CHAPTER [05]

720 24 0
                                    

Cute na Author: Thankyou sa mga nagbabasa HAHAHAHA pa-vote din po!!!!

********

Dahan Dahan kong minulat ang Mata ko at napangiwi dahil sa naramdamang kirot mula sa saksak na natamo ko kahapon,Hindi ko alam kung sino ang naglakas loob na saktan ako,isa ang pamilya namin sa makapangyarihang Mafia sa buong mundo.

Ginala ko ang paningin ko at doon sa sofa ay nakita ko ang mga pinsan kong lalaking pasarap lang sa buhay at Hindi naman ako inalaagaan.

"Okay ka Lang?" Tanong ni Dwight kaya lahat ng atensiyon nila ay binaling sakin.

"Saksakin kaya kita tapos tanungin kita kung okay ka lang." Inirapan ko siya at humalukipkip.

"I'm trying to be nice here." Sarkastikong sambit niya.

"Tanga Tanga kasi eh. Btw napagsalita niyo na ba?"

May mga kaibigan kaming nakabantay sa CCTV kagabi dahil naexpect na nga nila na may mangyayaring ganito kaya naabutan pa nila yung lalaki,kaya lang yung isa lang ang nahuli nila,kaya may possibility na malaman namin kung sino ang pasimuno nito,pero sa itsura nila ay parang Hindi pa nila napagsasalita.

"Nagsalita na." Sambit ni Keindler at may inabot saaking iPad Kaya kinuha ko yon at pinanood iyon.

"Gusto niyo ng clue? Bulag siya kasi Hindi niya Makita halaga ni Sun."

Gusto kong ibato ang iPad sa Pader hanggang sa masira Ito, yung sugatan ka na tapos ganito pa sasabihin ng bobong to.

"Hindi namin kailangan ng clue,ang gusto namin sabihin mo kung sino." Mariing sambit ni Keindler.

"Ayoko,basta nagbigay na ako ng clue."

"Pano namin malalaman yan eh palagi namang Hindi nakikita halaga nun." Hininto ko ang video at tinitigan ng masama ang punyaterang Dwight.

"Lapit ka dito."

"Ihhh ayoko ngaaa."

"Lapit ka na! Pakaltok lang ng isa!"

Tinuloy ko na ang video,walang mangyayari kung papatulan ko ang boset na pinsan kong to.

"Okay,he took Sun's Virginity."

"Eh kung ututan ko kaya yang mukha mo?" Inis na tanong ni Aero.

"Ay may nangyari ba sakanila non? Alam ko wala,Hindi siya naakit ni Sun." Muli kong tinigilan ang video para pakalmahin ang sarili ko,napasentido ako ng wala sa oras. Pag ako nainis isasabit ko Yan sa lubid tapos duyan lang!

"Bobo ba to? Tanga ba to? Inutil ba to?" Inis na sambit ko.

"Si Sun yan wag mo ng hulaan." Parang gusto kong mahimatay dahil sa inis nung sabihin yun ni Keindler.

Muli kong pinlay ang video! Hindi na talaga ako magagalit! Konti na lang mapapatay ko na sila eh.

"Kailangan ko ng umalis!" Napatingin kaming lahat kay Acey na Hindi ko napansin na andito pala.

"At saan Ka naman pupunta?" Kunot noong tanong ni Keindler.

"Ah may Group activity kami."

"Summer vacation ngayon Gaga. Mas maniniwala pa ako kung sasabihin mong makikipagchinese Garter ka sa kanto." Sambit ni Aero.

"May Condom ako dito."

"DWIGHT!!!!" Sabay sabay naming sambit.

"Hindi ka nakakatulong! Buntisin mo yung Fiance mo para may ambag ka na!"
Pero natahimik ako dahil sa isa pang clue nung lalaki.

Chasing The Sun (Mafia Game series #1)Where stories live. Discover now