mo talagang lalaki ka?!" Si Mama na agaw eksena.

"Eh wala naman kasi talagang nangyari!"

"Kung ganon ano to?" Nanlaki ulit ang mata ko dahil binato ni Mama ang Cellphone ko,shet pano napunta sakanya yon?

"P-Pano napunta sayo yan?!" Nagugulat kong tanong habang ang isang kamay ay nakatakip sa bibig at ang isa naman ay nakaturo sa cellphone na para bang nakakatakot iyon.

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now